Chapter 11

1073 Words
“Manang, manang!” sigaw niya. Wala siya pakialam kung magising man ang lahat ng tao sa bahay. Nawawala ang asawa niya. Asawa? Tutya niya sa sarili. Kailan mo pa siya naging asawa? Nanakbo siya pababa at dumeretso sa maids quarter. Nasalubong niya si Manang Agnes na pupungas pungas pa kasunod nito si Mang Roger na nagmamadaling pumasok sa may pinto ng kusina pati si Mang Bert kasunod ang mga ibang kasambahay. “Anung nangyayari, Iho?” Naguguluhang tanong nito “Asan ang asawa ko?” tanong niya dito “Wala siya sa kuwarto niya. Umalis ba siya?” Galit na tanong niya at tinignan isa isa ang mga tao sa harapan niya “Iho, Akila Senora si Jessica.” Mahinahon na sabi nito “Nang hindi dumating si Bert ay nag decide siya na tumuloy at baka daw natraffic lang ang sundo niya” “Umalis siya magisa?” Hindi makapaniwala na sabi niya dito “Hindi ba at kabilin bilinan ko sa inyo na hindi siya pwede lumabas ng hindi ako kasama?” Nagtatagis ang bagang na sabi niya dito. “Iho, nagpumilit siya. Dahil baka nagaantay na daw sila Senora Ange..” “Kahit na” sigaw niya dito. Napahilamos siya sa mukha. “So nasa bahay pa siya nila Mama ng ganitong oras?” Tanong niya. Hindi nakasagot si Manang at napatingin na lang sa kanya “Huwag ninyong sabihin na hindi ninyo alam kung nasaan ang asawa ko ngayon” nagtitimpi na sabi niya “Iho” nagaalangan na sabi nito “Hindi naman naginform si Jessica kung nasan na siya. Akala ko magkasama kayo” natatakot na sabi nito “Magkasama?” Natatawa na sabi niya “Hahanapin ko ba ang asawa ko kung magkasama kami” galit na sabi niya dito “F@ck!” aniya at tinawagan ang cellphone ni Jess habang naglalakad palabas. Nagring din ang phone sabay ng pagilaw at pagtunog ng isang bagay na nakapatong sa may center table. Lalo siyang nagalit ng marinig niya ang pagsinghap ni Manang Agnes sa may likuran niya. “Mang Bert ” tawag niya dito na pilit kinakalma ang sarili, lumapit ito sa kanya “Ano po yon, Sir?”tanong nito. “Pakihanda ho ang sasakyan” tumango ito at lumabas na “Manang Agnes, makitawag po kayo sa mansiyon. Pakisabi po na papunta na ko para sunduin siya” pagkatapos ay nagmadali na siyang lumabas. Sumakay siya sa nakahandang sasakyan at bumiyahe na sila. Nagaalala siya ayaw man niyang aminin sa sarili niya pero dapat nagtext siya rito na hindi na sila tuloy sa dinner. Pero dahil sa pagkabusy niya hindi na siya nagabala pa. Takot na takot siya ng hindi niya datnan si Jessica sa kuwarto nito. Nilamon siya ng matinding takot nang maisip na baka iniwanan na siya ng asawa, na baka hindi na nakatiis ito sa mga pinapakita niya dito. Lalo na at nahuli sila nito ni Abby sa isang hindi magandang posisyon sa library. Wala naman siyang intensiyon may mangyari sa kanila pero sadyang mapangahas ang babae at ilang beses na rin siyang sinubukan na akitin nito pero walang dating ang babae sa kanya. Alam niya na pag nangbabae siya ay mas masakit ang mararamdaman ni Jessica pero hindi niya naisip na saktan ang asawa sa ganong paraan. “Sir, andito na po tayo” pukaw ni Mang Bert sa kanya. Bumaba siya at nakita niyang nakabukas na ang pinto at nandoon si Manang Bea na nakatayo. Tumango lang siya dito at diretso ng pumasok sa loob. Nakita niya ang Ina na nagmamadaling bumababa ng hagdan. Bakas sa mukha nito ang pagaalala. “Marco” tawag nito sa kanya at lumapit sa kanya ng tuluyan nang makababa ito “ano ba ang nangyayari?” Tanong nito “Andito po ba ang asawa ko?” Tanong niya na tumingin sa may hagdan “Oo, anak” anito na inakay siya papunta sa may sofa. Giniya siya nito paupo “Nagulat kame ng dumating siya at sabi nga niya na nagdesisyon siyang tumuloy kahit hindi ka kasama. Gabi na rin kaya nagdesisyon kami nang Papa mo na dito na siya matulog”’paliwanag nito. “Naiwan niya ang cellphone niya sa bahay niyo kaya ang Papa mo na ang tumawag sa iyo para ipaalam na andito siya at dito na magpapalipas ng gabi. Kaso hindi ka nasagot ng phone kaya si Frank ang tinawagan at sinabi na iinform ka.” Nakahinga siya ng maluwag ng marinig ang paliwanag ng ina. Kumalma ang puso niya na puno ng takot at pangamba. Pumikit siya at sumandal sa may sofa. Hindi na sila nagkita ni Frank after ng meeting dahil nagmadali na rin siyang umuwi. Naramdaman niya ang paghawak nang Ina sa braso niya. “Iho, may problema ba?” Nagaalalang tanong nito. “Wala po, Ma” aniya. Yumakap siya dito at naramdaman niya ang yakap nito kasabay ng marahang pagtapik sa likuran niya. “Anuman ang bumabagabag sa iyo, magiging maayos din ang lahat” bulong nito sa kanya. Tumango siya at humalik sa pisngi nito. Bumitaw siya sa yakap nito at tumayo na “Iuuwi ko na po ang asawa ko” hindi na niya inantay na sumagot ito at naglakad na siya paakyat papunta sa kuwarto niya. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at nakita niya sa may kama ang natutulog na si Jessica. Lumapit siya sa kama at lumuhod habang nakatingin sa mukha nito. Hinaplos niya ang pisngi nito at hinalikan sa noo “You scare the hell out of me” bulong niya. Tinangal niya ang kumot na nakatabing dito at nakita niya na nakasuot ito ng pajama. Hinubad niya ang coat at tinakip sa asawa. Binuhat niya ito ng may pagiingat at nagderetso na siya pababa. Naabutan pa niya ang Mama niya na nakatayo sa may pintuan. “Night, Ma” aniya at dumeretso na sa may sasakyan. Pinagbuksan siya ng pinto ng backseat ni Mang Bert at dahan dahan niyang nilapag si Jess sa upuan. Sinara niya ang pinto at umikot sa kabila para pumasok. Inayos niya ang pagkakahiga nito at inilagay niya ang ulo nito sa may hita niya. “Tayo na po, Mang Bert” aniya at binalik ang tingin kay Jessica. Tulog na tulog ito at hindi man lang nagising. Hinaplos niya ang pisngi nito, umaasa na sa pamamagitan niyon ay maramdaman niya na talagang kasama niya ang asawa at hindi ito mawawala sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD