Ang Huling Sayaw (One Shot Completed)
Nagmadali kong inayos ang mga gamit ko ng maranig ang sinabi ng prof. namin na sinabing ‘dismiss’ ganun rin ang ibang mga kaklase ko sa subject na ito. I’m an irregular student kaya kailangan kong pumunta sa susunod kong subject. Hindi tulad ng mga kaklase ko rito ay magkakablockmates sila. Hindi na rin bago saakin ang pagiging irregular kung tutuusin mas gusto ko nga ito dahil marami akong nakikilala yun lang wala akong masasabing kaibigan ko. Pero hindi ko na problema yun dahil ang problema ko ay kung paano makarating sa gym ng mabilis dahil iyon ang next subject ko. P.E
Nang makarating ako sa gym agad kong ibinaba ang gamit ko. Nakita ko silang nakaassemble na kaya hindi ko naman ang kong anong gagawin namin sa araw na ito. Sa totoo lang ayoko ang ang subject na ito, kahit pa sabihing minor subject lang ito feeling major dahil sa prof. namin na strikto. Hindi rin makakaila na lantad rin siya. In short bading. Wala namang problema saakin iyon pero sa iba kong kaklase ay medyo nakikitaan daw nila ang pagiging bias nito lalo na sa mga boys.
“Late ka na naman, Miss Ferrer.” Hindi natutuwang untag ng prof. namin ng makita ako. Humingi na lang ako ng paumanhin sakanya keysa mag-explain pa dahil ayoko ng lumalala pa ang sitwasyon . And for the record magiging center of attention lang ako. Yung mga iba kilala nila ako at alam nila kung saan ako nanggaling. Ikaw ba namang galing ka sa fourth floor at pupunta ka rito sa gym. Kaya mahigit 15 mins. Late narin ako pero kung naglakad lang ako baka doubleng abutin ko makarating lang dito.
“Ipaliwanag mo kasi, bakit parating kang late sakanya. Maiintidihan ka naman niya. Angel.” Napalingon naman ako kay Leah. Siya ang masasabi kong close ko rito sa klaseng ito.
“Hayaan mo na baka mahabang argument nanaman ang abutin ko nito.” Naalala ko kasi noong dati na sinubukan kong magpaliwanag sakanya pero humantong lang sa debate naming dalawa keyso daw porque minor subject ito hindi ko na raw pinapahalagahan. Etc. Ayoko ng maalala pa.
“E di mas maganda, walang klase.”
“Sira ka talaga.” Nailing na lang ako sakanya . Kahit kailan talaga.
“Late ka na nga may gana ka pang makipagdaldalan. Gusto mo ikaw na lang ang magturo rito sa harap, Miss Ferrer!?” Biglang napunta naman saakin lahat ng atensyon ng mga kaklase ko. Sa totoo lang hindi ko pa nasubukang mapahiya sa harap ng maraming tao pero ngayon parang ito na nga yung sinasabi nila. Nakakahiya. “Halika rito sa harap at ituro mo kung anong sinasabi ko.” Napayuko naman ako dahil hindi ko alam sasabihin ko. Saka hindi ko naman alam kong may itinuturo na ito. “See, hanggang daldal ka lang. If you repeat this behavior, I will drop you from my class. Understand? Now go to your designated partner! ”
“Grabe, drop agad? Iba talaga kong insecure sayo. Hayaan mo na siya. Sige pupunta na ako sa partner ko.” Ako naman hindi umalis sa kinatatayuan ko dahil hindi naman ako nainform kung anong gagawin.
“Ano pang tinutunganga mo? Maghanap ka ng partner mo.”
“Ahm, sorry po sir pero mukhang wala na pong..”
"I'm right here, Sir, and I apologize for being late.” Natuod naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang baritong boses na iyon. Ilang beses akong napalunok para hindi mapansing kinakabahan ako.
“It’s okay, Mister Santillan. Simula ngayon, kung sinong partner niyo siya ang magiging partner niyo hanggang sa Foundation day. Hindi ko na kayo bibigyan ng exam dahil dito ko na kukunin sa performance niyo. This is group performance kaya kapag nanalo ang klaseng ito lahat kayo sa performance niyo ay bibigyan ko ng uno. pero kong wala naman kayong place na nakuha 1.75 lang ang ibibigay ko. Kaya ayusin niyo dahil kapag pumalpak ang isa damay kayong lahat.” Hindi naman nakaligtas ang tingin ng prof. namin saakin ng sabihin niya kanina ang huling sinabi nito. Mukhang ako pang pinapatamaan niya. Napasimangot naman ako bigla dahil naalala kong kinonsedira niya kanina ang isang kaklase naman na mas late pa saakin. Pero kung sabagay athlete nga pala ito. For sure, mas iintindihin niya.
“Hey, lumapit ka na sa harap para maintindihan natin ang tinuturo ni Sir.” Napigla naman ako ng may humawak sa braso ko. Naramdaman ko nanaman ang kaninang kabang tinatago ko. Nakakainis bakit ba ganito ang epekto ng lalaking ito saakin. Kahit alam kong bawal dahil limited na siya hindi ko pa ring maiwasang humanga sakanya. At tama kayo ng iniisip, may nobya na ito.
Pinag-aralan naman namin ang step na tinuturo ni Sir. Ayoko ng mapahiya ulit, kaya nakikinig na talaga ako sakanya. Ginawa naman niyang partner si Leah pansamantala dahil alam ng buong klase na siya ang pinakamagaling at kasama rin pala ito dance trope. Kaya hindi talaga makakailang magaling nga ito.
“Mahihirapan ako nito hindi ako magaling.” Wala sa isip na nasabi ko na lang sa sarili.
“Pareho lang tayo, kaya doblehen natin ang pagpractice. Madali ka bang magmemorize ng step?” nagulat naman ako ng kinausap niya ako. Sa ilang buwan na magkaklase kami ngayon ko lang siya o ngayon niya lang ako nakausap. Tulad ko irregular rin siya dahil athlete siya.
“Ayos lang naman.”
“Good. We need that. Dahil mabagal akong magmemorize.” Ngumiti naman ito saakin kaya nakita ko naman ang malalim nitong dimples sa magkabilaang pisngi nito. Hindi ko alam kong bakit ba ako nagkagusto sa kanya pero ewan basta isang araw nagising na lang ako na isa na ako sa tagahanga niya at dahil sa pagiging taga hangang kaya marami akong nalaman tungkol sakanya. Isa na roon ang pagiging limited edition niya. Kaya sinabihan ko ang sarili kung hanggang saan lang ako.
**********************
“Malapit na ang foundation day, kunting polish na lang mapeperfect na natin.” Rinig kong sambit ni Leah sa tabi ko. Ako medyo nag-aalala ako. Ewan ko ba. “Pero, paano si Mikko? Hindi siya masyadong nakakapractice dahil sa training niya rin sa swimming.” Iyon nga ang inaalala ko. Ayokong sisihin kami kung sakaling pumalpak kami rito. Lalo pa’t ako ang partner niya.
“Hindi mo siya nakakausap, Angel? Kayo ang magpartner. Hindi niya ba nasabi kong kailan siya available?” sabi ng isang kaklase ko.
“Sorry late ulit. Tapos na ba kayong nagpractice?” bigla kaming napatingin sa bagong dating. Ang iba mukhang hindi natutuwa pero karamihan masaya dahil nakarating siya kasama na ako doon.
“Nagpapahinga lang kami. Ikaw rin magpahinga ka muna mukhang kagagaling mo lang kung saan, practice ulit tayo ng one o’clock.” Nakita kong nag-alisan ang iba dahil mukhang hindi natutuwa. Ikaw ba naman malapit na naming mabuo lahat pero iniisip nila baka masira lang dahil sa kanya.
“Pasensya na talaga, pangako babawi ako.” Sabi nito saamin. Ang iba nag-aalangan kahit ako rin hindi ko rin maiwasang mag-alala.
“Paano kaya, Mikko kung sabihin na lang natin kay Sir na hindi mo kaya? Kasi kung ganito parati mahihirapan ka. Ikaw rin ang kawawa.”
“For sure, maiintindihan naman niya yun dahil athlete ka.” Okay naman ang suggestion nila kaso nga lang.
“Paano si Angel? Wala siyang magiging partner. Hindi ako nag-aalala sa sarili ko pero paano naman siya? Alam niyong hindi rin siya makakasayaw ng walang partner. Sana habaan niyo pa ang pasensya niyo saakin. Pangako maglalaan ako ng oras para dito.” Natahimik naman kami dahil sa sinabi nito. Hindi ko inaasahang masasabi niya yun. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba na dapat hindi ko maramdaman.
************************
“Pasensya na talaga, dahil saakin kailangan mong mag-adjust.”
“Ako dapat humingi sayo ng pasensya dahil pwede ka namang magback-out dahil alam mong maiinitindihan ka naman ni Sir kung hindi mo kaya. Huwag mo akong initindihin kaya ko naman ang sarili ko.”
“Wag na tayong magsisihan tutal ilang araw na lang naman ang titiisin mo para saakin.” Natahimik naman ako dahil sa sinabi nito. Iniisip ba niyang nagtitiis lang ako sakanya? gayong para saakin masaya pa nga akong nakakasama siya, ni hindi ko na nga naalala na malapit na rin akong magising sa katutuhanan na para lang pala sa grades ito kaya ginagawa niya rin.
“Tara na mag-umpisisa na tayo i-polish na lang natin para maperfect na.” Isinantabi ko muna ang sarili kong interest para sakanya dahil kailangan naming matapos na ito. Dalawang araw na lang. Binuksan ko naman na ang phone ko at hinanap ang sasayawin namin. Pero bago tinignan ko muna ang oras at nakitang mag-aalasais na ng gabi. Ganitong oras ay nakauwi na ako sa bahay pero dahil ako na rin ang nagboluntaryo na turuan siya dahil partner ko siya kaya nag-adjust na ako. Bali 5pm ang out ko pero siya may training siya ng hanggang 6pm. Kinakailangan kong hintayin siya kaya nasa malapit lang ako at pinapanuod siya habang nageensayo. Boring sa ibang ang maghintay ng ganun katagal pero para saakin hindi siguro kasi gusto ko talaga siya.
“From the top muna. Ready, yung kamay mo sa beywang ko. Huwag mo munang tatanggalin hangga’t hindi natatapos yung intro ng music. Naiintindihan mo . Ang bilis mo kasing alisin yung kamay mo.” Sa tagal na rin naming nagprapractice na dalawa medyo nawalan na rin ako ng pagkailang sakanya. Iniisip ko na lang na performance lang lahat ng ito wala ng iba. “Tapos dahan-dahan mo lang idulas yung kamay mo sa braso ko. Napansin kong ang bilis mong igalaw yung kamay mo. Nakakalimutan mong slow motion ang sayaw natin.” Natatawang saad ko. Nakita ko naman itong tumango-tango lang. sana magets na niya.
Inistart ko naman na ang kanta kaya nagready na kaming dalawa. Nasa likuran ko ito at naramdaman kong nakahawak ang kamay nito sa beywang ko. Biglang nanigas ang katawan ko ng nararamdaman ko ang mabibigat na paghinga nito sa batok ko. Dahang-dahan naman niyang iginalaw ang kamay at ipinadulas sa braso ko. Ilang araw na naming nirerehearse ito pero bakit ngayon lumalala ang epekto niya saakin. Muntik ko nang makalimutan ang susunod mabuti na lang at siya na mismo ang gumawa kaya magkaharap na kaming dalawa ngayon. Napalunok na lang ako ng ilang beses dahil hindi ko na alam kung anong ginagagawa ko. Alam kong naapektuhan na ako ng nararamdaman ko sakanya pero ako mali at wala ring patutunguhan. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay umalis at iligtas ang sarili ko.
Hindi ko namalayang naitulak ko na ito at nagmadaling kinuha ang mga gamit ko. Narinig ko pa itong tumawag saakin pero hindi ko na lang ito pinansin at dali-daling tumakbo. Naramdaman ko na lang bigat sa dibdib ko na dapat hindi ako nasasaktan ng ganito. Hindi pwede. Hindi ka pwedeng makaramdam ng ganito, Angel.
*********************
“Congratulation, kahit hindi kayo ang nagchampion I am proud of you all, and I will still give you 1.0 for your efforts in this performance." Narinig ko ang sigawan at palakpakan ng mga kaklase ko. Napangiti na rin ako kahit papaano nakita niya talaga ang effort naming lahat. Napabaling naman ako sa partner ko at nakita itong tumayo hindi ko alam kung saan siya pupunta. Hindi ko alam kung paano kami nagperform ng maayos na dalawa kanina to think na nangyaring incident noong nakaraang araw. Hindi ko alam kung napansin niyang hindi na ako naging komportable saakanya pero satingin ko wala naman siyang pakialam. Nasasaktan ako tuwing naiisip na ako lang ang may gusto sakanya. Pero wala akong magawa. Gusto kong umamin pero ano pang mangyayari? Alam ko naman na ang sagot.
“Umamin ka na kasi, hindi yung hanggang tanaw ka lang sa malayo.” Napatingin naman ako kay Leah. Napansin pala niyang nakatingin ako kung saan nanggaling kanina si Mikko. “What? Halata namang gusto mo si Mikko.” Walang pakialam saad nito.
“Kailan mo pa nalaman?”
“Duh, matagal na. Hindi lang naman ikaw ang may gusto sakanya marami tayo. Hahahaha. What? Gusto ko lang siya dahil sa appearance niya, wala nang iba. Pero mukhang ikaw ang pinakamalalang nagkakagusto sakanya, hindi ko nga alam baka hindi lang pagkagusto ang meron ka sakanya.”
“Kung ako sayo umamin ka na. Hindi lang lalaki ang pwedeng magconfess sa panahon ngayon gender equality na ngayon.”
“May girlfriend na siya.”
“Ano naman ngayon? Hindi ko sinasabing sirain ko mo yung relasyon nila. Baka talaga nga may balak ka?”
“Sira.”
“Sa nakikita ko kasi ang bigat ng dinadala mo lalo kang hindi matatahimik niyan. Sasabihin mo lang yung nararamdaman mo doon lang. Kapag nasabi mo na huwag mo ng hintayin ang sasabihin niya para hindi ka na mag-expect pa. Gets? Dahil alam mo na ang sagot. Sige na sundan mo na.”At talagang pinatulakan pa ako nitong umalis hindi ko naman alam kong paano niya ako napasunod sa gusto niya. Pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na naglalakad papuntang pool area alam kong madalas siya doon.
Hindi naman ako nagkamali at agad itong nakita. Tatawagin ko na sana ito nang may nakita akong sumunod sakanya at nakita doon ang kasintahan niya. Nagtago naman ako para hindi nila mapansing naroon ako. Nakita ko silang na magkahawak ang mga kamay at masayang nag-uusap. Bakit ba nagpadala nanaman ako sa emosyon ko? Siguro nga kailangan ko ng ibaon sa limot itong nararamdaman kong ito.
*******************
“You must be, Angel? right?” Napatigil naman ako sa pagtitipa ng keyboard ng biglang may nagsalita sa harap ko. Pinagmasdan ko itong mabuti hanggang sa maging pamilyar ito saakin. Nakita ko ang pagsilay ng mga ngiti niya."It's nice to see you here. And I'm glad we got to meet at last. By the way, Nina.” Sino bang hindi makakaalala sakanya. Siya lang naman ang pinakaiingitan ko dahil nasakanya ang taong mahal ko. Oo, sa ilang taon na nakalipas naamin kong mahal ko na talaga siya. Sa tingin ko, may puwang pa rin hanggang ngayon. Tama nga si Leah sa sinabi niya dati na baka hindi lang simpleng pagkagusto lang meron ako at nakumperma ko rin na hindi nga talaga noong araw rin na nakita ko itong masaya sa piling ng mahal niya. At hanggang ngayon nadito pa rin yung bigat na nararamdaman ko na hindi man lang ako umamin.
“Michael, you bless to tita Angel.” Napabalik naman ako sa pag-iisip ng sinabi yun ni Nina. Napatingin naman ako sa binangit niyang Michael. Doon nakita ang isang bata na nasa edad 3 o 4 na taon gulang. Hindi ako makapaniwala habang tinititigan ko ng mabuti ito. Naaalala ko ang lalaking huling nagsayaw saakin at ang lalaking minahal ko hanggang ngayon. Nakatitig lang ako ng dadahan nitong hinawakan ang kamay ko para mag mano. Hanggang sa bumalik ito kay Nina hindi pa rin mawala ang pagtitig ko sakanya. Hindi kaya?
“Kamukha niya si…” hindi na nito pinatapos ang sinabi ko at siya na ang nagpatuloy.
“Si Mikko? Marami nga ring nagsasabi. Kamukha niya talaga ang daddy niya.” Ngumiti naman ito at mukhang hindi naman ito kontra na halos namana lahat ng katangian ni Mikko sa anak. Kung ganun nakakatuwa dahil hanggang sa huli pala nagkatuluyan pa rin sila. Pero teka lang.
“Paano mo pala nakilala?” To think na hindi naman kami close at never pa kaming nagmeet sa isa’t isa. Kilala ko siya sa malayo pero hindi ko inaasahang kilala niya rin ako.
“Dahil rin kay Mikko. Madalas ka niyang mabanggit dati at sinabi niyang mabait kang kaibigan.” Kaibigan? Napakagat naman ako ng labi ko para pigilan ang emosyon ko. Hindi ko alam na itinuring niya akong kaibigan. Kahit papaano mabuti na rin yun keysa naman classmate lang ang pagkakaalala niya saakin.
“Ganun ba, kamusta na siya.” Walang halong hinanakit na sabi ko. “Matagal na rin noong huli kaming nagkita. Wala na tuloy akong balita sakanya.” Napansin ko namang parang nag-iba ang reation niya ng sabihin ko iyon pero hindi lang nito pinahalata at ngumiti lang ito ng matamis. Pero saakin parang iba ang pinapahiwatig ng mga ngiti niya. Nakita ko itong bumuntong hininga bago mag-umpisang magsalita.
“Actually, matagal ng wala kami.” Umpisa nito. Gusto ko sanang magtanong pero hinayaan ko na lang siyang magpatuloy kung komportable siya.
****************************
Napatingin naman ako sa papel na ibinigay ni Nina saakin bago sila umalis kanina. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ko alam kung susunduin ko ang sinasabi niya. Nagtatalo ang isip at puso ko kung anong susunduin ko. Pero sa huli, alam niyo kung anong sinunod ko?
“Manong, alam niyo po ba ang address na ito? Doon niyo na lang ho ako ihatid.” Ibinigay ko naman ang papel na ibinigay saakin. Mabilis naman kaming nakataring kung saan lugar ang tinutukoy ng nasa papel kanina. Napatingin naman ako sa malaking gate na nakaharap saakin hindi ko alam kong kaya kong pumunta o ipag sa ibang araw ko na lang. Pero dahil nandito na rin ako wala ng atrasan yun. Napatingin pa ako sa kalangitan bago magpasya na pumasok.
Lumapit naman ako sa gate mukhang mahigpit rin ang pagbabantay rito. Agad naman ako nakita ng guard at nilapitan ako nito.
“Dadalaw ho ba kayo ma’am? Bukas na lang ho. Maggagabi na ho kasi. Agahan niyo na lang ho bukas.” Sabi na dapat pala bukas na ako pumunta rito.
“Ganun ho ba? Sige salamat na lang.”
“Sino ho bang dadalawin niyo?”
“Ahmm, kaibigan ko ho si Mikko Santillan.” Tipid na ngumiti pa ako. Para namang kilala niya yung tinutukoy ko.
“Ibig niyo hong sabihin kayo ho si Angel?” Nagulat naman ako ng sabihin iyon ng guard. Pati rin siya kilala ako?
“Ako nga ho. Paano niyo ho nalaman?” Nagtatakang tanong ko.
“Naku, pasensya na kung hindi kita agad nakilala. Pasok na kayo. Kalimutan mo na yung sinabi ko kanina na hanggang 5pm lang kami dito. Kapag ikaw okay lang kahit magdamag yun ay kung hindi ka lang natatakot dito. Hahaha. ” ngumiti lang ako ng pilit sakanya. Binuksan naman niya ang gate at agad na akong pinapasok. “Halika samahan kita kong nasaan siya tiyak matutuwa yun na nakadalaw ka dito.” Tipid na tumango lang ako nauna na itong maglakad. Hindi ko alam pero habang papalapit kami ng papalapit pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko parang mas mabigat keysa sa dati na hindi ko nasabi ang nararamdaman ko para sakanya.
“Dito na. I-switch ko lang yung ilaw muna. Maiwan na rin kitang para makausap mo siya.” Tumango naman ako at nagpasalamat. Nanginginig na lumapit ako ng makita ito at ang kaninang dinidibdib ko ay tuluyan ng lumabas hindi ko maiwasang hindi maging emosyon ng makita ang sitwasyon naming dalawa. Ang dami kong pinagsisihan sa buhay ko pero ito ang pinakapinagsisihan ko. Na hindi ko sinabi ang tunay na nararamdaman ko. Ngayon nakatingin na lang ako sa isang marmol na may nakasulat na pangalan nito.
In Loving Memories
Cyle Mikko S. Santillan
Birth: Sept. 21, 1994 Died: Jan. 28, 2022
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hindi alam kung saan pwedeng makakita o makahawak ng masasandalan dahil sa mga oras na iyon nanlulumo na ako. Naalala ko ang sinabi ni Nina kanina.
“Right after, naming makagraduate nalaman kong buntis ako. Pinagutan niya ang bata pero hindi kami nagpakasal. Dahil alam naming pareho na hindi rin magwowork. Kahit papaano naging maayos ang set-up namin lalo na sa anak namin.He became an engineer, whereas I became a businesswoman. Kahit paano naging magkaibigan kami at alam mo bang naging mas maganda ata nung maging magkaibigan kami. Dahil doon kami naging close at nakakapag-usap ng walang inaalala. Doon ko rin na discovered na masyado itong madaldal at maraming kwento sa buhay at dahil doon nakilala kita. Madalas ka niyang ikwento pero alam bang napansin ko tuwing bibanggit ka niya nakikita ko ang pagmamahal sa kanya. Never siya nagkwento ng babaeng kaibigan niya dahil wala akong naalalang kaibigan niya kahit sino. Pero tuwing binabangit ka niya marami siyang alam tungkol sayo. At dahil doon inamin niya saakin kung ano ka talaga para sakanya. Humingi siya ng tawad saakin dahil daw naiinlove siya nung mga panahong kami pa at dahil ayaw niyang magtaksil saakin kaya minabuting niyang lumayo na sayo. Sa nakikita ko ganun rin ang ginawa mo para sakanya. Hindi ka rin umamin sa nararamdaman mo para sakanya. Part of me felt guilty dahil feeling ko, ako ang dahilan kong bakit hindi niyo nasabi sa isa’t isa ang nararamdaman niyong dalawa.”
“Wala kang kasalanan. It is our choice na hindi umamin sa isa’t isa. Pero matagal na iyon just leave it in the past now. Sabi mo nga naging magkaibigan na kayo. Kamusta na siya ngayon?”
“Matagal na siyang umalis at biglang iniwan ni Michael.” Malungkot nitong sambit.
“What, ginawa niya yun? Saan daw siya nagpunta? Nagmigrate o may bago ng pamilya?” Nakita ko naman itong mukhang naiiyak kaya lalo akong nag-alala sakanya.
“Matagal na siyang nawala. A year ago. Naaksidente siya doon sa site na pinagtratrabahuan nila.” Para bang nabingi ako sa sinabing yun ni Nina. Hinihintay kong sabihin nitong nagbibiro lang siya pero wala makikitang bahid na pagbibiro sa mukha niya.
“I’m sorry, hindi magprocess sa utak ko.” Nakita ko naman itong may isinulat sa papel at inabot saakin.
"If you are ready, you may pay him a visit; he will be waiting for you. Noong araw bago siya mawala tinawagan niya ako na sinabing nahanap ka na niya at may lakas ng loob na siyang magtapat sayo. Nalaman kong may ibibigay pa pala dapat siya sayo. Here, sa tingin ko para sayo ito.” May tinangal naman ito sa anak niya. It’s a necklace. Pendant. “Ipinapasuot ko ito kay Michael araw-araw baka sakaling makita ka namin at hindi nga kami nagkamali. Suot niya rin ito bago siya mawala.”
Napatingin naman ako sa hawak kong pendant at binuksan iyon. Lalo akong napaiyak ng makita ang nakalagay. May nakaengrave doon na sulat ‘I love you My Angel’ napatingin rin ako sa lapidang nasa harap ko at sa pinakababa rin noon ay ‘I love you My Angel’
"Sorry dahil naging duwag ako
;
;
;
;
;
;
;
;
;
;
;
“I love you too, Mikko.”
“Hey, Angel! Are you alright? Why are you crying?” para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita kong sinong nasa harapan ko.
“Anong nangyari?”
“Ayos ka lang gurl? Bigla kang nagdaydream, kanina pa kami tawag ng tawag sayo pero nakatulala ka lang tapos bigla kang lumuha ng walang dahilan. May problema ba kayo sa bahay? Alam mo excuse ka na sa practice magpahinga ka na.” sambit naman ni Leah.
“Alam mo bang pinag-alala mo ako. Ayos ka na ba?” napatulala naman ulit ako ng makita kung sinong nasa harapan ko at dahilan kung bakit nagkakaganito ako.
“Are you for real?” hindi makapaniwalang sambit ko.
“Oo naman, Cyle Mikko Santillan at your service.” Ngumiti pa ito kaya sumilay muli ang dimples nito sa magkabilang pisngi. “Pero may hindi ako makakalimutang sinabi mo.” Ang kaninang ngiti ni ay napalitan ng mapanuksong ngiti.
“Ano yun?” Nagtatakang saad ko.
"You mentioned that you love me. Is that true? ” bigla namang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito. Ibig sabihin narinig niya yung sinabi ko kanina. “Umamin ka na, dahil aamin rin ako. I love you my Angel.” Para akong nauubusan ng hininga ng sabihin niya yun. Ibig sabihin lahat ng iyon iniisip ko lang talaga. Is that what will happen if I don't admit my true feelings? Maybe it's not too late.
********************
I hope you enjoyed it! Why did I come upon it? Yung kapitbahay naman ang may kasalanan dahil nagpatugtug siya. At ang ang kanta ay Ang Huling El Bimbo tapos ewan kinakabihan hindi ako makaisip tapos iyon yung kanta pa rin ang nasa isip ko kaya sabi ko paano kaya kung gawan ko ito ng kwento kaya ito na nga. Tapos sabi ko dahil malungkot yung ending niya paano kung gawin kong happy ending pero medyo may twist. Pero sa tingin ko naman nahulaan niyo na agad. Kaya kerebels na lang. Pinaikli ko lang talaga.
Dedication ko ito para sa Ang huling El Bimbo hindi niyo ako pinatulog.