Pagbukas pa lang ng pinto ay ngumiti na si Candy. Naka-robe lang ito, may hawak na baso ng wine at halatang handa sa isang gabi na kasama ulit si Alessandro. Agad itong naghanda para magpunta dito nang sinabi ni Alessandro na magkikita sila ngayong gabi. Ngunit si Alessandro, naka-itim na long sleeves at maong—malamig ang ekspresyon, hindi ang dating Alessandro na dumadapo sa kanyang kama tuwing gabi. “Akala ko hindi ka darating,” malambing na sabi ni Candy. "I've been waiting for you. But nevermind, ang importante ay nandito ka na." Hindi siya ngumiti. “Kailangan nating mag-usap, Candy.” Nagbago ang ihip ng hangin. Candy froze. Parang may bagay na hindi niya nais na mangyari ngayon. Sa isip niya ay sana pala gumawa siya ng dahilan upang hindi ito makita ngayon. Dahil sa totoo lang, m

