Patuloy ang pagtulo ng luha niya habang nakatingin sa salamin sa may banyo. Ang sakit sakit ng dibdib niya. Hindi niya inaasahan na magagawa ni Marco iyon dito pa sa loob ng bahay nila. Alam naman niyang hindi siya itinuturing na asawa nito pero sana naman ay huwag siyang bastusin nito ng ganon.
Pinapamukha nito sa kanya na wala talaga ito respeto sa kanya. Lalo siyang napaiyak at pinipigilan ang sarili na mapahagulgul. Katok sa pinto ang nagpahinto sa pagiyak niya.
“Open the door” sabi ni Marco sa kabilang pinto. Kinabahan siya at hindi sumagot. Hindi niya kayang makaharap si Marco lalo na at masakit na masakit ang kalooban niya. Kumatok ito ulit at pinihit na ang doorknob. Nang malamang nakalock ang pinto ay muli itong kumatok
“Open the door, Jessica” nahihimigan niya ang galit sa boses nito pero nangingibabaw ang sakit na nararamdaman niya. Malakas na ang katok na sumunod sa pinto at lalo nitong pinihit ang doorknob. “Open the f*****g door, Jessica!” sigaw nito na kinakalampag na ang pinto. Napapikit siya alam niyang hindi siya titigilan nito. Natatakot man pero wala siyang magawa kundi buksan ang pitno
“Bakit ang tagal mong magbukas ng pinto? Anong ginagawa mo sa loob?” Galit na tanong nito na sumilip pa sa loob ng banyo
“Wala” aniya at dumeretso na ng labas sa banyo at umupo sa may kama niya “May kailangan ka pa ba? Papatimpla na lang ulit ako ng kape kay Manang. Medyo masama ang pakiramdam ko” aniya habang nakatingin sa may sahig. Wala siyang narinig na sagot dito kaya napilitan siyang tignan ito.
Nakita niya na nakasandal ito sa may hamba ng pinto at nakatingin sa kanya. Nakatitig ito sa kanya at hindi niya mabasa ang nasa isip nito. Kagaya ng dati ay seryoso ang mukha nito na wala siyang makitang kahit na anong emosyon. Yumuko siya ng hindi matagalan ang titig nito sa kanya.
Narinig niyang kumilos ito at nang lingunin niya ay nakita niyang nagpunta ito sa may walk in closet niya. Nagtataka man ay hindi siya gumalaw sa kinauupuan niya at nanatili lamang na nakaupo. Maya maya ay lumabas ito na may hawak na kulay itim na damit at inabot sa kanya ang hawak. Nagulat siya ng makita na itim na nighties ang inabot nito sa kanya
“Iintayin kita sa kuwarto ko” anito at lumabas na. Lalo siyang napaiyak ng maintindihan ang ibig sabihin ito. Nabitin ba ito sa kasamang babae dahil nahuli niya ang dalawa kaya siya na lang ang paguukulan nito ng pansin. Naiyak siyang lalo ng maisip na gagawin siyang panakip butas nito at sa kanya ilalabas ang init na naramdam sa bisita nitong babae kanina.
Labis siyang nalungkot sa katotohanan na wala talaga siyang halaga kay Marco. Lalo niyang naramdaman ang sakit sa dibdib. Kinalma niya ang sarili at alam niyang kailangan niya pang pagsilbihan si Marco. Ayaw man niya pero wala siyang magagawa. Lalo lang itong magagalit pag sinuway niya. Tumayo na siya at pumasok ng banyo para ayusin ang sarili niya.
Pagkapasok ni Marco sa kuwarto ay dumeretso na siya sa banyo para maligo. Hinubad niya lahat ng damit at pumailalim sa shower. Nagbabakasakali na maalis ang bigat na nararamdaman. Hindi maalis sa isip niya ang itsura ni Jessica nang makita sila ni Abby sa may library.
Bumibigat ang loob niya sa kaalamang nasasaktan ito. Ayon naman talaga ang plano mo diba? Panunuya niya sa sarili niya. Kaya niya inimbitahan si Abby magdinner ay para pasakitan si Jessica pero hindi niya inaasahan na magiging mapangahas ang babae na tatangkain nitong akitin siya at maabutan pa sila ni Jessica sa isang intimate na sitwasyon.
Wala naman siyang balak na patulan si Abby ang gusto lang niya ay pagselosin ang asawa pero sobra pa ang nangyari. Napasakitan niya ito ng labis ngayon sigurado siya doon. Tinapos na niya ang pagligo at lumabas na ng banyo. Naabutan niya si Jessica na nakatayo sa may gitna ng kuwarto niya. Tila nagulat pa ito ng makita siyang lumabas ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya.
“Kumakatok ako kaso hindi ka naman nasagot kaya pumasok na ko” paliwanag nito. Alam nito na ayaw niyang pumapasok ito sa loob ng kuwarto niya ng walang pahintulot. Lumapit siya dito at kinalas sa pagkatatali ang robe na suot nito. Binuksan niya iyon at tuluyang hinubad saka hinayaang bumagsak sa sahig.
Nabuhay ang pagnanasa niya ng makita ang suot nito na itim na nighties na pinili niya mula sa mga pantulog nito. Pinagapang niya ang kamay sa may braso nito paakyat sa may balikat. Tinitigan niya ang magandang mukha ni Jessica.
Napakaganda nito na may singkit na mata at mapulang labi. Gaano niya kagusto na halikan ang mga labing iyo pero ayaw niyang lunukin ang pride ng sabihin niya dito dati na hindi siya humahalik sa mga babaeng kagaya nito. Ano nga bang klase ng babae si Jessica, Marco? tanong niya sa sarili bago pa niya sagutin ang sariling tanong ay binuhat niya asawa na pinalibot mga binti sa bewang niya at lumakad na siya papunta sa kama.
Ibinaba niya ito at dinaganan. Tinitigan niya ito sa mga mata at nakita niya ang takot doon. Alam niyang iniisip nito na masasaktan na naman ito sa gagawin niya. Hindi niya maitatangi na gusto niya ang nangyayari sa kanila. Alam niya sa sarili niya na gusto niyang makaniig ito pero hindi niya mapigilan ang sarili na saktan ito.