Captured

2063 Words
Unknown Disease 05 | Captured _______________________________________ Astrid "Take care lil' sis and don't you even think to take off your mask while you were out," pagpapa-alala sa akin ni Kuya Cyrus matapos niyang isuot sa 'kin ang bagong kuha niyang N95 mask at gloves. "Oo na po Cyrus," ang sagot ko na lang. "I'm your brother. At least call me kuya." Ayan na naman po ang kaartehan niya. "Nyenye Cyrus," pang-aasar ko pa at nagmake face pa ako sa harapan niya. "Nyenye mo mukha mo," balik na asar niya na nag-make face rin sa harap ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiwi sa inasta niya. Gaya gaya walang originality. "Hay. Kayo talagang mga bata kayo. Hala sige at umuwi ka na Ash. Malayo pa ang biyahe mo pauwi," pagtataboy sa akin ni Mom na ikinabagsak ng balikat ko. "Sabi ko naman kasi rito na lang din ako. Dali na Mom," pamimilit ko pa kay Mom. Kanina ko pa kasi sinabi na rito na lang ako mag-stay kasama sila pero hindi sila pumayag. Masyado raw delikado para sa akin ang manatili rito. Papaano pa sila 'di ba? "Yan ka na naman lil' sis. Napag-usapan na natin ito kanina 'di ba. Lumayas ka na nga. Shoo shoo," pagtataboy pa sa 'kin ni Kuya Cyrus na mas ikinabusangot ko. Napahinga na lang ako nang malalim and raise my hand as a defeat. "Oo na, oo na. Sabi ko nga aalis na ako," medyo may tampong sabi ko. "Alam mo namang ginagawa lang namin ito para sa 'yo Ash. Kaya huwag na magtampo ang kapatid kong tampurorot," pagpapagaan ng loob sa akin ni Kuya Cyrus. "Sino kaya ang tampuhin sa ating dalawa?" Nakataas kilay na turan ko sa kanya. Mukhang magsasalita pa siya at aangal sa sinabi ko pero agad ko na itong pinutol bago pa humaba. "I know, I know. Sige na Mom at Cyrus mauuna na ako," paalam ko at binigyan sila ng mabilis na yakap bago humiwalay. "Mag-iingat ka," Narinig ko pang sabi ni Dad bago ako tuluyang makaalis ng opisina nila. Kahit gusto man akong ihatid pa ni kuya sa baba ay tumanggi na kaagad ako. Alam ko kasing pagkakaguluhan lang siya ng mga taong gusto magpagamot sa baba. Kahit na gusto nilang pagalingin ang lahat sa lalong madaling panahon ay hindi pa nila kaya. They're still on the process of finding the cure for it. Hanggang ngayon ay pinoproseso ko pa rin sa aking isipan ang aking mga nalaman. I know what happened decades ago and it's hella scary. It kills million of people and now it's happening again. Now, It became worse than the previous pandemic. Kaya hindi ko maiwasang hindi matakot. Isinama kami kanina ni Dad sa test room kung saan nila isinasagawa ang iba't ibang klase ng operasyon sa pagtukoy sa gamot. Nakakita rin kami kanina ng mga pasiyente na kasama sa mga na-isolate nila. Karamihan sa kanila ay mga kasapi ng ospital na nahawaan ng sakit. Halos hindi na makilala 'yong mukha ng ibang mga pasiyente ro'n dahil nilamon na ang katawan nila ng virus. The color of their skins turn into black as if they were burn. Mas malala pa ang itsura nila sa mga nakikita kong pasiyente sa baba. Sure akong gano'n din ang aabutin nila once na umabot na sila sa stage na 'yon. Bukod pa sa mga pasiyente ay nakakita rin ako ng iilang pig, birds, dogs, at iba pang mga hayop na pinaniniwalaan nilang maaaring panggalingan ng sakit. Hindi pa naman kasi sure kung aFlu nga ba ang kumakalat sa bansa at hindi pa sila nakakakuha ng confirmation from the World Health Organization kaya't maaaring sa ibang host ito nagmula. Napakalinis pa rin ng palapag na ito dahil walang masyadong nakakarating sa palapag na ito. Restricted ang floor na ito at exclusive lang sa mga doctor and nurses kaya't walang masyadong nagagawi. Dito kasi nagaganap ang observation at experimenting kaya dapat lang na isara nila ito. At dahil nga ang pamilya ko ang naghahandle ng hospital na ito ay mabilis ko lang na access ang lugar na ito. Sabi ni Dad ay bukas pa raw nila malalaman kung anong resulta at mayroon sa dugo 'cause it's under examination pa raw. Kaya kailangan ko raw mas pag-igihin ang pag-iingat dahil maaring may posibilidad na makahawa ito sa pamamagitan ng dugo. Pinindot ko na ang pinakaunang palapag at hinintay na ito sa pagbukas. Mabilis lang din naman akong nakababa at nakarating sa unang palapag. Agad sumalubong sa akin ang mga nagkakagulo pa ring mga tao. Mas dumami pa ata ang bilang ng mga tao simula nang makarating ako rito. I check the time and it's already nine in the evening pero buhay na buhay pa rin ang ospital dahil sa rami ng taong nagkakagulo sa palapag na ito. Hindi magkamayaw sa pagdatingan ang napakaraming bilang ng tao sa loob. Hindi na halos malaman ng nurse at iba pang mga nag-aasikaso kung sino ang uunahin dahil sa rami nila. Humugot ako ng hangin bago ako nagdiretso nang lakad papalabas. Medyo nasasanay na rin ako sa mga nakikita ko sa paligid pero hindi ko pa rin maiwasang hindi maawa sa mga taong infected na nandirito. Nakikita ko silang nahihirapan, but I can't do anything to at least ease their pain. I'm just a useless kid that the only thing can do is to watch and wait. Sa mga panahon na ito mas kailangan ng mga tao ang gobyerno pero wala man lang silang ginagawa. Nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan lang sila sa nangyayaring sitwasyon ngayon. They should do an immediate response kasi kung hindi nila gagawin iyon ay mas lalong kakalat ang virus lalo pa't napakabilis lamang ng pagpasa nito tao sa tao. Hindi man lang sila gumagawa ng paraan para maipaalam sa publiko ang nagaganap ngayon pero pagdating sa pagkakampanya ay mabilis pa sila sa mabilis rumesponde. How incompetent. Halos mapamura ako sa gulat nang biglang sa isang iglap lamang ay may kamay na pumulupot sa leeg ko. "Asikasuhin niyo ang mag-ina ko kung hindi gigilitan ko itong babaeng hawak ko!" sigaw niya na nakaagaw ng atensyon ng lahat habang mahigpit niyang pinagkahawakan ang leeg ko. Ramdam ko ngayon ang malamig na bagay na nakadampi sa leeg ko kasabay ng panlalamig ng aking katawan. This is bad. Bakit ako pa? I know na ang gusto lamang nila ay magamot ang kanilang mahal sa buhay, pero bakit kailangang umabot pa sa ganito? How far would they'll go? "Sir huminahon po kayo. Mapag-uusapan po natin 'yan," mahinahong pagpapakalma ng estrangherang babae sa lalaking hawak-hawak ako ngayon. Isang maling galaw ko lang at talagang magigilitan ako sa leeg kaya hangga't maaari ay pinipilit kong hindi gumalaw. "Mapag-uusapan? Kalokohan! Asikasuhin niyo ang mag-ina ko ngayon na! Talagang hindi ako magdadalawang isip na gilitan itong babaeng 'to!" sigaw niya pa na ikinatakot ko. I look blankly to the nurse silently saying that, damn go accompany his family before I get killed here. "Sir kumalma po kayo. Nababahala na po ang ibang mga tao," pagpapakalma niya pa sa lalaking hostage ako and I can see by the looks of her na wala siyang balak na tulungan ako. Tangnang nurse 'to. I'm sure to get you fired once this over. "Wala akong paki kung nababahala na sila! Ang kailangan ko ang mag-ina ko! Asikasuhin niyo sila ngayon na! Kailangan ko pa bang ulit-ulitin?" sigaw pa ng lalaki na mas diniinan ang pagkakahawak sa akin. Pinakikiramdaman ko ang paligid at alam kong natatakot na sila sa kung ano mang puwedeng mangyari. That scared even me. Until I saw a guy. He's signing me something. Napakunot noo ako at mataman siyang tiningnan hanggang sa makuha ko ang gusto niyang iparating. I flash a little smirk and shake my head. "Ano? Wala pa rin ba kayong balak na asikasuhin ang mag-ina ko?" gigil na sabi niya at napadiin ang hawak niya sa leeg ko. Napangiwi ako sa sakit ng maramdaman ko ang pagdiin ng kutsilyo sa leeg ko. s**t. Akmang lalapitan kami ng mga tao nang gumalaw ang lalaking hawak pa rin ako palayo sa kanila. "Walang lalapit! Tutuluyan ko talaga 'to!" sigaw niya na patuloy pa rin sa paggalaw at pag-atras. Napatingin ako sa lalaking sumenyas sa akin kanina para sabihan siyang gawin niya na. 'Di nagtagal ay mabilis na bumulusok ang itim na sapatos papunta sa direksyon namin at saktong-sakto natamaan ang kamay ng lalaki na may hawak ng kutsilyo na nakaturo sa mga taong gustong lumapit sa amin. Kinuha ko ang oras na 'yon para baliktarin ang sitwasyon. Malakas na siniko ko siya sa tagiliran gamit ang kanang kamay ko and grab his arms papunta sa likod niya and pin his body on the floor. "Bitawan mo ko! Bitawan mo ko! Kailangan ako ng mag-ina ko! Kailangang magamot agad sila!" pagwawala ng lalaki pero hindi ko pa rin siya binibitawan hanggang sa nakita ko 'yong lalaki na tumulong sa 'kin sa gilid ko. Agad niyang itinali ang kamay ng lalaking pilit pa rin nagwawala. Buti na lang talaga at hindi ako tinamad na umattend sa seminar at iilang session ng taekwondo no'n. Kita mo nga naman magagamit ko rin pala. Mabilis niyang natali ang kamay ng lalaki kaya binitawan ko na ito. Pilit pa rin nanlalaban ang lalaki hanggang sa napagtanto niyang nakatali na siya. Napahawak ako sa leeg ko nang makaramdam ng sakit. Dugo. Napapikit ako ng mariin at napangiwi. Hindi ako sanay makita ang sarili kong dugo. Paalis na sana ako nang biglang lumuhod sa harapan ko 'yong lalaking kanina lamang ay hinostage ako. "Parang awa mo na. Please.Tulungan mo ang mag-ina ko. Buntis ang asawa ko. Hirap na hirap na ang asawa. Please. Tulungan mo sila. Nagmakaawa ako. Parang awa mo na." Halos manlambot ang puso ko nang makita ang kanina lamang na lalaking handa akong patayin na lumuluha at nagmamakaawa sa harapan ko. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang sakit at awa sa mata ng mga taong nakarinig. Umiwas lang naman sa akin ng tingin ang lalaking tumulong sa akin kanina. Lumuhod ako para pantayan siya. I can't bear seeing people like this. Hinawakan ko 'yong pisngi niya gamit ang kaliwang kamay ko, "Shh. Don't worry everything's gonna be fine. Naghahanap na ng gamot sa sakit na dumapo sa kanila. Gagaling ang mag-ina mo," sabi ko sa kanya na mas lalo niyang ikinahagulgol. "Salamat! Salamat ng marami. Aasahan ko 'yan. Aasahan ko 'yan," lumuluhang sabi niya. Ang sakit isipin na totoong nangyayari ito. Tipid na ngiti lamang ang aking ibinigay sa kanya na alam kong hindi niya nakikita dahil sa mask na suot ko, pero alam kong umabot 'yon sa mga mata ko. "Napakabait mo. Kahit na halos patayin na kita kanina heto ka at tinutulungan ako. Napakabuti ng puso mo. Maraming salam—" Naputol ang dapat sasabihin niya nang bigla siyang umubo ng malakas sa harapan ko. Napatigil ako sa gulat sa nangyari. Naestatwa ako sa posisyon ko at hindi alam ang gagawin nang makaramdam na lang ako ng kamay na mabilis akong hinila papalayo sa lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang umubo ng walang tigil. s**t. He's infected. Lalapitan ko sana siya muli nang mahigpit akong hinawakan ng lalaking humila sa akin palayo sa kanya at lalaking tumulong sa akin kani-kanina lamang. I look at him intently telling him to let me go. Napahinga na lang siya ng malalim at nakibit-balikat na binitawan ang braso ko. Agad akong lumapit sa lalaki at hinawakan ang noo niya. Hindi pa lumalabas ang sintomas ng influenza. Hinanap ng mata ko ang marka sa katawan niya and I saw a small red circular mark on his forehead. Agad namang naglapitan sa amin ang mga nurse na tinatayo na 'yong lalaki palayo sa akin, but I notice something wrong to him. Ang sabi agad na humihina ang katawan kakaubo pagka-triggered na pagka-triggered ng virus sa katawan. Minuto lamang at agad nitong papahinain ang pangangatawan ng isang infected, pero bakit hindi naman humihina si kuya? Nanlalaban pa nga siya sa mga nurse na pilit na lumalapit sa kanya. Hindi ko napansin na napatulala na ako sa kakaisip at mayroong kamay na ang umalalay sa akin palabas ng ospital. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD