Tahimik ang gabi sa loob ng mansion. Tanging tunog ng orasan sa itaas ang maririnig habang naglalakad si Romina, hawak-hawak ang bakal na railing ng hagdan, dahan-dahan ang bawat hakbang. Kasunod niya si Liza na may hawak na maliit na flashlight, handang sumalo sakaling matapilok ang Senorita "Sigurado ka, Senorita? Gabi na, baka naman pwedeng ipagpabukas na lang kung ano ang sasabihin mo sa Senorito?" bulong pa ni Liza. Umiling lamang si Romina, mahigpit ang hawak sa railing. "Kailangan ko siyang makausap. Baka hindi ko kayanin kung itutulog ko pa ito. Saka parang makakatulog ba ako?" "Gets naman kita. Pero wag kang papaka-stress. Masama sa baby yan." "Hintayin mo ako rito. Babalik din naman ako sa kwarto." "Sige po, senorita." Dumating sila sa harap ng kwarto ni Alessandro. Pinih

