Chapter 12

1103 Words
Naalimpungatan si Jessica nang maramdaman niya na may nakadagan sa bewang niya, nagmulat siya ng mata at nakita niya na asa kuwarto siya ni Marco. Nilingon niya ito at nakitang tulog na tulog pa. Paano siya nakarating dito samantalang sa bahay siya nila Mama Angela natulog. Naguguluhan siyang napaisip sa mga nangyari kagabi. Imposible naman na sinundo siya nito. Napailing na lang siya at nagpasyang bumangon na. Dahan dahan niyang inalis ang braso nito at tumayo na. “Saan ka pupunta?” salita na nagpatigil sa pagbukas niya ng pinto. Nilingon niya si Marco at nagulat siya ng makitang gising na ito.Tumayo ito at lumakad papunta sa kanya. “Sabi ko saan ka pupunta?” Anito sa may likuran niya. Yumakap ang braso nito sa bewang niya at isiniksik ang mukha sa leeg niya. Ramdam pa niya ang banayad na paghalik nito sa leeg niya. Napapikit siya at napakagat sa labi. “Ma-magluluto ako ng breakfast” sagot niya dito. “Masyado pang maaga para magluto ka” Sabi nito na nakasubsub pa rin sa leeg niya “Tulog pa tayo” anito at giniya siya sa may kama ng hindi inaalis ang pagkakayakap sa bewang niya. “Ahmmm” pilit niyang nilalabanan ang kilig na nararamdaman sa ginagawa nito. Nakarating sila sa kama at inikot siya nito paharap. “Ma-marco. Magluto na ko ng breakfast saka iprepare ko pa ang lunch mo” aniya dito “Mamaya na. Inaantok pa ko” at isinama na siya nito sa paghiga sa kama. Wala na siya nagawa lalo na ng yumakap ito at isiniksik ang mukha sa leeg niya. Napabuntung hininga na lang siya at pumikit na din. Sinubukan niyang matulog pero hindi niya magawa. Nagtataka talaga siya sa kinikilos ni Marco. Naguguluhan siya, tangap na kaya siya nito? mahal na siya nito? Ayan ka na naman kontra ng isip niya. Dahil lamang sa mga munting ginagawa niya aasa ka na magiging maayos ang lahat at mahal ka niya. Huwag kang mangarap ng gising. Alam na alam mong galit siya sa iyo at kinamumuhian ka. Panenermon niya sa sarili. Tama, dapat hindi ako umasa. Dapat tanggapin ko nang hindi ako mamahalin ni Marco kahit kailan. Iisang babae lang ang mahal nito at malabong malabong mahalin siya nito. Nakatulugan na niya ang pagiisip at nagising siyang magisa na lang sa kama. Napabalikwas siya at nagmamadaling pumunta sa kuwarto niya para makapag ayos bago bumaba. Hindi na siya nagtagal sa banyo at nagmadali ng bumaba lalo na ng makita niya sa orasan na mag aalas onse na pala. Pagpasok niya sa kusina ay naabutan niya si Manang na naghahanda sa pagluto “Manang” tawag niya dito “Gising ka na pala, Jessica.” “Si Marco po?” “Pumasok na” “Hindi po ba kumain?” Nagaalangang tanong niya “Hindi na pero maaga daw siya uuwi at nagbilin na magluto ako ng tanghalian mo” anito “Gusto daw niya hapunan ay kare-kare” “Ganon po ba. Kumpleto po ba tayo ng ingredients para sa kare-kare?” Tanong niya “Nagpabili na ko” anito “Lutuin ko lang itong tanghalian mo” “Sige po, akyat muna ko” aniya at naglakad na papunta sa kuwarto niya. Napaupo siya sa kama at napaisip. Ano kaya ang dahilan ni Marco at biglang nagiba ang trato nito sa kanya. Hindi kaya naguilty dahil nahuli niya na may ginagawang milagro. Puwede rin dahil baka natakot na magsumbong ako sa Mama Angela. Pero imposible naman niyang gawin iyon sa loob ng tatlong taong pagsasama nila ni minsan hindi naman siya nagsabi sa mga magulang nila ng mga naging pagtrato nito sa kanya. Pinili na lang niyang sarilinin ang mga sakit at hirap na pinagdadaanan sa kamay nito. Napabungtung hininga na lang siya at tumayo na para kumain at makapaghanda ng lulutuin. Mabilis na lumipas ang oras. Natapos niya ang pagluluto at inintay ang pagdating ni Marco. Maya-maya ay narinig na niya ang pagdating ng sasakyan nito at nagmamadali siyang pumunta sa may pinto para salubungin ito. Inihanda niya ang ngiti pero nawala ang sayang nararamdaman ng makita niya ang kasama nito. Masaya itong nakikipagtawanan sa babaeng nakakapit sa may braso nito. Namanhid ang buong katawan niya at bumilis ang t***k ng puso niya. “Oh, Jessica” bati ni Leila na nakangiti. Pero alam na alam niya na puro kaplastikan ang ngiting iyon. Nilingon siya ni Marco “Jess, nakahain na ba?” Tumango siya at nauna nang naglakad papunta sa dining area. “Saan ka pupunta?” Sabi ni Marco na nagpahinto sa kanya. Nilingon niya ito at tinignan na nakakunot ang noo “Ahmmm, sa dining area tignan ko lang kung okey na ang lamesa” aniya Tumikhim muna ito at tinitigan siya nakita niya ang pagdaan ng pagkainis sa mga mata nito “Wala ka bang nakalimutan?” Iritableng tanong nito sa kanya na inalis ang pagkakapit ni Leila dito at humarap sa kanya na nakapamewang. “Ha?” Naguguluhang sagot niya “Nakalimutan?” Tanong niya dito “Jessica!” Sigaw ni Marco nagulat siya at napatingin kay Leila na may nakakalokong ngiti na nakatinging sa kanya. “Ma-Marco?” Nauutal na sabi niya dito “Pa-pasensya na. Ano ba yun nakalimutan ko?” Natatakot na sagot niya lalo na ng makita niyang nagtiim bagang ito at galit ng nakatingin sa kanya. “What is wrong with you?” Galit na sabi nito at naglakad papunta sa kinatatayuan niya. Napayuko siya at nagumpisang makaramdam ng takot. Huminto ito sa harapan niya. “Look at me” utos nito at wala siyang magawa kundi tumingin dito. “May sakit ka ba?” at hinawakan ang noo niya. Umiling siya at napatingin sa balikat nito. Napasinghap siya ng maalala niya kung ano ang nakalimutan niya. Nakalimutan niyang hubarin ang coat nito. Nagmadali siya na hinubad ang coat nito na araw araw niyang ginagawa pagdating nito. “So-sorry” hingi niya ng paumanhin. “Yung necktie?” Tanong niya tumango ito at inalis na rin niya. Tumingkayad siya para maabot ang sa may batok nito at napalingon siya kay Leila na asa may likuran na matalim ang tingin sa kanya. Hindi na niya ito pinansin at tinapos ang ginagawa. Nang matapos ay umatras na siya at tiniklop ng maayos ang coat at necktie nito. “Itsek ko kung ok na yung table” sabi niya dito at nagmadali ng pumunta sa dining area. Pagliko niya ay napahawak siya sa may dibdib at huminga ng malalim. Leila is back, bestfriend din ni Marco na ayaw kay Mira at lalong lalo na ayaw sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD