Unknown Disease
09 | Antarctic Flu
_______________________________________
A lack of knowledge creates fear. Seeking knowledge creates courage. — Candice Swanepoel
Astrid
"Now, what do we do?" tanong ni Brenda.
"We wait," Keil answers.
Pinagpatuloy namin ang aming naputol na usapan matapos ang nangyaring insidente kay Minna at hinayaan siyang isali sa aming pagpaplano kahit pa labag sa loob ko ang pagkadamay niya rito. Kahit pa ayaw ko ay wala na akong magagawa pa. I don't have any other choice. Narinig niya ang lahat ng mga pinagusapan namin kanina. Knowing her, hindi niya papalagpasin ang mga narinig niya at pipilitin ako hanggang sa makuha niya ang mga sagot na hinahanap niya.
Ang tanging magagawa ko na lang sa ngayon ay ang ipaalam sa kanya ang nangyayari patungkol sa sitwasyon para maproktekhan siya.
"Bakit pa tayo maghihintay if I can talk to my dad na?" Minna blurted out something that caught our attention.
A mischievous smile flashes on her lips. Oh, s**t. How could I forget? Minna's the daughter of the Vice President of the Philippines.
"What do you mean by that?" takang tanong ni Keil kay Minna.
"I can talk to my dad. He's the current Vice President of the Philippines," she proudly says na ikinatigil nilang lahat sa pag-uusap.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Eh 'di sana kanina pa tayo tapos dito," medyo asar na tonong sabi ni Maggie.
"Paano ko sasabihin kung sobrang seryoso niyong lahat? Walang pumapansin sa akin. Ayoko namang makagulo sa inyo kaya," Alanganing sabi niya.
Well, she can't blame us. The situation is too serious that can't be entrust with the government itself. Lalo na sa napagalaman naming pagtatakip nila sa nangyayari sa Maynila.
"I'm sorry if you felt that way. We didn't meant to offend you in anyway Minna. Sadyang masyadong seryoso lang ang nangyayari na hindi ka na namin magawang kausapin," Mahinhing paumanhin ni Brenda.
"Brenda's right. Pasensya ka na. Hindi namin intensyong hindi ka pansinin," dagdag pa ni sa sinabi ni Brenda.
"No! Bakit kayo nag-sosorry? Okay lang ano ba kayo," nakangiting sagot ni Minna. Kita ko sa mga mata niya ang sincerity kaya alam kong ayos lang talaga sa kanya. I know her very well. She's an understanding person. She never take anything too seriously.
"Still, I want to apologise. We're really sorry," ani Brenda na ikinatango na lang ni Minna na may ngiti sa labi.
"Why didn't you tell us Ash that your friend is a freaking daughter of a Guerra?" Iling-iling na sabi ni Froy.
"You didn't ask me," kibit balikat na sagot ko. The truth is ayoko lang madamay si Minna sa nangyayari. Lalo na at sa ginagawa naming Ito kinakalaban namin ang gobyerno laban sa pagtatago nila sa sitwasyon.
Hindi makapaniwala nila akong pinagkatitigan na parang disgusto sa naging sagot ko.
"Seriously Astrid?" kunot noong sabi ni Brenda.
"Do we have to ask you pa ba for you to tell us? The hell!" asik ni Maggie na mukhang asar na asar sa akin.
"Well obviously yes. Nakalimutan ko nga eh," sarkastikong sagot ko sa kanya na mas lalong nagpasama ng anyo nito.
Nakita ko pa ang akmang pag-angal ni Maggie nang biglang bumukas ang HTV na ikinatigil niya sa pagsasalita.
"Brenda, the remote," saway ni Zeros.
Napunta naman ang tingin ko kay Brenda at napatingin ako sa bandang tagiliran niya kung nasaan ang remote na naupuan niya. Akmang papatayin niya na sana ang HTV nang mabilis ko siyang pigilan nang makita ko ang kasalukuyang pinapalabas sa HTV.
"Don't."
"Turn the volume up," utos ni Froy sa kanya na siyang ginawa kaagad ni Brenda.
| Isang sakit ang ngayo'y kumakalat sa lungsod ng Sta. Mesa, Maynila. Kabi-kabila ang natatanggap na report natin mula sa mga ospital sa lungsod ng Maynila na nagrereport ukol sa infection na ito. Nandito ako ngayon sa McNate Memorial Medical Center kung saan patuloy pa rin ang pagdagsaan ng nga tao papasok sa hospital.
'Di umano, ito raw ay unang kumalat noong nakaraang taon lamang sa bansa ng Antarctica. Halos kalahati ng populasyon ng naturang lalawigan ang namatay dahil sa na sabing sakit na ito. Ang sakit na ito ay tinawag na Antarctic Flu o kung tawagin sa ngayon ay isang 'Flu Pandemic' dahil ito ay unti-unti ng kumakalat sa iba't ibang bahagi ng kontinente ng mundo.
Pinaniniwalaang nagsimula ito sa pagkain ng mga tao ro'n ng laman ng fox o soro na isang hayop gubat na nagdahilan ng pagsisimula ng naturang sakit. Sa loob ng nakaraang mga taon, dose-dosenang kaso ang nagkumpirma sa naturang sakit na ito sa iba't ibang bahagi ng kontinente. Kabilang dito ang South America, North America, iilang lungsod sa Europa at Asya.
Kanina lamang ay kinumpirma ng McNate Memorial Medical Center ang kauna-unahang kaso ng Antartic Flu sa bansa at sa ngayon ay kasalukuyang tinitrace ng pamahalaan ang maaaring pinanggalingan ng sakit ng naturang pasiyente.
"Nakakatakot naman itong nangyayari. Ano na bang balita riyan Malia? Ginagawan na ba ng aksyon ng pamahalaan ang isyung ito?"
"Salamat, Kate. Sa ngayon ay hindi muna nagbigay ng statement ang Pangulo patungkol sa kumakalat na sakit at tanging sinabi lamang nito na kaagad itong sosolusyunan sa abot ng kaniyang makakaya."
"Sana nga Malia at masolusyunan ito kaagad habang hindi pa tuluyang kumakalat sa buong Pilipinas ang sakit na 'yan."
"Tama ka riyan Chris, sa ngayon inirerekomenda ng mga experto ang pagsuot ng takip sa bibig o face mask lalo na sa mga pampublikong lugar upang makaiwas sa pagkahawa at pagkalat pa lalo ng naturang sakit at ang pagreregula ng tamang pagsasanitize ng mga kamay. Balik sa 'yo Freda." |
Napatanga ako sa pagkakaupo ko matapos marinig ang naging report ng ina ni Maggie na si Mrs. Malia Blackwoods. Binalot ng isang nakakabinging katahimikan ang apat na sulok na kwartong ito matapos ng naging balita. Walang nagtangka ni isa sa amin ang magsalita man lang matapos nito.
Bagamat 'di na lingid sa aking kaalaman ang nangyayari ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-isip. Why all of sudden? Bakit sa panahon pa namin nangyayari ito? Bakit?
"You didn't tell us na kumakalat na ang sakit sa iba't ibang bansa. Don't tell me you also forgot about that?" seryosong tanong sa akin ni Keil na bumasag sa katahimikan sa loob.
"I didn't forget. Maging ako ay walang kaalam-alam na kumakalat na pala ang sakit na ito sa iba't ibang karatig bansa. Ang alam ko lang ay ang patungkol sa kung saan at paano ito nagsimula," senserong sagot ko.
I never thought na malala na pala ang nangyayari at mas hindi ko alam na buong mundo na pala ang nakakaranas at apektado mula sa naturang sakit na ito. Recently our communication and airlines with other countries had been shut down for some reason. So I guess, it's about this situation. They hid it to us. Para mapigilan ang pagdating nito sa bansa. Pero paano? Paanong nakarating ito sa bansa kung sinarado naman ang communication namin sa ibang bansa and just a high personnels can only have an access outside which includes the doctors and the government.
So, how is it possible? At bakit hindi man lang nilang ipinaalam sa amin na malala na ang nangyayari for the past months? Why wait for a long time? Kung kailan dumating na sa bansa ang sakit. I have a bad feeling about this. First off tinago nila ang patungkol sa sakit at nagtanggal ng editor chief sa pagtangkang pagpalabas ng anumang balita patungkol dito at ngayon sasabihin nilang isa na itong Flu Pandemic na kumakalat sa buong bansa at wala man lang silang ginagawang kaagarang aksyon hanggang ngayon? What are they are really up to?
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆