TUNOG ng kubyertos ang maririnig habang kumakain sina Orah at Pace. Napatikhim ang binata na ikinatigil ni Orah. "Ready your things. Pupunta tayo sa Europe. First stop, Spain. Then, sa France. Siyempre, hindi puwedeng walang honeymoon," sabi ni Pace, abot tenga ang ngiti sa labi. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nae-excite siya sa paglabas nila ng bansa ni Everlee. Naiisip niya ang maaaring mangyari sa kanilang honeymoon bilang mag-asawa, isang karanasang magiging memorable at hindi pa niya nagagawa sa buong buhay niya. Nagugulat na tumingin si Everlee sa asawa. "Ho? Bakit may honeymoon pa?" Iniiwasan nga niya na magkaroon sila ng pagkakataon ni Pace na gawin ang ginagawa ng isang tunay na mag-asawa. Pupunta pa sila sa abroad para lamang sa honeymoon. Paano na kung pati ang ka

