Gusto nang mamatay ni Marco nang makita niyang duguan ang asawa. “No” sabi niya “No, no, Jessica”. “Oh my, God! Jessica!” Rinig niyang sigaw ni Mama Ai niya at lumuhod ito sa tabi ng anak “Louie!” Sigaw nito sa asawa na natulala na. “Ma-Marco” bulong ng asawa niya at sinubukan pang abutin ang pisngi niya. Inabot niya ang kamay nito at hinalikan “Dadalhin kita sa ospital, okey?” Sabi niya dito “Just hang on, okey?” “Pa!” Tawag niya sa biyenan “Yung sasakyan, please. We need to bring her to the hospital” sabi niya dito. Tila natauhan naman ito at nagmamadali na tumakbo. Nakita niyang kasunod nito si Mang Jose na tumatakbo na rin. Si Leila ay tila natulala nang makitang si Jessica ang nabaril at hindi siya. “Love, please don’t close your eyes. Please, please.” Hinalikan niya ulit ito sa

