Prologue
【Prologue】
"Let's go. They are waiting outside," aya niya sa akin. Tumayo ako at inayos ang dress na suot suot ko. Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming lumabas mula sa backstage. Nasilaw ako sa sunod sunod na pag-flash ng camera. Hindi ko alam ganito pala maging artista kaya hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon. Agad akong gumawa ng “finger heart” saka ngumiti ng pagkatamis tamis sa mga reporters na nandito ngayon.
Kaliwa’t kanan ang pagtawag ng pangalan ko ngunit hindi ko ito inintidi. Sa halip, hinawi ko ang aking buhok sa kanang balikat, tumagilid at bahagyang itinaas ang slit ng suot kong dress. Narinig ko ang mahihinang bulungan ng mga reporters. Sunud sunod pa ang mga pose na ginawa ko sa harap ng camera, nagbabakasakaling mayroong mag-offer ng modelling career sa akin pagkatapos nito.
“What the f**k are you doing?”
Mas kumapit ako sa lalaking kasama ko ngayong gabi. Halata sa mukha nito ang pagkadisgusto sa mga ginagawa ko. Ngumiti akong muli sa camera saka pasimple itong sinagot, “smile, mas lalo tayong mahahalata niyan,” habang nakapeace sign.
“Stop it,” madiin nitong sagot habang pasimpleng ibinababa ang kamay kong naka-peace sign. Napasimangot na lamang ako nang hilain ako nito papasok.
"Thank you for coming here with us today." Seryosong panimula ni Carter matapos ang ilang minutong pictorial sa labas na gusto ko sanang hindi na matapos. Nandito kami ngayon sa conference hall ng kompanya. Dahil nakaupo kami sa presidential table, kinuha ko ang aking cellphone para magpost.
itsyouremerald_ Sobrang stress ang lola nyo ngayong gabi.
Natatawa ako dahil biglang bumulusok ang notifications ko. Ang lima ay naging sampu at bente. Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bulsa nang may maisip ako.
itsyouremerald_ It’s Papa P in the house
This time, mas dumoble ang aking notifications. Nagsimula sa lima, fifty, one hundred, hanggang sa hindi ko na mabilang. Halos sumabog ang notifications ko sa sobrang daming comments at likes. Ipinost ko lang naman ang isang stolen shot ni Urie.
uriefansclub Di ka bagay maging isang Vitale
kayrafaelangkakaldag Wag kang assuming ghorl. Magb-break din kayo.
“Tss.”
Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang isang babaeng empleyado ni Urie na nakatayo habang tinatarayan ako. Nakataas ang kilay nito habang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko.
I rolled my eyes. Keep coming bashers. Mas lalo niyo lang akong pinapasikat.
“I want to formally introduce to you, Emerald Angela Javier,” para akong binuhusan ng mainit na tubig nang marinig ang pangalan ko. Dali dali kong ibinalik sa bag ang cellphone na gamit ko saka tumayo. Inayos ko pa ang suot kong dress habang naglalakad palapit kay Urie.
“She’s going to be my wife. Announcement will be made soon.” I smiled sweetly at him at napuno ng palakpakan ng mga tao ang buong room. Nanatiling seryoso pa rin ang mukha ni Urie habang muli kaming kinukunan ng litrato. Gusto ko sana ako lang ang makita sa picture pero okay lang rin, effective pang-clickbait si Urie. Pasimple akong lumapit rito at bumulong.
“Pasado na ba performance ko ngayong gabi, Papa P?”
Mas lalong dumilim ang mukha nito sa narinig. Akmang aalis na kami nang may muling nagtanong. “Miss Javier, how does it feel to be loved by Rafael Vitale?”
Muntik na akong mabulunan sa narinig. Love daw? Isa pa, English ‘yon ha. Hindi ako nakapag-prepare sa mga ganyan.
“This interview is over. Hindi na kami tatanggap ng anumang tanong.” Sabi ng isa sa mga empleyado na agad ko ring namukhaan dahil sa katarayang taglay at attitude sa akin kanina.
Napataas ang kilay ko sa sinabi ng babaeng nagtataray sa akin kanina. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Urie at inagaw ang microphone sa kanya.
“Thank you for your wonderful question,” panimula ko habang nakalagay ang kamay sa bewang. “I believe, I’m fine, thank you, and you?”
Hindi ko alam kung may mali ba sa sinagot ko dahil nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Nalaglag ang panga ng reporter na nagtanong, siguro namangha sa naging sagot ko. Syempre, ako lang ang kayang gumawa nun.
“Let's go bago ka pa gumawa ng kung anong kalokohan,” aniya Urie. Mariin nitong hinawakan ang braso ko saka hinila na ng tuluyan palabas habang hinihilot ang kanyang sentido. Mabilis na pinutakte ng mga reporter ang secretary na siyang naiwan upang sumagot sa mga reporters.
"Urie," mahinang bulong ko ngunit hindi ako nito pinansin. Mukhang may topak na naman ang isang 'to ngayon. ay mali ba akong ginawa?