Kabanata 3

1679 Words
Nagpupungas ako sa higaan. Hindi ako maka-tulog dahil sa daming pumapasok sa'king isipan. Pinipilit ang mata'y isarado, pinilit matulog, nagbabakasakaling nanaginip lang ako. Bumangon ako at nagpasiyang mag-pahangin sa labas. Nakaupo sa pino't puting buhangin, pinagmamasdan ang tulog na ulap sa likod ng mga kumikinang na bituin, pinapakinggan ang tila'y walang sigla na hampas ng alon sa dalampasigan. Ang aking isip ay binabaha ng mga salitang hindi mailabas, ako'y nasa lugar na ayaw ko. Sa lugar na lahat ay tunay. Sa lugar kung saan walang madla. Sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama. Nang makaramdam ng lamig nagpasiya akong pumasok na. Nasa kalagitnaan pa ako ng final semester namin sa second quarter, at sa kamalas-malasan na expelled pa. At ito nag-transfer na naman ulit ako. Ito na ang ika-pitong beses kong lipat ng paaralan. Malapit na ang pagtatapos ng semester at bakasyon na. Nag-iisip ako kung anong puwedeng gawin sa parating na bakasyon gayung wala pa akong kakilala rito, at malayo ako sa mga naging kaibigan ko sa Manila. KINABUKASAN napabalikwas ako sa hinihigaan ko. “What the heck!” “Bumangon ka na riyan at ihahatid kita sa bagong paaralan mo! Akala mo maloloko mo ako? Alam kong hindi ka pumunta kahapon sa paaralan mo!” saad ni lola saka pumunta sa kabinet para kumuha ng masusuot. “Alam mo pala ey, bakit hindi mo ako pinigilan?” nakasimangot na tanong ko kay Lola. “Pinagbigyan lang kita.” nakangising sagot nito sa'kin. “Eh, lola kaya ko namang pumasok mag-isa!” pagmamaktol ko. “Hmp! Hindi na 'yan bebenta sa akin! Tumayo ka na r'yan! Kung ayaw mo ako ang magpaligo sa'yo!” pagbabanta ni Lola sa'kin bago tuluyang pumasok ito sa banyo. Bumaba ako ng sasakyan saka tumingala at binasa ang pangalan ng paaralan. “ACT? Seriously Lola?” reklamo ko kay Lola. Dati ay naririnig ko na ang paaralan na ito mula sa mga kaklase ko. Marami na akong naririnig ng mga kababalaghan sa paaralan na ito. Minsan ko pa narinig na may nagpakamatay daw na estudyante rito. Sabi nila kaya nagpakamatay ito ay dahil sa bagsak na grado, 'yong iba naman sabi ay family problem, 'yong iba naman ay tungkol sa love life kaya ito nagpakamatay. Nagpaparamdam daw ito tuwing Wednesday at Friday ng hapon sa may banyo ng 7th kung saan daw naganap ang pagpakamatay ng studyante. Iba't- iba ang naririnig ko tungkol sa paaralan na 'to. Minsan hindi ko na alam kung ano ang totoo at sa hindi dahil sa daming naririnig ko. Noong una wala akong pakialam sa mga naririnig ko dahil hindi naman ako nag-aaral dito, pero ngayon na nakatayo ako sa mismong paaralan ay parang gusto ko nang kumaripas ng takbo pabalik ng Manila. “Bakit hindi? Sa paaralang ito ka nababagay at saka mababait ang mga guro rito. Lahat ng mga teachers dito ay very approachable, hindi tulad sa mga previous school mo.” paliwanag sa'kin ni lola. Sumimangot nalang ako saka nagsimulang maglakad. Hindi paman nakapasok ay bigla akong napatigil dahilan para magulat ang Lola ko. Batay kasi sa pinta ng building nito ay makaluma na't nakakatakot tingnan. “Bakit? Halika na tiisin mo na lang ang semester na 'to at bakasyon na!” sabi ng Lola ko. “Eh, lola masama ang pakiramdam ko sa paaralang na 'to.” pagrereklamo ko kay Lola. Ang matapang na Henziel ay takot sa paaralang ito? Anbilibabol! “Ano ka bang bata ka! Nandito na tayo!” sabay akbay sa'kin at pumasok na sa loob ng paaralan. “Masyado kang nagpapaniwala sa mga naririnig mo, kung ano man 'yan hindi 'yan totoo.” May nakakasabay kami sa pagpasok, may iba ay nag-scan pa ng ID, at che-ni-check ang bawat bag ng mga estudyante. Papasok na sana ako kundi lang ako hinarang ng guard. “Dae! Asa imuhang ID ug uniform?” kunot noo kong tiningnan ito dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Sasagot na sana ako kundi lang sumulpot si lola. “Ah, guard pasyensya na, pero wala pa kasi siyang ID at uniform. New student pa lang siya rito.” sabi ng Lola ko sa guard dahilan para taasan ako ng kilay ni ate guard. Akala mo naman ikinaganda niya one layer na kilay niya! “Okay ma'am. Doon po kayo magtanong sa front desk para ma-proseso ang pag-transfer niya.” turo sa'min ng guard sa front desk. Agad naman namin pinuntahan ang front desk and then fast forward. Kanina pa ako tumitingin sa paligid rito, pero wala namang nakakatakot. Kanina sa front desk ay lubha akong namangha sa very approachable na't magandang babae rito. Very charming at pretty. Iniwan na ako ni Lola rito dahil may importante pa raw siyang gagawin. Kasalukuyan ako ngayon naghihintay sa elevator para puntahan na ang classroom ko. May hagdan naman kaso malayo-malayo pa ang classroom ko, nasa 9th floor pa kaya no choice ako kundi ang pumila sa napaka-habang linya ng elevator. Habang bitbit ang admission slip ko, may lumapit sa'kin. “Hi, transferee ka? Karun ra ko kita nimo gud.” sabi nito. Kunot noo ko lang ito tiningnan, at pilit na ini-intindi ang sinasabi. Ang tanging naintindihan ko lang ay ang salitang transferee. Tumango lang ako saka muling tinuon ang atensyon sa harap. “Ako diay si Charice De Guzman.” sabay lahad sa kamay nito agad ko naman tinanggap ito. Hindi man naintindihan pero batay sa kilos at paglalahad ng kan'yang kamay ay agad kong nakuha ang ibig sabihin ng babae. “Henziel,” maikling sagot ko rito. Umisod ulit ako pasulong sa linya, kaunting usod pa para makasakay na ako sa elevator. Saka muling hinarap ang babae. “Sino bang may-ari ng school na'to?” tanong ko kay Charice. Makaluma tingnan sa labas kumpara sa loob ang paaralan na 'to, sa pagpasok mo pa lang bubungad sa'yo ang isang malaking tarpaulin na may nakasulat na welcome Asianista, sa ilalim ng escalator may dalawang mahabang salamin. At tiles pa 'yong sahig. Mukhang mamahalin ang paaralang pinapasukan ko, ah? “Wait tageleg ka te?” gulat na tanong sa'kin ng estudyanteng babae. “Ano?” Well, she's pretty, jolly, I guess? Singkit ang mga mata nito, maputi rin at pinkish 'yong pisngi. “Ay confirm nga. Wala. Saan ba room mo? Patingin!” saka tiningnan ang slip na hawak ko. Ang FC naman nito. “Omg! Classmate ta!” Masigla at tumatalon na sabi nito. Again hindi ko parin na intindihan ang mga sinasabi nito. “Ano?” kunot noong tanong ko rito dahil nahihirapan akong intindihin ang mga sinasabi nito. “Ahh. Sabi ko magkaklase tayo,” sabay akbay sa'kin saka hinatak papuntang elevator. “Hi, kuya mowming!” Masiglang bati nito sa guard na nag-operate ng elevator. “Guwapa lagi karon?” nakangising tanong ng guard sa nagngangalang Charice. “Kuya uy! Guwapa naman ko daan!” nakasimangot nitong sagot sa guard. Hindi ko talaga naintindihan ang mga pinag-usapan ng mga ito, kaya sa halip na magtanong ay napabuntong hininga na lang ako. Seven floor na nang magsilabasan ang mga estudyante. Nang lumuwag na ay saka ko sinandal sa gilid ang ulo ko. Habang patuloy parin ang pagdaldalan ng guard at ni Charice. Noong nag-nineth floor na ay nauna akong lumabas at iniwan si Charice. “Wait.....uy!” rinig kong sigaw ni Charice. Nang makita niya ang room ko, bubuksan ko na sana ito nang biglang pinigilan ako ni Charice at pumaunang pumasok rito. Habang ako ay nanatiling sa labas nakatayo at pinanood ang ginawa ni Charice. “Listen! My beloved classmates!” sabay hampas sa desk dahilan para magkaroon ng katahimikan. “We have a new member of Platonians and tagalog siya mga tsong!” anunsyo ni Charice sa harap. “Whoa? Asa siya?” rinig ko dahilan para pumasok na ako at sakto naman tinawag ako ni Charice. “Wait, re-presenting our new family, Henziel!” welcome sa'kin ni Charice. “Please introduce yourself.” utos sa'kin ni Charice. I sighed and do what she said. “I'm Henziel Celino Gonzales,” maikli kong sagot dahilan para mas tumahimik pa. “Mao ra? I mean 'yon lang?” tanong sa'kin ni Charice. Tumango nalang ako bilang sagot. “Miss single ka ba?” tanong ng isang lalaki sa'kin. “Sorry to dissapoint you but I'm not available,” sagot ko sa lalaki dahilan para magkaroon ulit ng hiyawan saka binalingan ng tingin si Charice. “Saan ang upuan ko?” “Ahh dito! Magkatabi tayo,” turo ng upuan sa harapan niya. Umupo na lang ako sakto naman ang pagdating ng first subject namin. “Okay, kay naa man mo'y bag-ong classmate new seating arrangement.” sabi agad ng guro na hindi ko naman maintindihan kaya kinalabit ko si Charice. “Anong sinabi niya?” tanong ko kay Charice. “Ah, ang sabi daw, dahil may bago kaming classmate ay magkakaroon tayo ng new seating arrangement.” nakangiting paliwanag sa'kin ni Charice bago tumayo at pumunta sa harapan ko. Kaya tumayo na lang din ako. Buti nalang at magkatabi parin kami ni Charice. Pagkatapos ng new seating arrangement ay nag-discuss lang ito para sa gagawing project sa clearance signing. May ilang buwan pa naman pero sinabi na ito dahil baka raw maging busy ito at hindi na magkakaroon ng oras para rito. Nang sumunod naman na teacher ay may pinagawang groupings. Sa susunod naman ay ang thesis subject. Wala akong oras para matulog dahil sunod-sunod ang pasok ng mga subject teachers. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sunod-sunod na pasok ng mga subject teacher. Wala akong oras para matulog o magpahinga. Siguro dahil papalapit na matapos ang sem at pasahan ng mga projects at iba pa. So I guess, this is the real life of being a student. In my previous school I was doing nothing. Papasok lang para matulog, gigising lang kapag pinapagalitan o di kaya uwian na. That's my dilemma in life before, but now this school changes my cycle in life as a student. And I don't know if I will be greatful for that or what.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD