Chapter 13

998 Words
Nagbalik na si Leila at sigurado siya na hindi magiging tahimik ang buhay nila sa pagdating nito. Isa ito sa mga tumutol sa relasyon ni Marco at Mira. Pilit nilitong kinukumbinsi si Marco na hindi si Mira ang babae para dito at hindi bagay ang dalawa, na noong una ay kinatuwa niya dahil sa gusto nga rin niya si Marco. Pero wala rin nagawa ang pagtutol ni Leila dahil nanaig pa rin ang pagmamahal ni Marco kay Mira. Hindi man niya nakita ng personal pero nakarating sa kanya ang balita na pinaglaban ni Marco ang nobya sa lahat ng umaayaw dito, pinaglaban nito ang pagmamahalan nila ni Mira. “Masarap ang pagkakaluto nitong kare-kare, Marco” sabi ni Leila na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Nakaupo silang tatlo sa lamesa, laking gulat niya nang sabihin ni Marco na sumabay siya sa pagkain nila at hindi kagaya ng dati na nasa may likuran lang siya nito. Siguro nahihiya ito kay Leila at ayaw ipakita ang totoong trato nito sa kanya. “Yup, si Jess ang nagluto niyan” sagot naman nito “Talaga?” Tumingin ito sa kanya na nakataas ang kilay “Hindi ko alam na marunong ka palang magluto. Ang alam ko kase ang alam mong gawin is mang-agaw” nanguuyam na sabi nito na naging dahilan ng pagyuko niya “Leila” saway ni Marco “Bakit totoo naman di ba?” Tumingin ito kay Marco na nakataas ang kilay. “Kung hindi ka niya inagaw kay Mira for sure kasal na kayo at may masayang pamilya.” Nilingon siya nito “Pero dahil sa pagiging mang aagaw nitong babaeng ito napilitan kang pakasalan siya at si Mira naman ay namatay” galit na sabi nito “Tama na yan, Leila” galit na sabi ni Marco “Nasa harap tayo ng pagkain” “Marco, mauna na ako sa inyo” sabi niya at nagtangkang tumayo “Tapusin mo pagkain mo” anito “Tapos na ako” aniya at tatayo na ng biglang lagyan ni Marco ng pagkain ang plato niya “Sit down and finish your food” anito na nakatingin sa kanya at alam niya ang ibig sabihin ng tinging iyon. Wala siya magawa kundi umupo ulit at kainin ang nilagay nito sa plato niya. “Masakit bang marinig ang katotohanan, Jessica?” Nanguuyam na sabi ni Leila “That’s enough, Leila” galit na sabi ni Marco dito. “Alam ko kung anong ginawa ng asawa ko kaya hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa” madiin na sabi nito “Nasa loob ka ng pamamahay namin kaya matuto kang respetohin si Jessica” “Marco?” Hindi makapaniwalang sabi ni Leila sa narinig buhat dito. Nakipaglaban ito ng titigan pero sumuko din sa huli “Fine, I will do it for you” pagsukong sabi nito. Nagpatuloy sila sa pagkain at ng matapos ay tumayo na si Marco at inaya si Leila sa may garden. Naiwan siya sa may lamesa at ng makaalis ang dalawa ay hinayaan niyang tumulo ang luha na kanina pa niya pinipigilan. Hindi din maintindihan ni Marco ang sarili niya. Hindi niya mapigilan na sawayin si Leila ng pagsalitaan nito si Jessica lalo na ng makita niya yumuko ito at mukhang iiyak na. Kumirot ang puso niya sa kaalamang nasasaktan ito at napahiya. “Marco” tawag ni Leila na nakaupo sa may tabi niya “Pasensya na at hindi ko napigilan ang sarili ko kanina” “It’s okey, kalimutan na natin iyon” aniya “Pero totoo naman ang lahat ng sinabi ko. If not for her iba dapat ang buhay mo. Masaya ka dapat sa piling ni Mira. Alam ko na tinutulan ko din ang relasyon ninyo noon pero in the end tinanggap ko rin dahil nakita ko kung gaano ninyo kamahal ang isa’t-isa. Kaya nasasaktan ako na makita kang asa ganitong sitwasyon.” “Nakikisama sa babaeng hindi mo mahal. Bakit hindi mo na lang siya hiwalayan keysa sa magtiis ka sa piling niya. Pede mo namang ipa-annull ang kasal niyo for sure maiintindihan ka nila Tita” anito na hinawakan pa siya sa balikat nilingon niya ito at nakita niyang naiiyak ito. “Andito ako para sa iyo, simulat sapul alam mo namang Mahal kita, Marco” madamdaming sabi nito at niyakap siya. “Leila” sabi niya pero hindi din niya alam ang sasabihin. Matagal na niyang alam na may gusto ito sa kanya pero sinabi na rin niya dito bilang kapatid lang ang tingin niya dito lalo na at mahal niya si Mira. Niyakap niya to pabalik at bumuntong hininga “We already talked about this. Si Mira pa rin ang mahal ko at nagiisang mamahalin” kumalas siya sa pagkakayakap nito at umayos ng upo. “Kung ano mang meron sa pagitan namin ni Jessica hindi ko pa alam kung anong gagawin ko pero sana huwag mo naman siyang awayin at pabayaan mo na lang siya.” aniya “Asawa ko pa rin siya at habang iniisip ko pa ang gagawin sa aming dalawa sana respetohin mo naman siya kahit alang-alang man lang sa akin” “Kung yan ang gusto mo, sige” anito “I’m going” humalik ito sa pisngi niya at umalis na. Naiwan siyang magisa at tumingala sa langit. “Mira” malungkot na sabi niya habang pinapanuod ang mga bituin. Pinikit niya ang mata at inalala ang mukha ni Mira nung nabubuhay pa ito pero ibang mukha ang nakikita niya. Mukha ng asawa ang nakita niya. Ang mukha nitong masaya pag hinahatid siya papasok at pag nakauwi na siya, nakangiting mga labi nito habang nakaway sa pag alis niya at habang tinutulungan siya na hubarin ang coat at necktie matapos ng nakakapagod na maghapon sa trabaho. Ano nga ba nangyayari sa akin? Lately nagiiba ang pakiramdam niya. Hindi puwede na mawala ang galit niya kay Jessica ito ang may kasalanan kung bakit namatay si Mira. Hindi niya ito mapapatawad sa nagawa nitong kasalanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD