Nang makarating sa bahay nila ni Jessica ay ipinarada niya ang sasakyan at nauna ng bumaba para pagbuksan ng pinto si Abby. Inabot niya ang kamay na tinanggap naman nito at inalalayan niya itong bumaba. “Wow!” Anito ng makababa at ng makita ang kabuuan ng labas ng bahay nila ni Jess. “Is this your house?” Tanong nito na kita sa mukha ang pagkamangha.
“Yup, let’s go.” Yaya niya dito at nauna nang naglakad papasok. Nanlaki ang mata ni Linda ng pagbuksan siya ng pinto at makitang may kasama siya.
“Nasaan si Jessica?” Tanong niya dito.
“Nasa may kitchen po, Sir.” Sagot nito na nanatiling nakatingin sa kasama niya.
“Pakitawag.” Utos niya dito. Tumango ito at naglakad papunta sa kitchen. “Pasok ka.” Aya naman niya kay Abby na lalong namangha ng makita ang loob ng bahay nilang mag-asawa. “Your house is so beatiful, Marco.”
“Thank you, Abby. Have a seat” Anyaya niya dito. Umupo ito sa may mahabang sofa at umupo siya sa tabi nito.
“Marco?” Tawag ni Jessica sa kanya. Nilingon niya ito at nakita niya ang pagtataka sa mukha nito ng makitang may kasama siyang babae. Tumayo siya at lumpait ito sa kanya para tulungan siya na hubarin ang coat niya at necktie.
“May bisita ako. Set the table for two.” Utos niya dito. Nakita pa niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito bago yumuko. “Ok, maghahain na ko.” Anito at nagpunta na sa kitchen.
Nagmamadali si Jessica na lumabas papunta sa kitchen. Naninikip ang dibdib niya, ito ang unang beses na naguwi si Marco ng babae. Nasasaktan siya pero anong gagawin niya. Wala siyang lakas ng loob para kumprontahin ito.
“Iha?” Tawag ni Manang Agnes sa kanya na nagpahinto sa pagiisip niya. Nilingon niya ito at nakita niya ang awa sa mga mata nito para sa kanya. “Ayos lang ho ako, Manang. Maghain na po tayo.” Umiling na lang ito at tinawag na si Linda para makapaghain na.
Nang makitang maayos na ang lahat sa lamesa ay lumabas siya para tawagin sila Marco. Naabutan niya ang dalawa na magkatabi sa sofa at masayang nagtatawanan. Lalong bumibigat ang pakiramdam niya sa nasaksihang pagtawa ni Marco sa kung ano mang sinasabi ng bisita nito.
“Marco.” Agaw niya sa atensiyon nito. Nilingon siya nito at nawala ang saya sa mukha ng tignan siya. “Nakahain na” Sabi niya dito.
Kita niya ang lungkot sa mukha ni Jessica ng lingonin niya at dahil doon ay nakaramdam siya ng kirot sa puso niya. Pero binalewala niya iyon. Tama lang na masaktan ito. “Let’s go. Nakahain na ang mesa” Yaya niya kay Abby sa malambing na paraan at inabot pa niya ang kamay para alalayan itong tumayo at kumapit naman ito sa braso niya.
Pagdating sa lamesa ay pinaghila niya pa ito ng upuan bago umupo. Kita niya ang panginginig ng kamay ni Jessica habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan niya. Tinignan niya ang mukha nito at kita niya na naiiyak ito. Alam niyang nasasaktan ito at imbes na matuwa ay lalo siyang naiinis. Lalagyan din dapat nito ng pagkain ang pinggan ni Abby ng hawakan niya ang kamay nito para pigilan walang ibang puwedeng pagsilbihan ang asawa niya kundi siya lang.
Nagulat si Jessica sa ginawang paghawak ni Marco sa kamay niya para pigilan siya na lagyan ng pagkain ang pinggan ng bisita nito. “Abby, kaya mo naman na siguro kumuha ng pagkain di ba?” Sabi nito at kinuha ang lalagyan ng ulam mula sa kanya at inabot dito.
“Yeah, of course.” Tila nagulat na sabi nito at kinuha ang lalagyan na inaabot dito ng asawa niya. Hinila niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ng asawa pero hindi nito binitawan ang kamay niya. Tumingin siya dito at kita niya ang galit sa mata nito. “Don’t do that again.” Mahinang sabi nito bago pinakawalan ang kamay niya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito kaya inabot niya ang kubyertos at pumuwesto na sa likuran nito.
Nainis siya ng hilahin ni Jessica ang kamay para bumitaw sa pagkakahawak niya. Hindi niya nagustuhan na tila ayaw nito na magpahawak sa kanya. Makikita nito mamaya, paparusahan niya ito at sisiguraduhing magtatanda ito para hindi na umulit.
“Masarap ang food, Marco” Sabi ni Abby na pumutol sa iniisip niya. “Magaling ang cook mo.”
“Yeah, my cook is very good.” Sagot niya dito.
Mabigat na mabigat ang loob ni Jessica. Hindi niya naisip kahit minsan na maguuwi ng babae ang asawa. Masayang naguusap ang dalawa habang kumakain. Nagseselos siya sa eksenang nakikita. Siya ang dapat na nakaupo doon at nakikipagusap sa asawa hindi ang kung sino mang babae na uwi nito pero ano ba ang magagawa niya.
Nasasaktan siya na isiping naguwi ito ng babae. Nagsawa na siguro sa kanya at naghahanap ng iba. Nagaalala siya na baka dito matutulog ang babae na kasama ng asawa. Gusto niyang umiyak sa idea na iyon dahil alam niya na puwede iyong gawin ni Marco para pasakitan siya. Kung gagawin iyon ng asawa ay hindi niya alam kung paano niya ito pipigilan, gustuhin man niyang tumutol kung mangyayari iyo pero wala siyang lakas ng loob para gawin iyon.
“Jessica.” Tawag ni Marco na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. “We are done. Please bring coffee in my office.” Utos nito sa kanya. Tumango lang siya at nakita niya na inalalayan ulit nito ang babae sa pagtayo na humawak ulit sa braso nito.
Pinanuod niya ang dalawa na lumabas at nang mawala ang mga ito sa paningin niya ay pumunta na siya ng kitchen para maghanda ng kape. Nang matapos ay dumeretso na siya sa office nito. Hindi na siya nagabalang kumatok at pumasok na sa loob. Pero hindi siya nakahanda sa eksenang aabutan niya at dahil doon ay nabitawan niya ang tray na dala.
Pagkatapos kumain ay niyaya niya muna si Abby na magkape sa office niya. May gusto siyang itanong tungkol sa businees deal nila. Pagkapasok sa loob ay dumeretso na siya sa table niya at umupo sa swivel chair niya. Nang lingonin niya si Abby na nasa may pinto ay napataas ang kialy niya ng makitang hinubad nito ang coat na suot at basta na lang tinapon sa mya sahig.
Naglakad ito papunta sa kanya at umupo sa may kandungan niya. “I really like you, Marco” Sabi nito sa mapangakit na boses. Pinulupot nito ang braso sa may leeg niya. “I can be yours.” Sabi nito na tinangka siyang halikan sa labi pero umiwas siya kaya sa pisngi niya dumampi ang mga labi nito.
Nagulat sila pareho ng marinig ang pagbagsak ng isang bagay sa may sahig. Nang lingunin nila kung saan nanggaling ang ingay ay siyang gulat niya ng makita si Jessica sa may pintuan at nasa may paanan nito ang nabitawang tray. Nakita pa niya ang pagtulo ng luha sa mga mata nito. “So-sorry” Naiiyak na sabi nito at saka mabilis na umalis.
Tinulak niya si Abby paalis sa may lap niya. Tumayo ito at hindi niya nagustuhan ang sunud na sinabi nito “Ano ba naman yang katulong mo. May pagkatanga at naistorbo pa tayo.”
Imbes na sagutin ito ay pinigilan niya ang sarili. “It’s getting late I think you should go.” Sabi niya dito. Nanlaki ang mata nito at tila hindi inaasahan ang sinabi niya. “Hindi mo ba ako iimbitahing dito matulog? I can spend the night with you.” Anito na kinindatan pa siya.
Napapikit siya at kinuyom ang kamao. “No.” Aniya sa seryosong boses at lumakad na siya palabas ng office niya. “Manang!” Sigaw niya ng nasa may sala na siya. Kasunod niya si Abby na nakakunot ang noo. Ilang segundo ang inintay niya bago lumabas ng kusina ang tinawag niya. “Ano yon, iho?” Tanong nito.
“Pakisabihan si Mang Bert na ihatid si Abby sa bahay niya at pakilinis ung kalat sa may office ko.” Aniya dito at bumaling na kay Abby “Good Night, Ms. Reyes.” Sabi niya dito at kita niya sa mukha nito na may gusto itong sabihin pero tumalikod na siya at umakyat papunta sa kuwarto ng asawa.