Pioneer

1741 Words
Unknown Disease 07 | Pioneer _______________________________________ Astrid "Seriously sa De Marco ka rin nag-aaral?" I just nod as a response to Brenda. I ended up staying here at Keil's place. We all decided to skip classes for today. Masyado kasing malayo ang eskwelahan namin mula sa kinaroroonan namin ngayon na sinang-ayunan naman ng lahat. Oo namin, nalaman ko kasi kanina lang na parehas kaming lahat ng paaralan na pinapasukan. What a coincidence 'di ba? "Paanong 'di mo kami kilala? Eh, we're kinda famous in our school kaya," mahanging sabi ni Maggie na ikinasingkit ng mga mata ko. Okay, I get it. She got an attitude. "Aray naman!" Iritang angil ni Maggie nang hampasin siya ni Brenda sa braso. "Wag mo na lang pansinin 'yang si Maggie ha Ash," Iiling-iling na sabi ni Brenda na ikinakibit balikat ko na lang. It's not that I'm required to know everyone at school. Kanina ay nagkwentuhan kami patungkol sa isa't isa para raw mas makilala ko sila ng lubusan at sila sa akin. Hindi nga sila nagkamali dahil mas nakilala ko nga sila. Si Brenda ay Tourism student at mga sikat na beauty queens sa Pilipinas. Si Maggie naman ay Mass Communication student at ang nag-iisang anak ng sikat na newscaster sa Pilipinas na si Mrs. Malia Blackwoods at ang kanyang father naman ay ang blockbuster director na si Miggy Blackwoods. Keil is an IT student and their family holds one of the known company of Call Centers in the Philippines. Froy's studying Political Science as his pre-law course and a son of a famous lawyer in the West. Lastly, Zeros is a BSBA Major in Finance student and the heir of one of the Hotel in Asia. So obviously, lahat sila anak mayaman at kilala sa kanya-kanyang tanyag na trabaho ng kanilang mga magulang. I don't know how I got mixed up with them, really. We're not as rich as them. Patagal nang patagal na kasama ko sila ay mas nakikilala ko sila ng lubusan at ramdam ko ang mainit na pagtanggap nila sa akin. Maliit na oras ko pa lang silang kasama pero pakiramdam ko ay napakatagal na naming magkakilala. Kahit papaano sa mga oras na ito ay nakakalimutan ko panandalian ang nangyayaring kaguluhan sa labas. "Wait. You're a daughter of a doctor right? Kaya ka ba nandoon kagabi kasi binibisita mo ang pamilya mo?" Keil suddenly asks na mabilis kong ikinatango bilang sagot. Bukod kasi sa kanila ay nagkwento rin ako ng tungkol sa sarili ko at sa pamilya ko. Bago ako manatili rito kagabi ay sinigurado kong makapagpaalam sa mga magulang ko. Sinabi ko na hindi ako makakauwi dahil sa ginabi ako sa Maynila na agad naman nilang naintindihan naman. Kahit naman kasi umuwi ako sa QC kagabi ay hindi ko rin sila maabutan sa bahay dahil na rin sa sobrang dami nilang inaasikaso sa trabaho na lubos ko namang naintindihan. Baka nga hindi na sila nakauwi kagabi dahil sa dami nang ginagawa nila. Sana lang talaga at nakakakain at nakakatulog pa ang family ko ng maayos sa trabaho. Baka kasi kakahanap nila ng bakuna sila naman itong nagkasakit dahil sa sobrang overwork. That's the least thing I want for them. "Do you have any idea of what's happening?" Zeros seriously asks na ikinatahimik ng lahat. Ramdam ko ang pagtaas ng tensyon matapos ng naging tanong na 'yon ni Zeros. Brenda's smile fades away and all of their attentions shifted on me. Waiting for my response. "Yes," I shortly answers na mas nagpataas ng tensyon sa aming anim. Binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Kita ko sa mga mata nila ang eagerness na malaman ang mga nalalaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko na may karapatan silang malaman lalo na at buhay ng bawat isa ang nakataya sa sitwasyon ngayon. "I know you wouldn't tell us detailed information that you know, but I just want you to know that we're involved in this," pagbasag ni Maggie sa katahimikan na mabilis kong ikinatingin sa kanya. "What do you mean?" seryosong tanong ko sa kanya. Involved, how? "My... My best— Maggie's closest friend or rather to say our friend is infected with the said illness," pagpuputol ni Keil sa sasabihin ni Maggie na pansin ko ang kahirapan sa pagsasalita. A friend? "Okay pa naman siya last week eh. He even attended the Robotics Competition. Nang mismong gabi rin na iyon matapos ng competition lang namin nalaman na infected siya sa hindi matukoy na sakit. Do you know Priam? Priam Lim from Engineering Department?" tanong ni Brenda na mabilis kong ikinatango. Priam Lim. Paanong hindi ko siya makikilala? Isa ako sa medical team na sumama sa naganap na district competition last week. Bago pa man sila mag-compete ay pansin ko na aligaga at masama ang pakiramdam ni Priam kaya agad ko siyang nilapitan para i-check at tanungin ang kanyang kalagayan. I even checked his temperature pero normal lang naman ito. Nang tanungin ko siya kung ayos lang ba talaga siya, ang naging sagot niya lang sa akin no'n ay kinakabahan lang siya dahil ang Luarez Unibersidad ang makakalaban nila na kilala sa walang talo nilang record mula pa ng magsimula ang district competition kaya hinayaan ko na lang siya. Kasi normal lang naman na kabahan kapag competition, so I thought. Gabi na nang matapos ang lahat ng competition na ginanap. Napag-usapan namin na i-celebrate ang naging panalo namin sa isang restaurant na nirentahan ng coach ng basketball team para sa lahat ng mga lumaban at maging kami ay kasama. While we're celebrating, napansin ko na kulang kami. Do'n na lang namin nalaman na isinugod si Priam sa ospital matapos niyang himatayin at umabot sa 40 degrees ang kanyang temperatura na siyang nagpagulat sa amin. "Okay naman siya eh. Pero matapos niyang maospital do'n na nagsimula ang lahat," Maggie continues. "Hindi namin alam kung anong nangyayari sa kanya. Ngayon lang namin nalaman na may kumakalat na sakit ngayon sa Sta. Mesa na may kapareho ng lagay ni Priam. Mabuti na lang talaga at na ipaalam sa amin kaagad ang nangyayari rito kung hindi ay hindi na namin alam ang gagawin kay Priam kung sakali," pagpapatuloy naman ni Brenda. "Is he admitted at our hospital?" maingat na tanong ko na ikinatango nila sa akin bilang sagot. "Yes. Kaya kung may nalalaman ka na maaring makatulong. Please, Ash. Please tell us," Maggie desperately says as tears fall down her cheeks. Brenda immediately reaches Maggie and hugs her tightly to comfort her. Hindi ko mapigilan na hindi makaramdam ng lungkot sa kanila. I don't know what to say. It's hard not knowing. I know that. Wala namang masama kung sasabihin ko sa kanila. In fact, dapat nga ngayon ay alam na nila ang nangyayari so that they can protect themselves laban sa virus. Kung hindi lang patuloy na pinagtatakpan ng gobyerno ang nangyayari ay baka nga mas maagapan pa kaagad ang nangyayari eh. Mariing napapikit ako at malakas na napabuntong hininga. I know to myself that I must tell them. So that together, we can spread awareness to everyone regarding the situation. Kung hindi magagawa ng media dahil sa pagpipigil sa kanila ng gobyerno ay kami ang gagawa. "You know the Antarctic Flu?" panimula ko. "Antarctic Flu?" takang tanong ni Brenda. Kita ko rin sa mga mata ng iba ang pagtataka. Seems like only I know about it. "Ang Antartic Flu o aFlu ay isang sakit na nanggaling sa bansa ng Antartica dahil sa pagkain nila ng flesh ng fox and up until this day ay wala pang nahahanap na gamot sa naturang sakit na iyon. As of my families observation, it's started when the disease or rather virus enters the human body. This virus makes the infected body weakens that makes someone experience high fever, sore throat, runny nose, muscle pain, coughing, headache and a feeling of being tired," maikling paliwanag ko. "Priam experienced all of that!" Brenda exclaims as if a light bulb turns on her mind. "Wait. You said that it's the Antarctic Flu virus?" Zeros asks. "Yes. Viruses are responsible for a wide range of diseases, including the common cold, measles, chicken pox, genital herpes, and influenza. Many of the emerging infectious diseases, such as AIDS and SARS, are caused by viruses. In that case, in Antartic Flu we can know or say that the virus finally surrounds the immune system of the human body when you see a red circular spot on an infected body," I respond. "How's that possible? Sa pagkakatanda ko nitong nakaraang taon lang nagtravel ban ang Pilipinas papunta at papasok sa labas ng bansa. Kaya sa airlines ang flights lang na mayroon ay ang local flights," takang tanong ni Brenda na siyang isa rin sa mga katanungan sa isip ko. Kung paano nakapasok ang sakit sa bansa ngayong isang taon na simula ng mawala aming koneksyon sa ibang bansa? "Sa totoo lang, maging ako ay hindi alam kung paano nangyari na umabot sa bansa ang sakit," pag-amin ko. Akmang magtatanong pa si Brenda nang mabilis ko na siyang unahan. "I know you have lots of questions running through your mind right now and so am I. Pero isa lang ang sinisigurado ko sa inyo, iyon ay ang ang mga magulang ko ay ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para makahanap ng gamot sa lalong madaling panahon. Nakikipagtulungan na rin sila sa World Health Organization at ibang mga karatig bansa ukol sa kasong ito. The best thing we can do right now is to spread awareness to everyone regarding the situation," dagdag ko pa. "Pero unti-unti ng nanghihina si Priam. Paano na lang kung huli na ang lahat bago pa makakuha ng gamot para sa kanya?" hysterical na sabi ni Maggie na ikinahamapas sa kanya ni Brenda. "Huwag ka ngang nega riyan Maggie! Tingnan mo, isa't kalahating linggo na ang nakalipas matapos siyang isinugod sa ospital. Oh, kita mo okay pa rin naman siya. Oo marami ng mga namatay pero ki—" mabilis na pinutol ko ang sunod na sasabihin pa ni Brenda ng may hindi ako inaasahang marinig. "Wait. You said he was admitted for about a week now?" seryosong tanong ko na mabilis na ikinaiwas ng tingin sa akin ni Brenda. "Uhm. Yes, he's actually the first person to be diagnosed as aFlu positive," Brenda says as I mentally drop my jaw. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD