Tatapusin ko na sana ang diskusyon namin para makapagpahinga na ako, pero hindi ko inaasahan ang muling pagsalita ni Drix sa gitna ng katahimikan naming dalawa. “Sige nga matanong nga kita, kung patas ang mundo bakit may masasaktan kahit ang gusto lang naman nila ay ang magmahal at mahalin sila pabalik?” hamon na tanong sa akin ni Drix habang naka-cross ang dalawang braso niya. Ang laking tao pero ang mga laman ng utak niya ay puro pagtatanong lang! Wala na ba siyang ibang gagawin sa buhay kundi ang magtanong ng magtanong? At kung sasagutin naman, walang kamatayang tanong na naman ulit? Nahihibang na siya! “Kung 'yan ang pagbabasihan mo sa pagiging madaya ng mundo, ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo na itigil mo na 'yan! Wala kang mapapala d'yan sa kakatanong mo! Simple lang buhay,

