Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Chapter 30 First day pa lamang ng intrams ay sobrang stress ko na kaagad. Actually, hindi lang ako kun'di buong section namin! Kaorasan na ngayon ay wala pa rin ang mga jersey namin! Nagbabayad kami ng tama rito tapos late ang dating? Paano na lang mamaya sa mass demo? May points nga ro'n ang props, eh, 'di siyempre ay kabilang na rin do'n ang tamang kasuotan. Nakakainis! Ang aga-aga! "Wala pa rin ba?" naiinis na tanong ko sa kaklase kong lalaki na si Ron na nakaabang ngayon sa may pintuan. Napasabunot na siya sa sarili niya. "Wala pa rin!" Nilibot niya ng tingin ang buong room at tinuro kami isa-isa habang nanliliit ang mga mata. "Sino sa inyo ang may balat sa p'wet, ha?!" Lumapit sa kaniya si Tim ay nakisilip na rin sa labas. Umakbay siy

