“I’m sorry Ma, I’m sorry Mama Ai” bulong niya dito pareho. Mahigpit na yakap lang ang naging sagot ng mga ito sa kanya. Bumukas ang pintuan ng emergency room at lumabas ang nurse na nagdala kay Jessica sa loob. “Sino po kasama nung babaeng nabaril?” Tanong nito. Mabilis siyang lumapit dito kasunod ang mga ina nila. “Ako po” aniya. “Sir, buntis po ang asawa ninyo at maraming dugo ang nawala sa kanya.” Sabi nito. Napapikit siya sa narinig. Lalong lumakas ang kabog ng puso niya. “Paki-fill up po ito” at may inaabot na form sa kanya na kinuha ng Mama niya “Tapos pakisubmit po sa registration” anito. “Magka same blood type po kami ng anak ko” sabi ni Mama Ai. “Puwede akong magdonate kung walang makukuha na dugo for her” “Sige po sabihin ko po kay Doc” anito At akmang papasok na sa loob “Nurs

