Nagising siya na masakit ang ulo. Naparami ata ang inom niya sa may party kagabi. Akma siyang tatayo nang mapansin na may katabi siya sa kama. Nilingon niya ang katabi at nakahinga siya ng maluwag ng makitang si Jess ang nasa tabi niya.
Pero nawala ang ngiti niya ng maalala ang pagaaway nila ni Mira dahil sa pagseselos nito kay Jessica. Pilit niyang pinaliwanagan ito na wala naman dapat ikaselos pero simula ng maging sila ay walang araw na hindi nila pinagawayan ang pagseselos nito lalo na kay Jessica.
Magkakaibigan silang tatlo, siya, si Mira at Jessica. Una silang naging magkaibigan ni Jess dahil magkababata sila, sabay silang lumaki dahil magkaibigan ang mga magulang nila. Naging best friend niya ito kagaya ni Leila na nakilala niya ng mag high school sila.
Samantalang si Mira ay nakilala nila sa unibersidad na pinasukan nila ng magkolehiyo sila. Madali nila itong nakapalagayan ng loob. May crush siya dito at hindi din naman lihim sa kanya na may gusto din ito sa kanya kaya nga nang mauna na itong magtapat sa kanya ay naging sila.
Akala niya ay magiging maayos ang lahat, masaya siyang kasama ito at ramdam naman niyang mahal siya nito pero hindi siya ganon kasigurado sa nararamdaman niya, ang tanging alam niya ay gusto niya ito at masaya siya kada magkasama sila.
Maasikaso at malambing naman si Mira. Pero parang may hinahanap siya dito na hindi pa niya nakikita. Naalala na naman niya ang galit nito kagabi ng sabihin niya na pupunta siya sa anniversary ng mga magulang ni Jessica at hindi niya ito pedeng isama dahil ayaw ng Mama niya dito.
Isa pa iyon sa pinagaawayan nila hindi tanggap ng Ina niya si Mira ng ipakilala niya ang girlfriend pagkatapos ng 3 buwan nilang relasyon tumutol ang ina pero pinaglaban niya dahil wala naman siyang nakikitang masama doon. Naguumpisa pa lang sila at gusto niya na magkabasbas ng magulang ang relasyon nila kung sakali man na humantong sila sa seryosong relasyon talaga.
Napabalik siya sa kasalukuyan ng gumalaw si Jessica sa tabi niya napangiti siya pero nawala ang ngiti niya ng bumaba ang kumot na nakatabing dito at nakita niya na nakahubad ito. Napatayo siya bigla nang marealise niya na wala rin siyang saplot sa katawan. “F@ck!” mura niya. Napasabunot siya sa buhok ng makita niyang may bahid ng dugo ang bedsheet. Biglang bumalik sa alaala niya ang nangyari kagabi
Tahimik siyang nakaupo sa may bar at umiinom magisa. Nasa kalagitnaan na ang party at hindi pa niya nakakausap man lang si Jessica. Nakita niya ito kanina na iniescortan ng isang lalaki at aminin man niya o hindi ay uminit ang ulo niya.
Akala pa man din niya ay makakausap niya ang kaibigan pero mukhang malabo at abala rin ito sa pagestima ng mga bisita. Nahagip nang mata niya si Jessica na palapit sa lamesa kung saan nakaupo ang mga magulang nila, binati nito ang mga magulang niya.
Ang ganda nito sa suot na itim na gown at hindi niya maiwasan na makaramdam ng lungkot ng marealize niya na miss na miss na niya ang dalaga. Gusto niya itong lapitan pero naduduwag siya. Alam naman niya kasi na may kasalanan siya. Oo, Marco kasalanan mo kung bakit lumayo si Jessica.
Inalis niya ang tingin sa kaibigan at nagpatuloy na lang sa paginom. Bukas kailangan na naman niyang harapin si Mira at ang galit nito. Inangat niya ang baso para uminum muli ng biglang may humablot nito, handa na sana siyang manapak ng malingunan niya si Jessica sa may tabi niya at nakahawak sa baso nang alak na hawak niya kanina. “Jessica” tanging nasabi niya.
“Oo ako nga.” Sabi nito sabay ngiti. “Oyy, tama na iyan” awat ni Jessica ng kuhain niya ulit ang baso ng alak sa “Lasing ka na” habang inaabot ang baso na hawak niya
“Make me” hamon niya dito at pinakatitigan ito. Matagal na silang hindi nagkakausap ni Jessica kung hindi siya nagkakamali ng kalkula ay mahigit isang taon na rin. Nagumpisa iyon ng maging sila ni Mira naramdaman niya ang pagiwas nito sa kanila na siyang naging dahilan ng pagkaputol ng pagkakaibigan nilang tatlo.
Alam niya na may kasalanan din siya dito nawalan na siya ng oras dito ng magkarelasyon sila ni Mira at nabuhos na ang lahat ng oras niya sa nobya. “I miss you” bulong niya dito na hinaplos niya sa pisngi. Ngumiti ito at nakaramdam siya ng saya ng makita iyon.
“Sus, lasing ka lang” anito sa kanya “Baka si Mira ang miss mo. Nasaan siya bakit hindi mo kasama?”tanong nito na nakatingin sa kanya. Nagkibit balikat siya at yumakap dito “Jess” bulong niya at hinigpitan lalo ang yakap dito. “Namiss talaga kita” bulong niya na para bang sa ganoong paraan ay maparamdam niyang totoo ang sinasabi niya dito.
Naramdaman niya ang pagyakap pabalik nito sa kanya at gumaan ang pakiramdam niya. Isa ito sa hinahanap hanap niya at laging pinagmumulan ng away nila ni Mira ang presensya ni Jessica sa buhay nila, lalo na sa buhay niya. Hindi maintindihan ni Mira na parte na si Jess ng buhay niya at hindi niya ito pede basta alisin na lang.
Sa umpisa ay nagawa pa niya ipilit ang gusto na makasama ito kasama ni Mira, kahit nakikita niya ang pagkailang ni Jess. Pero ng kalaunan ay sila na ni Mira ang nagkakaproblema at nakita niya na hindi na naging maganda ang trato ng nobya sa kaibigan nila ay napilitan siyang iwasan na din ito at piliin si Mira. Pero sa kabila ng desisyon na iyon ay alam niyang hindi siya masaya dahil hindi na niya nakakasama ang kaibigang si Jessica.
“Oyyy” tapik nito sa balikat niya “Halika na at ng makapagpahinga ka na. Lasing ka na” sabi nito sabay kuha sa baso na hawak niya at ibinaba sa lamesa. Hindi naman talaga siya lasing na lasing kaya pa niyang maglakad pero inakbayan niya si Jessica at nagpabigat. Inalalayan siya nito at sinamahang papunta sa guest room.
Habang naglalakad sila at magkadikit ang mga katawan nila ay may naramdaman siyang kakaiba, ayaw man niyang aminin ay nagiinit siya ng maramdaman ang katawan ni Jessica. Umayos ka Marco saway niya sa sarili. Ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng ganito sa nobya na madikit lang ang katawan nila ay nagiinit na siya.
May pinupukaw si Jess sa kanya na hindi niya maipaliwanag. Kaya nang tuluyan silang makapasok sa ng guest room at maisara ang pinto ay sinandal niya ito sa pinto at hinalikan. Ramdam pa niya sa una ang pagtutol nito pero tumugon din ito sa mga halik niya at nang gabing iyon kinuha niya ang gusto niyang kuhain kay Jessica na kusa nitong pinagkaloob sa kanya.