KABADO na pumasok si Lee sa loob ng mansyon. Kipkip niya ang kanyang bag habang pataas siya sa hagdan. Nang nasa tapat na siya ng pinto ng kuwarto ng mag-asawang Raven ay tatlong sunod — sunod na katok ang ginawa niya. "Bukas 'yan..." sagot ng babaeng amo. Lakas loob na pinihit ni Everlee ang pinto papasok. Nang makita ang mag-asawa ay kaagad na ngumiti ang mga ito sa kanya. "Come in, Everlee. Kanina ka pa namin hinihintay," sabi ni Alejandro. Payak na gumanti ng ngiti ang dalaga. "Magandang gabi po. Pasensiya na po kung naghintay kayo," hingi ng paumanhin ni Lee sa mag-asawa. "Don't mention it, hija. Maaga pa naman at tamang — tama lang ang dating mo." Tugon ni Akejandro na napatingin sa kanyang asawa na katabi niya sa sopa. "Maupo ka, Everlee." Paanyaya pa niya. Umupo si Lee sa p

