Mainit ang sikat ng araw nang lumabas ng mansion sina Manang Ising, Liza, at Romina. Suot ni Romina ang maluwag na itim na dress at simpleng sombrero. Inalalayan siya ni Liza papunta sa sasakyan habang binabantayan ni Manang Ising ang paligid, sinisiguradong walang nakamasid sa kanilang pag-alis. Lihim ang lakad na ito. Kailangan ay walang makakaalam, lalo na si Alessandro. Wala itong ideya na may ganitong hakbang si Romina, hindi pa nito alam na buntis siya. Ngunit kung may magsumbong, madali lang din naman nilang malulusutan ito. "Huwag kang mag-alala, Senorita." bulong ni Liza habang nakaalalay kay Romina. "Mabilis lang ito. Hindi rin tayo lalayo. Dyan lang 'yon sa malapit, Senorita." Tumango si Manang Ising. "Ang importante, makumpirma natin lahat nang maayos. Basta kung may magt

