Chapter 10

1103 Words
Katok sa pinto ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Tumayo siya at binuksan ang pinto, si Manang ang nakita niyang nasa labas. “Tulog siya, Iho. Kaya hindi niya nasagot ang ang tawag mo”anito sa kausap at sumenyas na huwag siyang gumawa ng ingay “Gisingin ko ba?” Anito sa kausap sa telepono “O sige mayamaya ay gisingin ko at sabihin ang bilin mo” anito na ibinaba na ang telepono “Kanina ka pa daw tinatawagan ng asawa mo pero hindi ka nasagot. Huwag ka na daw magluto at doon kayo kila Senora Angela magdidinner” ani ni Manang “Ala sais ka daw susunduin ni Bert para ihatid sa mansiyon dun na daw kayo magkita” tumango siya at isasara na sana ang pinto ng muling magsalita ito “Hindi ka pa ba kakain? Ala Una na. Hindi ka na rin nag almusal kanina” sabi nito na may halong pag aalala. “Sige po, Manang. Makihain na lang po at susunod na ako” aniya na at tinuluyan nang sinara ang pinto. Lumakad siya sa may vanity table para tignan ang cellphone at meron ngang 5 missed call ang asawa. Napabuntung hininga na lang siya at naglakad sa walk in closet para magbihis at tumingin ng isusuot mamaya. Mabilis lumipas ang oras matapos niya mananghalian ay magpahinga siya sandali at nag umpisa ng magready para sa pagsundo ni Mang Bert sa kanya. Quarter to Six ay pababa na siya at nagdesisyon na sa sala na niya hihintayin si Mang Bert. Naupo siya sa may sala at inabala ang sarili sa pag browse sa cellphone. Hindi niya namalayan ang oras at nagulat siya ng tingnan niya ang orasan na pasado ala-sais na pala. Tumayo siya at sumilip sa bintana para makita kung anduon na si Mang Bert pero imposible na dumating ito na hindi nagsabi. Pagsilip niya ay wala namang sasakyan na nagaantay. Lumabas siya at tumingin sa may gate pero wala talaga ang sasakyan. Bumalik siya sa loob at chineck ang cellphone kung may text ba si Marco o si Mang Bert pero wala. Sinubukan niyang tawagan si Mang Bert kaso patay ang cellphone nito. Nagdadalawang isip man ay tinawagan niya si Marco pero hindi ito nasagot. Naglakad siya papunta sa kusina naabutan pa niya sila Manang Agnes na naghahapunan. “Manang” tawag niya dito. Tumayo ito at akmang lalakad papunta sa kanya pero sinenyasan niya na huwag na at lumakad siya palapit sa mesa “Tumawag ba si Mang Bert?” “Hindi, Iha” anito “Hindi pa ba siya nadating?” “Hindi po, Manang” aniya “Sinubukan kong tawagan kaso patay ang phone. Si Marco ay hindi naman nasagot” “Baka naman natrapik lang” “Mag taxi na lang ako, Manang” “Nako, Iha” pagaalangan nito “Baka magalit ang asawa mo” “Mas magagalit po iyon pag nalate ako sa dinner” aniya “Sandali lang naman ang biyahe papunta kila Mama Angela. Magtaxi na lang ako. Sino po ba pwede utusan?” Tanong niya “Teka at uutusan ko si Roger” tumayo ito at naglakad naman siya pabalik sa sala para magintay. Maya maya ay dumating na ang taxi at umalis na siya. May pag aalala man pero pinagisangtabi na lang niya. Nakarating siya sa bahay ng mga biyenan at nagdoorbell. Tila nagulat ang guard ng pagbuksan siya “Magandang Gabi po, Mam Jessica” bati nito at pinapasok na siya. Ngumiti lang siya at tumuloy na sa loob. Deretso siya sa dining area. Nagulat ang mag asawa ng makita siya. “Iha” bati ni Mama Angela at tumayo para lumapit sa kanya “Akala ko hindi kayo makakarating ni Marco” sabay lingon sa likuran niya na mas lalong nagtaka ng makitang magisa siya. “Pasensya na, Mama” aniya at humalik sa pisngi nito “Pero nadesisyon ako na tumuloy kahit magisa” yumuko siya at lalo napuno ng pangamba ang puso niya. “Halika at kumain na tayo” hila nito sa kanya at dinala siya sa isang upuan “Manang, pakiset po ng pingan” anito sa Mayordoma. “Good evening, Pa” bati niya kay Papa Carlo “Good evening, Iha” bati nito “Tumawag si Marco at nagsabi na hindi na kayo tutuloy at may biglaan daw na meeting” “O-oo nga po, Papa. Pero nakabihis na rin po ako at nagdesisyon na tumuloy na lang. Matagal tagal ko na rin po kayong hindi nabibisita” aniya at kumuha ng pagkain. “Buti naman at binisita mo kame” ani Mama Angela na nakangiti “Kain na tayo” ani Papa Carlo. Naging masaya ang hapunan nila. Matapos kumain ay tinulungan niya si Mama Angela na magbake ng brownies. Hindi niya namalayan ang oras na inabot na siya ng gabi. Sinabihan siya ng magasawa na duon na matulog lalo na at malalim na ang gabi. Pumayag siya at nagsabi na tatawagan ang asawa pero hindi niya nakita ang cellphone. Napatapik siya sa noo ng maalalang naipatong niya pala ito sa lamesa sa may sala. Bumalik siya sa sala at andun pa ang magasawa nagaantay sa kanya. “Papa” tawag niya sa biyenan “puwede po ba na pakitawagan si Marco para sabihin na dito ako matutulog. Naiwan ko po ung cellphone ko sa bahay” “Oo, naman iha. Sa library na ko tatawag” tumayo na ito at umalis na. Umakyat naman na sila ni Mama Angela para magpunta sa kani-kanilang kuwarto. Alas-Dose na ng matapos ang urgent meeting niya. May naging problema sa isang branch sa London kaya kinancel niya ang dinner dapat sa bahay ng mga magulang niya. Pagdating niya ng bahay ay tahimik na tahimik na. “Sh@t!” Napamura siya ng maalala na hindi pala niya nasabihan si Jeesica na hindi sila tuloy. Si Mang Bert ay inutusan niyang mamili ng pagkain para sa meeting at sinabi na siya na ang magsasabi kay Jessica pero nakalimutan niya. Nakita niyang tumatawag ito pero hindi niya sinagot dahil nasa meeting na siya. Nailing na lang siya at tumuloy sa pagpasok. Dumeretso na siya sa taas at akmang papasok na sa kuwarto niya ng mapalingon siya sa kuwarto ni Jessica. Imbes na dumeretso sa sariling silid ay lumakad siya papunta sa kuwarto nito. Kumatok siya at binuksan ang pinto. Laking gulat niya ng makita niyang bakante ang kama, tumuloy siya ng pasok at nilingon ang banyo pero patay ang ilaw pati na rin sa walk in closet. Bigla siyang nakaramdam ng takot at nagmamadaling tumakbo pababa habang tinatawag si Manang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD