Naglalakad ako papunta sa kuwarto ni Davis nang may biglang tumawag sa akin. It's Lola Fe. I miss her so much, it's been years since I left Lola in Mindanao and went back here in Cebu. “Oh, La? Kamusta kayo riyan?” Ilang araw ko na rin siya iniiwasan dahil alam kong pupuntahan niya ako dito. Dahil natitiyak ako na alam na niya ang mga nangyari dito sa Cebu. Ayaw niya akong lumalapit pa kay Davis kasi nga masaktan na raw ako, pero anong magagawa ko kung mismong puso ayaw maturuan na umiwas? Noong gabing umuulan na hindi ako sinipot ni Davis sa bundok, ay pumunta ako sa kanilang bahay nagpupumilit akong pumasok pero ayaw akong papasukin ni Mrs. Alvarez, kasa-kasama ko pa noon si Lola pero alam kong sa mga oras na 'yon ay nandoon lang siya sa loob. “Pupuntahan kita diyan para matigil

