Nakabusangot habang nakadapa si Churie sa kama nila ni Zader. Halos ’di maipinta ang mukha niya dahil sa sinabi ni Dr. Kiana, ang anak ng family doctor ng mga Valiad. Dahil nasa ibang bansa ang old doctor ay anak muna nito ang pumalit sa pwesto. “Gluteus maximus?” tanong ni Churie habang tinitingnan nang masama si Zader. ‘Magtanong ba naman kung hindi ba ako maapektuhan if magbubuntis ako in the future! Ano'ng akala niya sa ’kin, naglalabas ng miracle baby? Unless nag-iisip siyang anuhin ako nang walang paalam . . .” Halos butasin na ni Churie sa katititig ang pisngi ni Zader. Habang si Zader naman ay parang may neck brace na ’di makalingon sa gawi ni Churie. “Yes, Mistress Churie. So if ever magbubuntis ka in the future, magiging problema ’yon if left untreated. So after this week, as w

