bc

My bipolar wife

book_age16+
6
FOLLOW
1K
READ
drama
sweet
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

samantha's pov

pareho kaming habol hininga ni sir izrael ng makaahon kami sa tubig, nakahiga sya sa buhangin dahil narin siguro sa wala ng lakas ang katawan nya dahil sa medyo matagal na itong naka lubog...ano ang ginagawa mo? nakahiga ka pa dyan, paubos na ang hangin sa katawan mo kaya umupo ka, nag papakamatay ka ba? bakit ka pumunta doon sa malilim galit na sigaw ko sakanya sinikap kong sagipin ka ilinagay ko na nga yang kamay mo sa baywang ko para maka hawak ka sakin pero bakit ka bumitaw kung humawak ka lang sana ng mahigpit sakin madali sana tayong makakaahon ...

sinasagip na nga kita tapos idadamay mo pa ako sa pag ka lunod mo bakit mo ko

hinawakan sa paa para ano para pigilan ako sa pag langoy isasama mo pa talaga ko sa pagpapakamatay mo at ng marealize mo walang mag aalaga sa anak mo bigla mo kong binitawan napaka sama mo...umupo ito at lumingon ng bahagya ngunit yumuko rin..hindi, hindi ganon yon... so anu to prank? prank lang ba to sayo? halos mamatay na tayo sumakit na rin 'tong tenga ko sa subrang lalim ng linangoy ko masagip lang kita sasubrang pag pipigil ko na huminga halos pumutok na tong eardrums ko tas sasabihin mo hindi ganon yon how stupid your prank is..basta nga hindi ganon, pinapagalitan mo nanaman ako kung umasta ka parang ikaw ang boss dito...muntik na tayong mamatay tapos iniisip mo ikaw ang boss...kay kamatayan walang boss..wala ba kong karapatan na magalit o malaman ang rason kong bakit tayo nasa sitwasyon ngayon na paka immature mo ng itinaas ko ang kamay ko upang tampalin pinigilan nya ito. ok sorry sa nasabi ko...lumangoy ako sa mendyo malalim, ng napansin kong malayo na pala ang nalangoy ko naisipan ko nang bumalik ngunit ng paglangoy ko biglang sumakit ang binti ko at diko na maigalaw pinulikat ang paa ko kaya mabilis na lumubog nag katawan ko dahil sa hindi ko na maigalaw...tumingin ito saakin kaya naman pinandilatan ko ng mata ganon pala eh bakit hinawakan mo ko sa paa tapos bumitaw ka pa kung humawak ka lang sana ng mahigpit nong una palang madali sana tayong makakaahon sa tansya ko more or less fifteen feet yon...awkward kasi lalaki ako na naka hawak sa may tagiliran ng tyan mo habang naka two piece ka lang na halos dumikit na ang katawan mo sa muka ko kaya naisipan kong humawak nalang sa paa mo , napansin kong nahihirapan kang lumangoy kaya bumitaw na lang ako...lumingon ito saakin at tinitigan ako ng mag kasalubong ang aming mata bigla kong iniwas ang paningin ko..ah eh awkward nga yon pero sana humawak kana lang sa likod ko hindi yong bumitaw ka pa akala mo nakatulong ka...tulong diin karin no?! hay tumayo ako at pinagpagan ko ang katawan kong may buhangin. papuntapunta kapa kasi sa malalim hindi mo naman pala kaya wag kang mag siswimming ng walang kasama, at nag lakad ako palayo sakanya mag exercise ka pa minsanminsan tumatanda kana sigaw ko ng maka layo sa kanya...

maaari kayang mag ka gusto si samantha kay izrael na bukod sa may anak na ito at balo ay mataas din ang age gap nila sa isa't isa.. mapupunan kaya ni izrael ang lungkot nanararamdaman ni sa samatha o lalong ikalala pa ang pa giging bipolar nito...

masasabi na kaya ni izrael ang kanyang nararamdaman para kay samantha o paiiralin parin nya ang pagiging cold nya...sa kabila ng pagiging bipolar ni samantha ay na pukaw talaga nito ang pusong matagal ng namahinga sa pag ibig...dahil sa mga taglay na katangian ni samanta ay nabighani talaga si izrael na mayaman at gwapo kahit ito ay may edad na...at dahil sa pabago bago ang mood ni girl ay hindi makapag confess si izrael. kaya ating alamin ang pag mamahalan ni samantha at izrael....

chap-preview
Free preview
chapter 1
samantha's pov anong sinasabi mo samantha? mag tatrabaho ka bilang isang yaya? nahihibang ka na ba? ano nanaman ba ang iniisip mo para gawin mo'to? paano ang pag aaral mo? hindi ka na ba mag kokoleheyo ha? galit na sirmon sa akin ni tita ng sabihin kong mag tatrabaho ako bilang isang yaya ng limang taong gulang na bata. ano po ba ang masama sa pagiging yaya? malungkot kong tanong ng lingunin ko sya, sabi nila mabait naman daw ang bata at mataas ang bayad, mag aaral pa naman po ako tita. pangungumbinsi kong sagot sa kanya...hindi masama ang maging yaya, pero malaking responsibilidad ang pag alaga ng bata, mahihirapan ka lalo na't wala ka pang karanasan...look samantha you are gifted, matalino at talented kang babae maraming kang pwedeng maging trabaho, gamitin mo ang talent mo, ang talino mo, ipag patuloy mo nalang ang pag chotutor sa ibang estudyante oh kung hindi, mag painting ka ibinta mo online, mag banda ka sa gabi, marami kang pwedeng pagkakitaan gamit lang ang galing at talino mo, at hindi mo na man kailangan na mag trabaho pa, alam kong hindi tayo mayaman, pero kaya ko naman na pag aralin ka, pwede ka naman kumuha ng scolarship, kung nahihiya ka na humingi saakin ng pera kaya please sam dumito ka na lang ha..mahinahong paliwanag nito na ikinayuko ng ulo ko upang ipakita na hindi ako sangayon habang hawak hawak ang libro, walang imik na pinagmamasdan ako ng makita kong sinalikop nito ang laptop nya at tumayo,,, bukas ko na ito tatapusin, matutulog na'ko, itigil mo nayan, matulog kana rin, tinungo nito ang sariling silid, habang ako ay nanatili sa kinauupuan para ipag patuloy ang pag babasa ngunit napag pasyahan kong itigil nalang, makalipas ang ilang minuto ay pumasok narin ako sa aking silid para matulog bagamat nakahiga na ako sa aking kama ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok, habang nakapikit ang aking mga mata napansin kong may dumaloy na tubig patungo sa maliliit at malalambot kong tinga.. "habang lumalalim ang gabi lumalalim din ang lungkot na nararamdaman ko".. kinapa ko ang phone na naka patong sa maliit na lamesa na katabi ng kama, tumayo nalang ako ng mapansin kong hindi naka kabit ang head phone sa cellphone, kinuha ko ito na nakasabit sa bag rack..tsaka ko ipinatong sa tinga... ..... i dont see you as much as i used to but if i did, i know what i would do... i'd tell you i love you million times say that im sorry i made you cry could never be half the woman even if i tried but i'll try, i swear i'll try if someone puts me down, yeah i know my worth all thanks to you, the lessons that i've learned if i had to put it into words i think of an angel and all I see is her, mmm all i see is her,mmm all i see is her ..... ...music na parati kong binabalikan kahit pinaluluha ako ng kanta..hindi ko alam kong para saan o para kanino? sa tita ko bang itinuring akong parang anak nya o sa aking tunay na ina na umabanduna saakin noong ako ay maiit pa...mama kaylan kaya kita makikita nahihirapan akong mag isa na tatakot ako..bulong ng isip ko, nanatili lang na nakapikit ang mga mata ko hangang sa dalawin na ako ng antok... ...umaga na ng magising akong masakit ang tiyan, siguro ay dala ito ng gutom kaya tinungo ko ang kusina, nadatnan ko si tita na nag luluto, lumapit ako at mula sa likod ay yinakap ko ito sa bandang tiyan, ipinatong ko ang noo ko sa balikat nya...good morning tita kong mabait...itinaas baba nya ang balikat nito kong saan nakapatong ang noo ko...wag kanang mag panggap pang inaantok...umupo ka na at patapos na to...imbes na umupo ay pumunta ako sa karugtong ng lababo para mag timpla ng kapi...gusto mo rin ba tita? hindi na nag kapi na ako kanina pa...ng inilapag ko ang tasa na may kapi sa lamesa, nakita kong may burger nang ginawa si tita gamit ang pancake at cdo patty burger, inilagay narin nito ang bowl of ramen na gawa sa lucky me at pansit kanton na may carrot at cabbage at linagyan ng itlog, ummm ang bango talaga nito...liitliitan mo ang subo sa burger hindi ka na tuloy makapag salita ng maayos,...puna saakin ni tita...punasan mo nga yang gilid ng bibig mo ang daming sauce para kang hindi dalaga kung kumain, mag kakanin ka ba? ininit ko na yong pork adobo na natirang ulam natin kagabi...hindi na po ramen at burger lang ako at coffee haha...o sayo na itong burger ko...ah talaga po tita thank you inabot nya ang burger at tangkang kakagatin nya na ito ng pigilin sya ng kanyang tita, mamaya mo na lang yan kainin ang dami mo ng nakain, mamaya mo nalang yan snacks mo ah,, ahhh ngumunot lang ang noo nito habang naka nguso,, siryuso itong naka titig saakin kaya humigop ako ng sabaw ng ramen para matakpan ang muka ko ng bowl, by the way kaylan pala ang start ng trabaho mo?..bukas po tita..ang bilis mo talagang mag disisyon, bukas na pala ang alis mo, ihahatid nalang kita bukas gusto ko kasing makausap si franz...natatakpan parin ng bowl ang muka ko kaya tango na lang ang naisagot ko sakanya...may meeting ako ngayon kaya baka gabihin ako sa pag uwi, ikaw ano ang gagawin mo ngayon? wala ka bang pupuntahan? wala po dito lang po ako, mag aayos ng gamit na dadalhin bukas.... pagka alis ni tita ay nag ligpit ako ng pinagkainan, nag linis narin ako sa buong bahay linabhan ko narin ang mga maruruming damit at mga punda ng unan bed sheet at kumot na iiwan ko, naka pag ayos narin ako sa mga gamit na dadalhin ko bukas...napansin kong dumidilim na kaya napag pasyahan ko na mag luto na ng hapunan bago pa dumating si tita...ginisang ampalaya na may itlog ang niluto ko, favorite ko ang ampalaya kaya yan nalang..habang nag hihintay kay tita ay naisipan kong mag painting... wow ganda naman nyan, pamilyar na boses ang narinig ko na ng galing sa aking likuran, nakangiti akong lumingon sa kanya nandito ka na pala tita salamat naman na dumating kana...seryoso syang tumitig sa aking muka na para bang hinihintay na mag ka salubong ang aming tingin, oh bakit natakot ka ba na wala kang kasama nalungkot ka ba na mag isa ka lang dito? tanong nya saakin habang seryosong nakatitig parin sakin,..hindi naman po worried lang ako na gabi na madilim na sa labas, mag isa ka lang, alibi nasagot ko sakanya habang iiniiwas ang tingin ngunit ng lingunin nya ang painting.. ok ka lang ba talaga? bakit nganito ang gawa mo? nag tatakang tanong nya? ano po bang mali sa gawa ko?? kinakabahang balik na tanong ko sa kanya...umikot ito at umupo pinag cross nito ang mga paa ipinatong ang bag nya sa gilid kong saan sya naka upo..."babae na naka tanaw sa mga bituwin sa langit, habang mag isang naka higa sa gitna ng damuhan" gabi na ngunit mag isa paring naka higa sa damuhan? parang napaka lungkot naman nyan eh pwede namang dalawang babae na naka upo sa damuhan habang inaantay ang pag lubog ng araw, diba mas masaya yon na may kasama ka, kahit malungkot ang nararamdaman mo basta alam mong may karamay ka...mas ok parin yon sa mag isa...look iha "emotions can be seen in Paintings" kung ano ang nararamdaman mo yon din ang kalalabasan nito..puso ang nag papasya kong anong vision ang ipakikita sa painting, isip ang gumagawa para matapos ang painting... kaya ano ba ang ng yayari sayo? napapansin ko parang wala ka sa sarili, wala kanang pahinga..inuubos mo lahat ng oras mo sa mga gawaing bahay, pag chututor, pag pinta pag babasa at kung ano ano pa, wala ka ng pahinga sam at nag lilihim ka na rin sa akin noong isang gabi, nakita kong lumabas ka na ka bihis tatanungin sana kita kong saan ka pupunta pero napansin kong umiiyak ka kaya sinundan nalang kita di ko alam kung saan ka pupunta o ano ang gagawin mo worried ako dahil hindi ka naman umaalis ng walang paalam lalo na't sa kalagitnaan ng gabi...nakita ko nalang na bumabaka sa tapat ng yamzki...nag tataka ako kong bakit doon ka bumaba, palinga linga pa na parang may hinahanap ngunit ng pag pasok mo, napaisip ako, ano ang gagawin mo at paano ka nakapasok doon na bawal naman ang minor de edad sa club...inantay kong lumabas ka dahil inisip kong nag kamali kalang ng pinasukan, o baka may kikitain kalang saglit, ngunit ng makalipas ang ilang minuto ay napag pasyahan ko na na pumasok para malaman kung ano talaga ang ginagawa mo sa loob...ng makita kita na mag isang nakaupo sa madilim na bahagi ng club na tanging patay sinding makukulay na ilaw ang nag bibigay liwanag sa boong club nakaramdam ako ng lungkot iniisip ko tuloy, anu kaya nararamdaman nya, hindi naman umiinom at hindi naman nakikipag sayaw at kapag may lumapit na lalaki tinatanggihan mo...kumikirot ang puso ko satwing na aalala ko ang mga ng yari sayo. gusto kitang lapitan non dahil mag isa ka gusto kitang samahan dahil malungkot ka nag alangan lang ako dahil ba ka mahiya ka at umiyak ka nanaman. kaya napag pasyahan kong umuwi nalang hanggang sa makarating ako ng bahay iniisip ko kung ano ang pinag daraanan mo, iniisip ko kung may sakit kananaman.at ngayon napatunayan ko na ang mga iniisip ko ay totoo na bumabalik ang sakit mo, kaya pala biglang nag iiba ang mood mo mga Paintings na nagagawa mo. kung dati'y colorful ngayon black and white o kung hindi sa mga guhit ka nag iba dati'y masasaya ngayon malungkot ang mga pinapakita, mga disisyon mong pabiglabigla, at halos dalawa o tatlong oras ka na lang matulog tinatanong ko ang sarili ko kung saan ako nag kulang kung napabayaan ba kita o naging kampanti lang ako..nag aalalang tanong nya, mahinahon parin sya kong mag salita ngunit alam kong nag pipigil lang ito, para hindi ako masaktan sa mga tanong nya...tumingala ito para pigilin ang luha na pumatak....yumuko ako dahil sa pagkabigla sa mga sinabi ni tita all this time alam nya na pala, pinag mamasdan nya lang ako, napa luha na lang ako bigla na di alam ano gagawin kong hindi ang huming ng tawad nakita ko ang pag hihirap nito noong may sakit ako halos gabi gabi syang umiiyak, hindi na nag papahinga dahil sa dami ng pinasok na trabaho para lang maipagamot ako, hindi na rin nakapag asawa dahil sa inaalagaan ako...ayaw ko na sanang sabihin pa sakanya para hindi na mag alalapa ngunit alam nya na pala kahit ang pag punta ko sa bar...sorry po tita kong nag sinungaling ako, ayaw ko na sanang sabihin sayo para hindi kana mag alala pa...madami kanang pinag daanan dahil sakin, marami kanang e ginive up para sakin ayaw ko naman na mahirapan ka pa...linalabanan ko naman po kaso lang hindi ko makayakaya...mahirap talunin ang kalungkutan na nararamdaman ko.. ang totoo po kasi...masaya ako pag may kasama at subrang lungkot ko kapag mag isa ako hindi ko mapigilan ang sarili kong malungkot kaya kung ano ano nalang ang naiisip ko, ginagawa ko ang lahat para hindi ko maramdaman na malungkot ako kaya lahat na trabaho ginagawa ko, hirap ako matulog sa gabi kaya bago pa mag alas nwebe dapat tulog na ako dahil kung hindi mahihirapan nakong matulog habang lumalalim ang gabi lalong tumitindi ang lungkot na mararamdaman ko, inuubos ko ang lahat ng oras sa pag gawa para walang mabakanting oras na mag isa ako, linalabanan ko ang lungkot ko kaya tinanggap ko ang pag chu tutor para may kasama ako palagi habang wala ka pa sa bahay, natutuwa ako kapag nadadatnan kita kaso hindi naman sa lahat ng oras nauuna kang umuwi, isang beses maaga akong umuwi dahil mag hahang out sila jenny at wena kasama ang mga kaibigan nila, isinabay nako ni mara pa uwi dahil may dadaanan daw sya kaya sumama na ako ngunit ng pag dating ko wala ka pa, natakot ako na mag isa kaya nag luto nalang akong ng hapunan para maaliw hanggang sa luto na ang ulam pero wala ka pa, kaya pumasok nalang ako sa kwarto para gumawa ng project ni wena at research ni jenny habang inaantay kita di ko namalayan naka tulog na pala ako, ng pag gising pinuntahan kita sa kwarto mo kaso wala ka pa doon kaya nag painting nalang ako, hindi ko napapansin na ang ginagawa ko palang painting ay reflection na pala ng nararamdaman ko, bigla nalang naaalala ko ang mga malulungkot na naranasan ko malulungkot na alaala, noong umiiyak ka dahil may sakit ako noong nag tatanong ako tungkol sa totoo kong mga magulang noong umiiyak ka dahil iniwan ka ni tito..lahat yon naaalala ko lahat yon lumalabas sa utak ko kaya madalas naiiyak ako... naisipan kong pumunta sa bar para maaliw at baka sakaling makalimot..gusto kong makakita ng masasayang tao baka sakaling maging masaya rin ako, pero kahit na pala makakita ako ng mga taong masasayang nag sasayawan nag iinuman, nag iingay sa ilalim ng makukulay na ilaw hindi naman pala mawawala ang lungkot , hindi ako naging komportable doon dahil hindi naman ako komportable sa mga taong di ko naman kilala...kaya tinakpan ko ang muka ko ng dalawang kamay at ipinatong sa lamesa upang walang makapansin na umiiyak ako ngunit natigilan ako ng marinig ko ang tugtog na sinasayaw nila. panandalian na nawala sa isip ko ang mga alaalang nag bibigay sakin ng lungkot inisip ko na baka makatulong sakin ang pakikinig ng music pero alam ko naman na babalik pa rin ako sa ganito...kapag nag iisa ako at subra na ang nararamdaman ko parang gusto ko nalang tapusin ang buhay ko pero pag naiisip kita na malulungkot ka pag nawala ako para ko narin ipinaramdam sayo ang nararamdaman kong pag hihirap kaya ayaw kong maranasan mo ang nararanasan ko ngayon kaya diko nalang sinabi..ok naman ako pag may kasama di ko lang mapigilang malungkot kapag mag isa..sorry talaga tita...pasensya na..hinawakan nito ang mag kabilang balikat ko... tumingin ka sa mga mata ko,, hindi ako galit sayo, hindi kita sinisisi sa pag hiwalay namin ni dave, at lalong hindi kita sinisisi sa mga pinag daanan kong paghihirap, hindi yon dahil sayo ikaw ang nag bigay saakin ng saya, ikaw na ang naging buhay ko noong nawala ang mga mahal ko...pinili ko yon dahil gusto ko..ginawa ko yon dahil mahal kita dahil pamangkin kita para yon sa pamilya natin ah kaya wag mong isipin na pabigat ka dahil hindi, niminsan hindi...hinaplos nito ang buhok ko at yumakap sakin tumataas baba ang dibdib ko dahil sa pag iyak kaya hinaplos nito ang likod ko...tamana sa pag iyak mamamaga yang mata mo, mamamaus kana nyan, nandito lang ako para sayo, karamay mo ko sa lahat ng oras, pamangkin kita at para na kitang anak ikaw na lang ang pamilya ko kaya mag tulungan tayo, sabihin mo saakin kung ano ang problema mo at tutulongan kita ah wag mong iisiping mag isa ka...ako ang tita mama mo kaya susupurtahan kita ...Hmmm ungol lang at mga tango ang naisagot ko sakanya... ahhh late na'ko sigaw ko ng magising ako na maliwanag na, dalidali akong bumangon at tinungo ang banyo para maligo, napangiti ako ng mapansin ko na tinanghali nako ng gising at banyo ang una kong pinuntahan kadalasan kasi maaga akong nagigising at kusina ang unang pinupuntahan...ibig sabihin lang na masarap ang tulog ko kaya nag lamaw ako...ngayon ko na lang nagawa ang matulog na may katabi,,, syempre tinabihan ako ni tita kaya nasa deep sleep ako, kaya masayaa akong bumangon at feeling ko na energized ako...naka bihis na'ko na pang alis ng lumabas sa kwarto as usual kusina ang pinupuntahan ko nadatnan ko si tita na humihigop ng kape,,good morning tita masayang bati ko sakanya, Hmmm umupo kana dito wag ka nang mag timpla pa ng kapi itinimpla na kita...ah ok po salamat, at umupo narin ako sa may harapan nya fried rice, hatdog at itlog ang niluto nyang agahan...nakita kong naka ngiti ito habang naka tingin saakin..bakit po?? wala naman, natutuwa lang ako na nakatulog ka ng maayos ang sayasaya mo kasi kahit tinanghali kana ng gising... ngumiti ako ng malapad at umigop na ng kape bilisan mo na jan baka malate pa tayo lalo, mag aantay pa sila ng matagal. alam mo naman na importante ang first impression diba?,,,opo tita bibilisan ko na...kumain ka lang jan ha mag bibihis lang ako para pagkatapos mo aalis na tayo ubusin mo nayan wala ng kakain nyan mamaya tumalikod na ito patungong kwarto nya ngunit nabigla na lang ako ng may pumatong na bagay sa tinga ko headsets...sayo na yang recorder na yan may mga rene cord akong music jan...pakinggan mo kapag mag isa ka lang baka sakaling maka tulong tumalikod na ito at nag lakad...napangiti nalang ako sakanya. papunta na kami sa meeting place at kanina paako kinakabahan dahil first time kong lalayo at mahiwalay kay tita... napansin ni tita na malamig ang kamay ko ng hawakan ako nito...kinakabahan ka ba? hmmm itinaas baba ko ang ulo ko sa pag sagot sa kanya nakakakaba pala tita, ang dami kong naiisip paano kong ayaw ng bata saakin, paano ako makikisama sa ibang tao doon kung ganito ako o baka masamang tao pala yong boss ko mas masama baka maka gawa ako ng mali baka masaktan ko pa ang bata dahil sa paibaiba ang mood ko paano kong malaman nila ang sakit ko baka paalisin nila ko.daldal ko kay tita habang nag lalakad patungong coffee shop. .ayaw mo nabang tumuloy? tanong saakin ni tita ng sabihin kong kinakabahan ako ng subra...ayaw ko namang mag back out pa... excited din naman ako sa magiging trabaho ko, ngayon ko lang masusubukan ang tumira sa ibang bahay para mag alaga ng bata ngayon palang ako malayo sayo.. hay kinakabahan talaga ako tita... ok lang yan sa ngayon kakabahan ka talaga dahil hindi mo pa kilala ang batang aalagaan mo ang mga taong pakikisamahan mo alam kong kaya mo kaya wag kanang mag alalapa, mabait kang tao wag mong pag dudahan yon...habaan mo lang ang pasensya mo makakasundo mo rin sila, alam kong may mood swing ka pero maalaga ka...charming ka na tao kaya magugustuhan kanila... ganito nalang eenjoy mo lang ang trabaho para hindi mo mapansin na napapagod ka...maging natural ka lang sa pakikisama sa kanila...maging masaya ka lang magugustuhan ka nila ha....ng pag dating namin sa coffee shop pumasok na kami ni tita hinanap namin sila ninang franz gamit ang mata..tita andon sila ninang franz... kumakaway si ninang para malaman na nadoon sila lumapit kami ni tita at sinalubong naman kami ng tumayo para mag bigay galang ...hello po ninang at yumakap ako kay ninang...ang tangkad mo na talaga, at kumalas na ako sa pag kakayakap, tinapik naman nito si tita para mag bigay pansin, hi patring, kumusta kana? hoi ikaw bakit hindi mo'ko sinabihan tungkol dito, pabirong tanong nya..sorry na amiga, alam mo naman na makulit tong inaanak ko. hmmm ikaw talaga at umirap ito.. hello po sainyo yumuko naman ako ng bahagya sa babaeng kasama ni ninang, at ngumiti ito saakin, ang ganda mo naman iha...ngumiti ako sakanya pabalik, thank you po.. hi Mrs.fajardo i'm lara, lara Andres tsaka nya ibinigay ang kamay upang makipag kilala. miss miss fajardo ho wala pang asawa si tita. pag tatama ko sakanya, ah sorry mabilis na pag hingi nya ng tawad... mabilis na hinawakan ni tita ang kamay na ibababa na sana...no it's ok, parang anak ko narin naman si sam... at tumingin ito saakin, ikaw talaga bawas bawasan mo yang pagka maldita mo saway nito saakin.. pagkatapos humarap na ito sa babae. i'm patricia fajardo samantha's auntie nice to meet you tsaka ngumiti at binitawan ang kamay pagkatapos kamayan ...ngumiti ito have a seat have a seat, at nag siupoan na kami...pasensya kana sa pamangkin ko pero mabait naman yan...no it's okay, its nothing to me, gusto ko nga sya, prankang mag salita, at lumingon ito saakin...tumayo ako at yumuko sakanya ng bahagya..sorry po sa nasabi ko at ngumiti ito pabalik saakin... iha tamana yan umupo kana tsaka ako umupo...pasensya na pala kung na late kami kanina pa ba kayo? tanong naman ni tita... hindi naman kararating lang din namin...sagot naman ni tita lara...oorder palang sana kami ng dumating kayo... sabat naman ni ninang franz, ano bang gusto nyo ako na ang pupunta sa counter tanong ni tita lara...hindi po ako na ang mag oorder para saating lahat ako naman ang mas bata hahaha, oh sige na sam ikaw na ang pumunta sa counter sabi naman ni tita...nakakatuwa talaga ang pamangkin mo rinigkong wika ni tita lara habang papunta ako sa counter...tatlo ang nasusundan ko sa pila kaya medyo na tagalan akong naka balik kong saan kami naka upo dala ang number na ibinigay nadatnan kong may pinag uusapan sila ngunit hindi ko alam kung ano.. pasensya na po medyo matatagalan ata.. madami kasing naka pila...ah ok lang iha masarap daw dito kaya madami ang pumupunta para mag kape sagot naman ni tita lara..ah mag papaalam muna ako na lumabas may bibilhin lang ako saglit paalam naman ni tita....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dominating the Dominatrix

read
52.8K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
557.5K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
20.1K
bc

In Love With My Alpha Triplet Brothers

read
3.1K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
163.6K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
786.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook