Chapter 9

1048 Words
“Ano ho nangyayari, Manang?” Naguguluhan na tanong niya. Inabot nito ang tuwalya niya at umahon na rin siya mula sa bathtub “Hindi ko rin alam Jess” naiiling na sabi nito at iniwan na siya. Naguguluhan man pero tinapos na niya ang pagligo. Paglabas ng banyo ay dumeretso siya sa kama at naupo doon. Hindi niya mapigilan ang kirot sa dibdib niya ng maalala ang pagbigkas ni Marco sa pangalan ni Mira kanina. Naiiyak pa rin siya. Alam niya na wala siyang karapatan para magreklamo dahil kasalanan niya talaga ang lahat pero ginawa niya lang naman ang sa tingin niya na tama. Nagmahal lang siya pero hindi niya naisip na ganito kasakit ang magiging balik sa kanya. “Mahal na mahal kita, Marco rinig niyang sabi ni Mira kay Marco at yumakap dito. Nakita pa niya ang pagkagulat sa mukha ni Marco pero ngumiti ito at yumakap pabalik kay Mira. “Mahal din kita” tugon ng kanyang lalaking pinakamamahal sa kaniyang kaibigan na siyang dumurog sa puso niya. Umalis siya mula sa kinatatayuan ng hindi niya kayanin ang sakit at mabilis na nagpunta sa kuwartong inuupahan nila ni Mira sa resort. Dumeretso siya sa banyo at doon ay nagpatuloy ang pagtulo ng luha niya na nauwi sa pagiyak niya ng tuluyan dahil sa sakit na naramdaman. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa banyo pero ng mahimasmasan mula sa pagiyak ay napansin niya na medyo madilim na sa labas. Tumayo siya at hinilamusan ang sarili. Pagtingin niya sa salamin ay nakita niyang mugtong mugto ang mga mata niya. Inayos niya ang sarili at lumabas na ng banyo. Paglabas niya ay naabutan niya si Marco at Mira na naghahalikan sa sofa. Napahinto siya at napasinghap na siyang dahilan para huminto ang dalawa at lumingon sa kanya. “Je-Jessica” tawag ni Mira sa kanya na tumayo para lumapit sa kanya. Si Marco ay yumuko at tila nahihiya dahil sa naabutan niyang ginagawa ng dalawa. “So-sorry” sabi niya at nagmamadali na naglakad papunta sa pinto. Lalagpasan niya sana si Mira pero hinawakan nito ang braso niya. “Pasensya ka na” nahihiyang sabi nito “Akala ko asa labas ka pa” “O-okey lang” sabi niya at ngumiti dito sa kabila nang katotohanan na nasasaktan siya. “Labas muna ko” sabi niya “Teka” awat nito sa kanya na hinila siya papunta sa may sofa. Iniupo siya nito sa may katapat na sofa at umupo sa tabi ni Marco. “May sasabihin kami sa iyo” anito na masayang masaya “Kami na ni Marco” anito na hindi maalis ang ngiti sa mga labi. Lumingon ito kay Marco at humilig sa balikat nito. Inakbayan naman ito Marco at hinapit palapit dito. Nagsalubong ang tingin nila ni Marco ng lumingon ito sa kanya. Pilit na ngiti ang binigay niya dito sa kabila ng mga luhang nagbabadya ng pumatak galing sa mga mata niya at napansin niya ang pagkunot ng noo nito “Anong-?” “Co-congrats” putol niya sa sasabihin nito , alam niyang napansin nito ang namumugto niyang mata. “Masaya ko para sa inyo” aniya “Labas muna ko para makapagsolo kayo” tumayo na siya at nagmadaling lumakad palabas. Binalewala niya ang pagtawag ni Marco sa kanya rinig pa niya ang pagpigil ni Mira dito na sundan siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, naglakad lang siya habang patuloy na natulo ang luha. Masakit na masakit ang kalooban niya. Alam ni Mira na may gusto siya kay Marco pero hindi niya naisip na magagawa nito na agawin ito sa kanya. Agawin? Paano niya inagaw si Marco, hindi naman siya sa iyo. Panunuya niya sa sarili. Hindi siya sa iyo Jessica at kahit kailan ay hindi magiging sa iyo. Si Mira ang mahal niya at hindi ikaw. Kaya tigilan mo na ang pagpapantasya na magiging kayo ni Marco. Nagpunta silang tatlo dito sa resort para magpahinga bago magumpisa ang final exams, ang inakalang masayang bakasyon ay siya palang magiging dahilan para tuluyan ng mawala sa kanya si Marco. Alam niya na wala siyang dapat ikagalit kay Mira at Marco dahil tama naman talaga na hindi ito sa kanya. Nagkagusto man siya dito ay wala naman itong gusto sa kanya, si Mira ang gusto nito kaya nga at naging sila na. Nailing na lamang siya at pilit na kinalma ang sarili. Lumingon siya sa may dagat at inisip kung ano ang dapat niya gawin. Bumuntong hininga siya at nakapagdesisyon na dapat ay maging masaya siya para sa dalawa. Kaibigan niya itong pareho hindi siya dapat magalit at magtampo sa dalawa. Nagmamahalan sila at labas na siya doon. Tinanaw niya ulit ang dagat at ngumiti sa desisyon na nagawa niya. Pagkatapos nang bakasyon nilang tatlo ay nagumpisa na siya dumistansya sa dalawa para mabigyan ang puso niyang maghilom. Nung umpisa ay inaaya pa siya ni Marco kaso nakita niya ang pagbabago ng ugali ni Mira. Tahasang pinaparamdam nito na ayaw na siyang kasama kaya lalo niyang iniwasan ang dalawa at hindi na rin naman siya na nageffort maigi dahil parang nakalimutan na rin siya ng dalawa. Animo nagkaroon ng sariling mundo ang mga ito at hindi siya kasama doon. Lagi itong magkasama at hindi mapaghiwalay. Nalaman din niya na sa condo na ni Marco nagstay madalas si Mira. Parang naglive in na ang dalawa pero pinagkibit balikat na lang niya iyon at nagpatuloy sa buhay. Natapos ang semester na hindi na sila ulit nakapagusap nila Mira at Marco. Naiwanan na siya talaga ng dalawa pero hindi na niya inintindi iyon nagpatuloy siya sa buhay at sinubukang kalimutan ang nararamdaman kay Marco. Nang sumunod na semester ay hindi na rin siya sumabay ng pageenroll sa dalawa na kagaya ng nakagawian nilang tatlo. Hindi din naman siya na inaya ng mga ito. Parang hindi sila naging magkaibigan o magkakilala man lang. Nagenroll siyang magisa at nagdasal na sana ay wala subject na maging kaklase niya ang dalawa. Ang magandang idinulot ng pagkahiwalay niya kay Marco at Mira ay Nakakilala siya ng mga bagong kaibigan, si Kate at Lora na naging bagong bestfriends niya. Patuloy lang ang buhay pero dahil sa isang pangyayari na hindi niya napigilan ang naging dahilan ng mga paghihirap na naramdaman niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD