Unexpected Colleagues

1849 Words
Unknown Disease 06 | Unexpected Colleagues _______________________________________ Astrid "You shouldn't have touch him," Sabi ng lalaking tumulong sa akin kanina habang pinapatuyo ko ang aking kamay. Matapos ng nangyari kanina ay hinila niya ako papalayo sa mga tao. Akala ko kung saan niya ako dadalhin, sa likod lang pala ng ospital kung saan tumambad sa akin ang isang wash basin sink. Kaya napagtanto ko na kaagad ang ibig niyang iparating sa akin. I immediately wash my hands with some trace of my own blood nang mahawakan ko kanina ang sugat sa leeg ko. "Here." Napalingon ko sa kanya nang abutan niya ako ng band-aid na hindi ko alam kung saan niya nakuha pero agad ko pa rin namang tinanggap. "Thanks." Matapos kong linisan ang maliit na sugat sa leeg ko ay saka ko ito tinapalan ng band-aid na ibinigay niya at pinunasan ang kamay ko gamit ang panyo na dala ko. I was preoccupied that I already forgot that the infection have a possibility to pass through the blood. How can I be so careless? I'm sure if mom, dad and specially Kuya Cyrus know what just happened. They're gonna kill me. Napailing na lang ako bago tinabihan ang lalaking tumulong sa akin papaupo sa bench malapit sa sink. "Ash," Alanganing pagpapakilala ko. I don't know how to thank him and how to start a conversation with a stranger. Nasanay kasi ako ang laging inaapproach una. "Zeros," he shortly answers. Binalot kami ng isang nakakabinging katahimikan matapos ng naging palitan namin ng pangalan na pabor naman sa akin kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Binalin ko na lamang ang aking atensyon sa lugar. I examine the place and I am quite amazed at what I am seeing. Nasa likod kami ng ospital na parang isang mini park. Mayroong isang mini fountain sa gitna at ang sahig ay gawa sa d**o na napakaganda ng pagkakatabas. Mayroon ding mini playground kung saan may seesaw, slides at marami pang ibang playground equipments na hindi ko alam ang tawag. Seeing this makes me wanna go back in time. I miss my childhood days. Iyong tipong sa paglalaro lang ay masaya ka na at ang sugat na nakukuha mo lang sa paglalaro ang tanging nakapagpapaiyak sa 'yo. As I grew older I realized how much time and circumstances changed me. It gives a huge impact on me physically, mentally and spiritually. Things aren't always what it seems to be or thought were out to be. We cannot avoid change. The more we resist it, the tougher our life becomes. Sad how things can turn out in life. How one event can change everyone's life. Like what was happening right now. I lean back against the bench and close my eyes. I could feel the tiredness and drain from my body, in the midst of chaos. It's hard to process everything. It happened so fast and unexpectedly. In the silence that followed, a loud voice came from a distance. "Hoy Zeros! We've been looking for you for hours tapos makikita ka lang naming nakatambay rito na may kasamang babae?" Napamulat ako ng mata matapos marinig ang tinig ng isang babae. Do'n ko nakita ang babaeng may tsokolateng kulot na buhok na nakakunot ang noo at halata ang galit, inis at pag-aalala sa mga mata. "Ang dami mong sinabi," tanging sagot ni Zeros sa babae. Nagsisulputan naman sa likod ng babae ang dalawang lalaki at isa pang babae na ngayo'y direktang naglalakad papunta sa direksyon namin ni Zeros. "Pahinga muna tayo ang sakit na ng paa ko," pagrereklamo ng lalaking kulay blonde ang buhok habang pinapadyak-padyak niya ang paa sa ere. "Hindi lang ikaw Keil kaya manahimik ka riyan," pagtataray sa kanya ng babaeng may maikling buhok. Who are they and why are they here? Hindi ko inaasahan nang biglang salubungin ng lalaking may tsokolateng buhok si Zeros ng sapak. Napatayo ako sa gulat at bahagyang napaatras. What the heck is going on?! "Pucha Zeros!" asar na sabi ng lalaking may tsokolateng buhok sa kanya. Ginantihan lamang ito ng ngisi ni Zeros na mas lalong nagpasama ng anyo ng lalaki. His aiming for another punch kaya balak ko na sanang pumagitna ng matigilan ako sa biglaang pagsasalita ni Zeros. "Miss me already Froy?" sabi ni Zeros na nagpataas ng kilay ko. Huh? "Gago! Kanina ka pa namin hinahanap tapos 'yan lang ang isasagot mo?" sagot naman ng Froy kay Zeros at akmang aamba ulit ng suntok nang pumagitna ang blonde hair na lalaki na sa pagkaka-alala ko ay Keil ang pangalan ayon sa babaeng may maikling buhok. "Tangna, tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata," asar na pag-aawat ni Keil habang pinaghihiwalay ang dalawa. "Saan ka ba nanggaling ha? Bigla-bigla ka na lang mawawala tapos makikita ka na lang naming may kasamang babae dis oras ng gabi. Hindi oras ng pambabae ngayon Zeros, ano ba!" asar na tonong wika ng babaeng kulot na nagpakunot ng noo ko. Tingin niya ba sa akin ay babae ni Zeros? Excuse me, I just happened to meet him, and he helped me. 'Di ko naman inaasahan ang biglang paglapit sa akin ng babaeng may maikling buhok. "Hi! I'm Brenda and you are?" Napatanga ako ng sandali sa gulat sa bigla niyang paglapit sa akin at pagngiti ng pagkalaki-laki. "Astrid, call me Ash," pagpapakilala ko at alanganing ngumiti sa kanya pabalik. Mas lumaki pa ang pagkakangiti niya sa akin at nagulat na lang ako nang bigla siyang umangkla sa kaliwang braso ko. "Let's be friends," nakangiting sabi niya habang nakaangkla pa rin ang kamay sa kaliwang braso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako sanay na makipag-socialize. Si Minna lang kasi ang maituturing kong pinakamalapit sa akin. Ugh. Why is it so hard for me to socialize with others? "Brenda, stop, you're scaring her," pagsaway sa kanya ni Keil. Oh, thanks to him. Dahan-dahan namang kinalas ni Brenda ang pagkakakapit niya sa braso ko at pagkatapos ay nag-peace sign sa harapan ko. "Sorry na carried away lang ako. Gusto ko kasi ng friend na babae," sabi niya bago unti-unti siyang lumayo sa akin at lumapit do'n sa mga kasamahan niya. "So, hindi mo ako kaibigan?" may halo ng tampo na tanong ni Maggie kay Brenda. Uh-oh. "Hmm. Hindi," nag-isip pa si Brenda pero mabilis din naman ang naging sagot niya. Kita ko sa mga mata ni Maggie na medyo nasaktan siya sa naging sagot ni Brenda na iyon. "Aba't— 'Cause you're my bestfriend," pagpuputol ni Brenda sa dapat na sasabihin ni Maggie na ikinatigil nito. Kita ko ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi ni Maggie sa sinagot ni Brenda na 'yon at ang biglang pag-irap niya upang maitago ang kanyang mga ngiti. "Teka nga. Ang gugulo niyong lahat alam niyo 'yon? Nakita niyong may iba pang tao bukod sa 'tin dito." Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Keil. Akala ko 'di na nila ako mapapansin. Si Brenda lang yata ang nakapansin sa akin, at si Maggie at 'yong blonde hair na si Keil. • • • "Kilala mo na naman ako right? The name is Brenda." "Maggie." "Keil." "Froy." "Zeros." Isa-isa ko silang pinagkatitigan habang nagpapakilala sila at pinagkatandaan ang kanilang mga pangalan. Napunta ang tingin nila sa 'kin nang matapos silang makapagpakilala lahat. "Astrid," pagpapakilala ko. "So, bakit nga pala kayo magkasama ni Zeros?" tanong ulit ni Maggie na mukhang hindi matitigil hangga't hindi ko nasasagot. Kung 'di ako nagkakamali ay pang-anim na beses na tanong niya na iyan sa 'min. Hindi ko ba alam kung bakit hindi siya tumitigil sa kakatanong hanggang sa hindi nasasagot. Napatingin ako kay Zeros at agad naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Mukhang ako ang balak niyang pagkwentuhin ng nangyari. Nagkibit balikat na lang ako bago kinuwento sa kanila ang nangyari— kung paano kami nagkakilala ni Zeros. "He helped me way back at the hospital," panimula ko. Pinagkatitigan naman nila ako, hinihintay ang susunod kong sasabihin. "I was held hostage by a desperate man na gustong maasikaso kaagad ang kanyang mag-ina. Thanks to Zeros, he help me get away with it," pagkukwento ko sa nangyari kanina. I make it short enough for them to understand. Bakit ko pa 'di ba papahabain kung puwede namang iklian na lang? "For real? How are you feeling now? Okay ka lang ba? Do you need anything else? Can we do anything to make you feel better after what happened?" sunud-sunod na tanong sa akin ni Brenda na mabilis na ikinailing ko. "No. I'm fine. Thank you for the concern," I gave her an assuring smile. "Sabi mo eh. But don't hesitate to talk to any of us if you need help ah. You're one of us na," dagdag pa ni Brenda na ikinatango ko na lang para hindi na humaba pa ang usapan. Hindi man naging maganda ang simula namin ay masasabi kong i'm happy to have gain friends in this unexpected circumstances. Who wouldn't? "It's getting worse than I thought," Keil said. A heavy silence filled the living room after what he said. He's right, each hour passing by, things getting worse and many lives are at risks. Isang pinakamalaking kalaban ng paghahanap sa bakuna ay ang oras. Napatingin ako sa orasan at agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ang oras. Oh s**t. It's already 10:38 in the evening. I lost track of time. Friday pa naman ngayon at kailangan kong umuwi sa QC. Gosh. Why I am getting so regretful today? First the blood and now the time. Really Astrid? "I think I need to go. I have a long way ahead," I blurted out, instantly standing up. I checked my phone and saw 26 missed calls and 51 messages from mom, dad and kuya. I'm dead for sure. "Wait. Why don't you just stay here? Besides, it's already late. We all know how dangerous it is outside," Brenda offered me. Natigilan ako sa tangkang pagtayo at tinatansya ang tingin nila. Should I stay here? "Brenda's right," pag-agree ni Froy sa sinabi ni Brenda. "Just stay here Astrid. May bakante pa naman kaming kama para sa 'yo," dagdag pa ni Keil. The offers are tempting actually, but it's kinda awkward for me. I don't personally know them. I just know them by their names, that's all. I suddenly remembered what happened earlier on the way back to our hospital. How I was hostage and almost got killed and how everything's a mess and so out of control outside. Truthfully speaking, I don't think I'd make it home because of what's going on outside. I don't have a driver with me to drive me home idagdag mo pa ang sobrang pagod na nararamdaman ko mula pa kanina. Wala naman sigurong masama 'di ba kung mag-stay ako rito 'di ba? Aside from that, mukha naman silang mapagkakatiwalaan. Napabuntong hininga na lang. I think... I left with no choice but to stay here for the night. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD