The Plan

2157 Words
Unknown Disease 08 | The Plan _______________________________________ Astrid "Uy Astrid, may tumatawag sa phone mo! Astrid Mcnate may tumatawag!" Malakas na sigaw ni Minna sa kaliwang tenga ko na halos ikatalon ko sa gulat. "Minna! Bakit kailangang isigaw sa tenga?" asar na sabi ko bago inayos ang sarili. "Ang sabi ko, may tumatawag may tumatawag..." napairap na lang ako nang lapatan niya ng kanta ang sinabi niya galing sa favorite cartoon song niya na Wonder Pets. She's a cartoon maniac. She loves 19s cartoons. Hindi ko alam kung bakit 'di hamak na mas magaganda ang mga palabas ngayon dahil na rin sa 3D ito. I'm not belittling cartoon on the 19s. Sadyang hindi lang talaga ako interested sa mga gano'ng bagay unlike her. Pero kahit ano naman sigurong cartoon pinapanood niya. Nagkibit balikat na lang ako bago ituon ang atensyon sa phone ko. Pagbukas ko ng phone ko ay tumambad kaagad sa akin ang isang incoming call galing kay Brenda. I immediately press the accept button to answer the call. "Hi Ash! Good afternoon!" She cheerfully greeted me on the other line. "Okay na ba ang lahat?" I asks without even greeting her. "Naman! Come and meet us at the Miranda Building, Room A45. Aantayin ka namin do'n 6pm sharp. Seeya there!" She's a very energetic person like Minna. Sa tingin ko talaga magkakasundo silang dalawa talaga. May sasabihin pa sana siya pero huli na dahil mabilis na napindot ko ang end call. Baka kasi marinig na naman ni Minna at magalit sa akin at isa pa nasagot niya na naman kasi ang gusto kong malaman kaya pinatay ko na. Isang araw na ang nakakalipas simula nang makilala ko sila. Matapos kong makumpirma galing kay Brenda na kay Priam nga nagsimula ang Antartic Flu sa Pilipinas, Zeros father called, do'n namin napagpasyahang umuwi na. On the way home, we have all agreed to a plan and that is to spread awareness to everyone regarding the situation in Manila. The government can't keep this secret anymore. The more they hide, the more the situation gets worse. Minna scolded me earlier. Bakit hindi ko raw sinabi na kakilala at ka-close ko raw 'yong lima na 'yon. Tinawag kasi ako kanina ni Brenda para sumabay sa pagkain kaya inaya ko rin si Minna siyempre. But after that kung anu-ano nang sinabi niya sa akin. Kesyo naglilihim na raw ako. Pinagpapalit ko na raw siya at kung anu-ano pa. Which is not true. Bakit ko naman siya ipagpapalit? She's irreplaceable kaya. Nakakapagtaka lang dahil hanggang ngayon ay clueless pa rin ang lahat sa nangyayari sa Maynila. Hindi ko alam kung anong plano ng gobyerno sa isyung ito at pilit nilang tinatago at pinagtatakpan ang sitwasyong nangyayari na sa bansa. It's such a shame, dahil imbis na gawan nila kaagad ng aksyon ay pilit silang gumagawa ng paraan para pagtakpan ito. What are they up to, really? Nakatungo lang ako sa bintana habang naghihintay matapos ang klase. I can't focus on the lesson lalo na at napakaraming tanong at senaryo ang naglalaro sa utak ko ngayon. Nagawi ang tingin ko sa nasa harapan ko at nakita ko ang palihim niyang paglalaro ng Kill or Be Killed. A survival game. In which you need to kill to survive. I don't know why people patronize that game, it sucks. Killing is not always the solution for everything. Sometimes, you just need to use your mind and just fight till the end without harming others. Inaangulo niya ang rifle niya habang sinusundan ang kaniyang target. Nang huminto ito ay hindi na siya nagdalawang-isip pa at mabilis itong pinatamaan, making him the last person to survived the game. "That's all for today's class. Class dismiss!" paalam ni Ms. Anne, ang last subject teacher namin para sa araw na ito. "Ash!" sigaw ni Minna na patalon na tumakbo papunta sa akin para akbayan ako. "Liit mo na nga ako pa inakbayan mo," asar ko sa kanya bago siya lampasan na may ngisi sa labi. "Hoy! Ang kapal ng mukha talaga. Porket kapre ka lang!" sigaw niya na ikinalaki ng ngiti ko. Kahit kailan talaga ito si Minna. "Ah kapre pala," matabang na sabi ko pagkalingon ko sa direksyon niya at mas binilisan ang lakad. We were always like this. Kunwari mag-aaway sa kalokohan ng bawat isa tapos magbabati rin. Lagi kasi niya akong inaakbayan kapag trip niya. I'm tall for a girl with a height of 5'6 tapos siya naman ay 5'3. Imagine mo 'di ba bigla niya akong aakbayan ang sakit kaya sa leeg. "Uy! Ito naman hindi mabiro! Antayin mo ko!" Sigaw niya at umalingawngaw ang malakas na pagtunog ng heels niya sa pagtakbo sa hallway. Binagalan ko naman ang paglalakad ko para mahabol niya ako. Nagloloko lang naman kasi ako at masakit kaya sa paa ang nakaheels tapos tatakbo pa. Ayoko namang mahirapan pa siya. 'Di nagtagal ay nahabol na rin ako ni Minna. Hingal na hingal pa siya habang nakahawak sa tuhod niya bago huminto sa harapan ko. "Ang bilis mo naman maglakad. Joke lang naman parang tanga," reklamo niya habang pinupunasan ang pawis sa noo niya. "Oo na. Tara na umuwi na tayo," aya ko sa kanya para hindi na humaba pa ang aming usapan. I'm not in the mood na makipag-asaran ngayon kay Minna dahil sa dami ng iniisip ko. Feeling ko ay sasabog na ang utak ko kakaisip. I want to be optimistic here pero hindi ko magawa. How can I be optimistic when even the government's doing nothing about the situation? Hindi ko na napansin na hinila na pala ako ni Minna palakad. Malapit na kami sa gate ng may bigla akong naalala. Mahinang napamura na lang bago tiningnan ang oras sa relo ko at nakitang 6:12 na ng gabi. "May problema ba?" tanong sa akin ni Minna. "Mauna ka na," ang sabi ko at nakita ko sa mga mata niya ang pagtataka sa sinabi kong 'yon. "Ha? Akala ko ba sabay tayo uuwi?" takang tanong niya sa akin. "I forgot something on my locker," pagsisinungaling ko kay Minna. I mentally rolled my eyes at what I've said. What a lame excuse Astrid. Just great. "Yon lang naman pala eh. Samahan na kita!" sabi niya at hinila na ako pabalik pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko na nagpahinto rin sa kanya. "Hindi ako na lang. Mauna ka na. For sure inaatay ka na nila Tita," ang sabi ko as I get my hands off from her. "Okay lang 'yan. Dali na balikan na natin 'yong nakalimutan mo," pagpupumilit niya pa at muli akong hinila. "No!" I unintentionally say out loud that it makes her look at me with confusion. "I mean no. You should go first. I can handle myself at isa pa ibinilin sa akin ni Tita na maaga ka raw dapat umuwi ngayon," I casually says at pilit na tinatago ang kung anumang ekspresyon ko sa mukha na maaaring magbigay sa kanya ng suspetsa. "May magagawa pa ba ako? Sige na nga. Sabi mo eh," pagsang-ayon niya 'di kalaunan. Nakahinga kaagad ako ng maluwag dahil sa sinabi niyang iyon. Akala ko ay magpupumilit pa siya pero mukhang hindi naman. Hinintay ko muna siya makalabas ng gate bago ako nagsimulang maglakad pa diretso sa Miranda building. Napatigil ako nang maalala ko na dulong building pala 'yon dito sa University. Mukhang mapapasubo ako sa mahaba-habang lakaran nito. Tiningnan ko ang phone ko at agad bumungad sa akin ang 23 missed calls na galing lahat kay Brenda. May messages din siya at ang nabasa ko lang ay puro nasaan na raw ako. Tinago ko na ang phone ko bago nagsimulang maglakad muli. I walk as fast as I can. Nilibot ko ang tingin ko at nakitang may mga iilang mga estudyante pa ang naglalakad at papauwi pa lang. Kanina pa kasi ang uwian and it's already 6:30 na rin kaya iilan na lang ang natitira sa mga classroom na for sure ay mga cleaners o 'di kaya galing sa detention. Siguro akong magagalit 'yon sila sa akin dahil ang usapan 6:00 pm sharp. Pero bakit ba, Filipino time tayo. Naramdam ko ang pagtunog ng phone ko sa bulsa ng palda ko kaya agad ko itong kinuha. Nang makita ko na si Brenda ang tumatawag ay 'di na ako nagdalawang isip pa na sagutin ang tawag. "What the heck is wrong with you?! You're already 30 minutes late. May balak ka pa bang pumunta?!" malakas na sigaw ni Maggie sa kabilang linya na ikinalayo ko ng phone ko sa tenga ko. Ugh. "I'm almost there," ang sagot ko na lang matapos patayin ang tawag. Kasalanan ko ba na nakalimutan ko? Buti nga naalala ko eh. Late nga lang. Natatanaw ko na 'yong building kaya agad na akong umakyat papuntang 4th floor. Napaikot na lang ako ng mata dahil sa layo ng building na ito. Mabuti na nga lang talaga at may elevator dito kaya 'di na ako mahihirapang umakyat sa hagdan papuntang 4th floor. Sino ba naman kasing makikipagkita sa building na 'to? Bukod sa napakalayo ay hindi naman na nagagamit. Palibhasa malapit ang department nila mula rito kaya ayos lang sa kanila. Samantalang ako sa kabilang dulo pa ang building. Bakit ba hindi ko kaagad naisip na napakalayo pala ng building na 'yo? Eh 'di sana nakahanap kami ng ibang pagkikitaan. Nang makarating ako sa room na tinutukoy ni Brenda ay agad na akong kumatok. Wala pang-ilang segundo nang pagbuksan ako ni Brenda ng pintuan. "Buti dumating ka pa," asar na turan ni Maggie na nakahalukipkip pa ng naabutan ko. Nagulat ako nang makita ko ang loob ng silid. It's like a mini living room. There's a mini sofa kung saan silang lahat nakaupo kaharap ang isang Hologram TV. Mula rin dito ay nakikita ko ang mini kitchen at ang dalawang pintuan na sinisigurado kong kwarto. Nabalik lang ako sa wisyo nang marinig ko ang pagsasalita ni Zeros. "Shall we start the plan?" He says. Naupo muna ako sa sofa na malapit sa 'kin bago nagsimulang magsalita. "Shall we?" sabi ko naman bago kami nagsimulang magtipon papaikot sa sofa. I heard Maggie's hissed. I guess she's still pissed at me for being late. May magagawa pa ba ako? Lagi naman yatang parang galit si Maggie sa mundo. Ewan ko ba. Minsan mabait siya minsan naman ay napakasungit. "Nakausap ko na si Mom tungkol sa nangyayari sa Sta. Mesa at sinabi niya na agad niya raw gagawan ng paraan," panimula ni Maggie na masama pa rin ang pinupukol na tingin sa akin. "She said, she still needs an approval from the Government to telecast it dahil mariin daw na pinagbabawal ng gobyerno ang pagpalabas ng anumang balita tungkol sa nangyayari. I heard din na tinanggal 'yong editor in chief and some of the journalist nila sa pagtatangkang ilabas ang nangyayari," dagdag niya pa na ikinasinghap ko. "That's absurd! They were fired by doing their job. Not only their freedom of speech is lost, but also freedom of the press. They're attacking the global media press freedom. What the hell are they doing?" hindi makapaniwalang sabi ni Froy na ikinatayo niya sa pagkagulat. Mariing napapikit ako. It's so screwed up. Gusto kong maging optimistic dito kahit na sobrang f****d up nang ginagawa ng gobyerno na pagpipigil sa press freedom ng publiko. Were a free and democratic country and as a citizen it is our right to defend it. They're not helping at all. They're making everything worse by attacking free press. Napamulat ako ng mata at agad kaming na alerto nang makarinig kami ng kaluskos na nanggagaling sa pintuan sa labas. Nagkatinginan kaming lima, tinatantya ang kilos ng isa't isa. Walang nagtangkang gumalaw sa amin hanggang si Zeros na ang pumutol sa tensyon sa amin nang tumayo siya at marahang tinungo ang pintuan na pinanggalingan ng kaluskos. Nakatutok ang buong atensyon namin sa paglapit ni Zeros ng pintuan. Hindi ko mapigilan na 'di mag-alala sa maaring gawin ng tao na nasa labas. He or she might heard our conversation at maging kami ay pag-initan ng gobyerno ‘pag nalaman nila ang aming ginagawa. Napahugot ako ng hininga nang pabiglang binuksan ni Zeros ang pintuan na ikinatumba ng babaeng nakasandal sa pintuan na nagkumpirma sa hinila ko na may tao nga sa labas. "Who are you?" seryosong tanong ni Zeros sa babae na kasalukuyang nakaupo pa rin sa sahig dahil sa pagkakatumba. We can't see her face dahil natatakpan ang mukha niya ng mahaba niyang itim na buhok. Pero sigurado kami na estudyante siya rito dahil sa unipormeng suot niya. Dahan-dahang iniangat ng babae ang kanyang ulo at agad nanliit ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang babaeng nakasalampak sa sahig. "Minna," madiing tawag ko sa pangalan niya. "Hi Ash..." alanganing sabi niya na ikinapikit ko sa inis. You've got to be kidding me. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD