Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Chapter 29 Nalalapit na ang intramurals kaya ito kami ngayon sa South Ville's angels club at nagpaplano ng kung ano'ng gagawin namin para ro'n. Malaki ang kinita namin no'ng foundation day kaya pakiramdam ko ay game na game ang lahat kahit pa mag-busking kami ulit. Sa meeting ay humingi si Tim ng suggestions sa amin at ang daming suggestions ng mga junior high school! Ang sabi ng isa ay mag-dedication booth daw kami kung saan literal na kami ang magde-dedicate dahil kami ang magpe-perform. I actually liked the idea pero ang sinabi ni Tim ay mag-isip pa rin daw ng panibago para mas marami kaming choices. "What if lagyan natin ng twist ang suggestion na 'yon?" sambit ko habang nakapatong sa palad ang pisngi. "Dedication booth na tayo ang ma

