Napatigil si Alessandro sa kaniyang sinabi. Muli ay inamoy siya ni Romina. Hindi siya nagkakamali, saulo niya ang pabango na laging gamit nito. At dahil nga bulag siya ay tila mas lalong naging matalas ang pang-amoy niya. “Bago ba ‘yang pabango mo?” tanong niya, tila kaswal lang, habang pinipilit gawing kalmado ang tono ng kanyang tinig. Amoy pambabae, ang gamit niya ngayon ay para bang powdery flower ang amoy. Matamis iyon at pambabae talaga. Sa tagal niya na rin na crew sa eroplano at maraming tao na nakakasalamuha ng harapan ay pamilyar siya sa mga pabango. At ang naamoy niya ngayon, kung hindi siya nagkakamali ay scent talaga ng pambabae ng isang sikat na perfume brand. “Ha?” sagot ni Alessandro. Inamoy nito ang sarili, “Hindi. Matagal ko na ‘tong ginagamit. Baka nagkakamali ka la

