"S-SIR Powell..." nagugulat na sambit ni Lee. Nanlalaki pa ang kanyang mata na titig sa among binata. "S-Sorry po at s-salamat po," nauutal niyang sabi at bigla siyang napayuko dahil hindi niya matagalan sabayan ang titig ng amo. "Sir Powell? You don't know me? Ah... ikaw siguro ang bagong katulong dito sa bahay. Kaya hindi mo ako kilala." Nangingiting sabi ng lalaki. Kaagad napatunghay si Lee at pinagmasdan ang mukha ng lalaking kaharap. 'Di naman siya maaring magkamali, si Sir Powell ang kanyang kaharap. Pero sa tono ng pananalita nito ay parang hindi siya si Sir Powell. "K-Kapatid po kayo ni Sir Powell?" Nanlaki ang mga mata ni Lee, halatang na-amazed sa nakita. Halos hindi siya makapaniwala dahil magkamukhang — magkamukha sina Powell at ang kapatid nito. "Sorry po talaga. 'Di ko po

