Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Chapter 22 Ngayon na ang araw ng foundation day at kailangan na maagang makarating sa school ang officers ng kada club, at bilang Peace Officer, siyempre ay maaga ako. Hindi na ako pumayag nang sabihin ni Xavier na ihahatid niya ako nang maaga dahil wala pa naman siyang gagawin do'n. Ang sabi ko sa kaniya'y masuwerte siya na mayroon siyang mas mahabang oras ng pamamahinga kaya sulitin na lang niya 'yon. Mabuti na lamang at hindi na namin pinagtalunan 'yon. Maraming booths ang nakatayo ngayon sa quadrangle at iba-iba ang mga 'yon ng kulay at disenyo. Collaboration ang nangyari para sa bawat strand sa Grade 11 at 12 para mahati ang mga gawain at mas mabilis na maisaayos ang lahat. STEM ang naggawa ng disenyo ng bawat booth, HUMSS ang bahala sa

