Malagkit na Titig

1725 Words
HUMINTO ang isang Mercedes Benz sa harap ng malaking gate, automatiko naman bumukas ang gate at pumasok sa loob ang mamahaling sasakyan. Lumabas mula sa kotse ang isang mala-adonis na lalaki. Siya ang tipo ng lalaking agad mong mapapansin sa gitna ng karamihan. Matangkad at matipuno, ang bawat hakbang niya'y puno ng kumpiyansa. Ang kanyang balat ay kayumanggi, perpekto, at lalaking lalaki ang dating. Ang mukha niya'y tila inukit mula sa bato, may matalim na panga at manipis na labi na laging may hint ng isang matamis na ngiti. Ang kanyang mga mata'y malamlam ngunit malalim, parang may itinatagong lihim na hindi madaling matuklasan. "Nice mansion..." tatango tango at palinga — linga ang mata ni Zendrick sa buong paligid ng mansyon ng mga Raven habang naglalakad sila papasok sa loob. "Thanks, pare. This house was built by my ancestors. Mas matanda pa 'to sa akin," kuwento ni Powell na nilingon at nginitian ang kaibigan. "Mukha nga. Parang panahon pa ng mga Kastila itinayo," segunda ni Zendrick. "Hijo..." bungad na sambit ni Chloe nang makita ang kanyang bunsong anak. Kaagad naman na lumapit ang anak niya at niyakap siya ng mahigpit. "I'm happy to see you, mom." Usal ni Powell na hinalikan ang ina sa pisngi nang bumitiw sa yakap. "Me too, son. Let's go inside. Naghihintay na ang daddy mo sa loob," aya ni Chloe sa anak. "Mom, this is Zendrick. My friend." Pakilala ni Powell sa kasamang kaibigan. "Hi, Zendrick. Salamat at sinamahan mong umuwi itong binata ko." "Welcome po, tita. Nakaplano na po talaga ang pagpunta namin dito sa inyo," nakangiting tugon ni Zendrick. Napatingin si Chloe sa kanyang anak. Kanina lamang ay pinag-uusapan nilang mag-asawa na ipatawag ang bunso nang makauwi man lang sa mansyon. Heto at may plano din pala itong umuwi. "Hindi mo lang alam anak kung gaano ako kasaya na umuwi ka ngayon. Nire-request ko nga sa daddy mo na tawagan ka para umuwi," napasinghot singhot si Chloe, na maiiyak na. "Dalawa nga ang anak ko pero wala naman dito sa mansyon." "Mom..." "Bakit masama na ba sa'yo ang magtampo ang sariling ina mo? Sinasabi ko lang ang nasa loob ko. Kung hindi pa itong kaibigan mo magyaya sayo, 'di ka uuwi dito sa mansyon. Di ba, Powell?" Marahas naman napabuntong hininga si Powell. Nilapitan at inakbayan ang ina saka hinalikan sa buhok. "I miss you, mom. That's why I come home. Of course, I want to see you and daddy. And you know I love you so much," paglalambing na amo ni Powell sa ina. "Powell, anak..." sambit ni Alejandro nang makita ang dumating. "Dad..." niyakap ni Powell ang ama. "Si Zendrick po pala, friend ko at partner," pakilala din niya sa kaibigan. "Nice to meet you, sir," turan ni Zendrick at nakipagkamay kay Alejandro. "Sa dining na tayo dumiretso. Naipahanda namin ni Chloe ang special request ni Powell. Magda-drama na naman ang mommy mo kung 'di ka nakauwi ngayon, hijo." Saad ni Alejandro na napabaling sa asawa. Natawa naman si Powell. "Sobra ka naman, Alejandro," kastigo ng nakasimangot na si Chloe sa sinabi ng asawa. Tsaka, napairap at nagpatiunang naglakad patungo sa dining. Inilalagay ni Everlee ang mga plato sa ibabaw ng lamesa nang dumating ang pamilya Raven. Napayuko siya at napalayo, ramdam niya ang pagtitig ng isa sa dalawang binata. Naupo na ang mag-asawa at si Powell ay umupo sa katapat na upuan ng kanyang ina, habang katabi naman niya ang kaibigang si Zendrick. Napabaling ang tingin niya sa bagong mukha na kasambahay nila. "Mom, did you hire a new housemaid?" Usisa niya na 'di inaalis ang mga mata sa babae. "Ah, oo. Umalis na kasi si Florence. Mag-aasawa na raw. Kaya kumuha ako ng bago." Parang nahiya naman si Everlee nang marinig ang pinag-uusapan ng mag-ina. Kaya pinilit niyang matapos ang kanyang gawain sa dining at bumalik na sa kusina. "But I think she's still young. Sa itsura pa lang niyan mukhang bata pa. Bakit po kayo kumuha ng batang katulong? Baka makasuhan tayo ng child labor niyan." "Powell, ang bibig mo. She is turning 18 next month, iyon ang sabi ni Emily. Pamangkin ni Emily si Everlee. Kaya tumahimik ka nga. Umandar na naman ang pagiging abogado mo na hindi mo naman pina-practice," sagot ni Chloe sa anak. "Nag-iingat lang po, mom. Pero kung pamangkin siya ni Ate Emily, then let it. Maganda ring tumulong sa mga nangangailangan." Ani pa ni Powell. Bumalik sa dining si Everlee, kasunod si Gita. Dala nila ang paella na ipinaluto ng kanilang amo. "Everlee, di ba, nag-aaral ka?" "Ho?" Hindi malaman ni Everlee ang isasagot at napatingin siya kay Gita. "Gusto mo bang ituloy ang pag-aaral mo?" "Po? M-Madam, nag-stop na po ako ngayong taon. Nagdesisyon po akong 'wag na munang ituloy ang pag-aaral ko kasi po kulang po sa pinansyal," nahihiyang sagot ni Everlee. "Really? Gusto mo pa bang mag-aral?" Napatingin muli si Everlee kay Gita at muling napabaling sa ginang. "S-Saka na lang po siguro, madam." "It's okay. We will finance your studies. Pag-aaralin ka namin. Mas mabuti na 'yung makatapos ka, para kung ayaw mo nang magtrabaho bilang kasambahay, may magagamit ka sa pag-a-apply ng ibang trabaho. Gusto mo ba?" Muling tanong ni Chloe. Napatitig siya sa disi syete niyang bagong kasambahay. "H-Ho? H-Hindi---" 'di natapos ni Everlee ang sasabihin nang pinutol na siya ng ginang. "Sagutin mo na lang ang tanong ko. Gusto mo bang mag-aral?" Naghihintay naman ng sagot Chloe at nakatunghay lamang kay Everlee. Mukhang tatanggihan ng dalaga ang kanyang magandang inaalok. "Grab it. Malaking tulong sa'yo ang ino-offer ni mommy," sabat ni Powell na sumandal pa ng upuan na parang nagmamayabang ang mga tingin kay Everlee. Napatingin muli si Everlee kay Gita, na humihingi ng tulong sa mga tingin niya. 'Di niya mawari ang kanyang isasagot sa kanila. Kabago — bago lang niya ay ganito na agad ang trato nila sa kanya. Baka pag-ugatan pa ng inggit at selos ni Gita. Ayaw niya ng away, lalo na kasama pa niya sa trabaho. "P-Puwede ko po ba munang isangguni kay Tita Emily? Alam n'yo po, wala po akong mga magulang at sila Tita Emily lang po ang pamilya ko," sagot ni Everlee. Palihim naman siyang siniko ni Gita n nasa kanyang tabi. Nagkatinginan ang mag-ina sa naging desisyon ng dalaga. "Sana tinanggap mo na lang, Lee. Sayang din 'yon. Makakaalis ka na kaagad sa pagiging katulong kapag naka-graduate ka. Mas mataas pa rin ang tingin ng mga tao sa mga edukado. Kaya sana hindi mo pinalampas ang pagkakataong 'yon," dire — diretsong sabi ni Gita habang papasok sila sa kusina. "Ate Gita, maganda po ang offer ni madam. Pangarap ko pong makatapos ng kolehiyo. Pero, 'di po ba kalabisan na tatanggapin ko kaagad ang offer nila gayon kabago — bago ko palang po? Iisipin pa nila na madali lang akong makuha o masilaw sa mga bagay na wala ako." Pangangatwirang sagot ni Lee. "Ang taas din pala ng pride mo. Ibaba mo 'yan, Everlee. Hindi ka mapapakain ng pride mo. At saka, iba pa rin ang nakatapos. Kung ako ang inalok ni madam, wala pa sa alas kwatro naka-oo na ako kaagad... agad, agad, ha." Isang araw palang nagta-trabaho si Lee, inoperan kaagad siya ng scholarship. Ni hindi pa nga sila sigurado at 'di nila siya kilala. Ang bilis din magtiwala ng mga Raven, puwede ring baka naawa lang sila sa kanya. Sa murang edad ay nagta-trabaho bilang kasambahay. Ang mga nasa isip ni Lee. "Hayaan mo na, Gita, si Lee ang magdesisyon. Tutal, buhay niya 'yan. Gusto lang niyang mas makilala pa ang mga amo natin. Saka, mas maganda na rin na marunong siyang makibagay. Hindi iyong sungkab nang sungkab. Baka nga iba ang isipin nila," saway ni Nita sa sariling anak. Mahirap nang makialam silang mag-ina sa sariling desisyon ni Lee. Baka masisi pa sila sa bandang huli. "Inay, ang bagal — bagal nitong si Lee magdesisyon. Bakit kailangan pa tanungin ang tiyahin niya? May sariling isip naman siya. Maganda naman po ang hangarin ni madam. Ako nga po ni minsan hindi nila naoperang pag-aralin. Di ba, po ang swerte ni Everlee?" Giit pa ni Gita. Nagulat si Nita sa tinuran ng kanyang anak. "Hayaan mo na nga. Tapusin na lang natin ang mga trabaho natin." Nakatiim na saway pa niya at pinandilatan ito ng mata. Umiral na naman ang pagkaselosa ng anak. "Everlee, kumain ka na. Pagkatapos nating kumain ay magliligpit pa tayo," baling pa niyang sabi kay Lee. Pilit niyang iniiba ang kanilang usapan. Marahan namang tumango si Lee at 'di na dinugtungan ang kanilang usapan. Tama siguro ang desisyon niya? Pero, sa loob — loob niya ay gusto na niyang umoo at tanggapin ang inaalok na tulong pinansyal para sa kanyang pag-aaral. Maitutuloy na niya ang kanyang pangarap na maging isang guro. Pero kung hindi mamarapatin, makapaghihintay namam siya. Sariling sikap para makatapos kesa sa malaking utang na loob na tatanawin niya sa kanyang mga bagong amo. "H*yup, pare! Bakit hindi mo sinabi sa akin na may maganda pala kayong katulong?" Malawak ang ngiting tanong ni Zendrick kay Powell. Alam na ng binata ang tumatakbo sa isip ng kaibigan. "Zendrick, off limits ka sa mga kasambahay namin. Pati katulong ay papatusin mo na rin. Saka, ngayon ko lang nakita si Everlee. Hindi sinabi ni mommy na kumuha siya ng bagong katulong." Naiiling na sabi niya saka tumungga ng alak sa baso. Pansin na niya ang malagkit na tingin ni Zendrick kay Everlee. Wala na itong pinipili, pati katulong ay papatulan. "Nagulat lang ako na may anghel pala sa mansyon n'yo. Hindi, prinsesa pala. Para siyang si Cinderella na ikinulong ng masungit na bruha." Kinuha ni Powell ang baso at ibinato ito kay Zendrick. Mabilis naman ang kamay ng huli at nasalo agad ang baso. Natawa nang malakas si Powell habang nakatingin sa gulat na gulat na kaibigan. "G*go! Corny mo. Stop acting like a kid. Bata pa si Everlee, minor pa 'yon. Gusto mo ba kasuhan kita ng child abuse?" Humalakhak si Zendrick. "Ang sabihin mo, pare, interesado ka rin kay Everlee. Imposibleng hindi ka nagagandahan sa batang 'yon," ani Zendrick habang umiiling. Nagsalin ng alak si Powell sa kanyang baso at ininom iyon ng diretso. Hindi na siya muling nagsalita, iniwasan na niyang pahabain pa ang usapan dahil baka may masabi pang iba ang kaibigan niya. Aminin pa niya ang palihim na sulyap niya kay Everlee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD