Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Chapter 21 Walang masiyadong nangyari sa maghapon dahil abala pati ang mga teachers para sa paparating na foundation day, lalo na ang mga moderator sa ibang club na may special participation sa nalalapit na event. Hindi ko alam kung sino ang moderator namin para sa South Ville’s Angels, or kung meron ba. Baka hinayaan na nila na wala dahil member lang naman namin ang nag-iisang Anton Guevarra. Sa last period bago ang vacant ay maagang lumabas ang teacher namin kaya more time for me para pumunta sa canteen at kumain! Habang kinukuha ko ang wallet ko sa bag ay may aninong bahagyang humarang sa liwanag kaya napaangat ang tingin ko sa taong ‘yon. It was Sab… my best friend. "Kyrese..." Kumpara sa huling beses na nagkaharap at nakausap ko siya

