Hot Compress

1542 Words

SUNOD — SUNOD ang lunok ni Lee habang walang habas niyang sinuyod ng tingin ang amo. Kapaligo pa lang nito, at nangingintab pa ang balat sa mga patak ng tubig. Mula sa makinis na noo, bumaba ang mga mata niya sa matipunong dibdib na bahagyang basa pa, hanggang sa mabalbong tiyan na tila mas naging kapansin —pansin sa dampi ng tubig. Ramdam ni Lee ang biglaang pagbilis ng t***k ng kanyang puso, para bang ang sariwang amoy at presensiya ng binata ay lalo pang nagpaigting ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. "S-Sorry po, sir. P-Pumasok na lang ako bigla sa kuwarto niyo. Akala ko po kasi walang tao," nauutal na paghingi ng paumanhin ni Lee, naglakad siya papunta sa pintuan. "Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Pace, naka-crossed arm habang nakatitig kay Lee. "Lalabas po muna. M-Magbibihis kayo,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD