Tuwang-tuwa si Shawn sa paggogrocery. Andami niyang tinuturo kahit na halos lahat ng iyon ay kinokontra ko. Si Quinn naman ay kinokonsinti pa ang gusto ni Shawn. Ilang irap rin ang ipinukol ko sa kanya pero sadyang iniispoil niya ang anak ko!
Naglalakad kami sa may detergent section nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
“Doc Marbel!”
Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Kean na nakatayo roon kasama ang Mama niya. Ilang taon ko na ring pasyente ang Mama niya kaya kilala ko na sila. Siya rin kasi ang laging sumasama sa Mama niya pag check ups.
“Oh, Kean! Hi!” Bati ko at lumapit pa para mayakap ang Mama niya. “How are you?” I asked his Mom.
Ngumiti si Mrs. Lopez. “Ayos naman na ako, Dr. Marbel. Ikaw? Sinong kasama mo?” Tanong niya.
Ngumiti ako. “Anak ko po.” Sagot ko sabay turo kay Shawn na nakaupo ngayon sa cart.
“Asawa mo ba iyon?” Tanong niya ulit.
Nilingon ko si Quinn na nakatitig lamang sa akin. Ngumiti ako kay Mrs. Lopez. “Hindi po.” Sagot ko.
“Naku! Siya baa ng daddy ng anak mo?” Parang nanunuksong tanong niya.
Ngumiti lamang ako. “Siya po pero hindi po kami—”
“Hindi pa po kami kasal.”
Para akong mahihimatay nang marinig ang boses ni Quinn sa likod ko. Napalingon ako sa kanya at medyo naniningkit na ang mata. He did not need to lie!
Nakipagkamay si Quinn kay Kean at kay Mrs. Lopez.
Malaki ang ngisi ni Mrs. Lopez habang nakikipagkamayan kay Quinn.
“Kung ganoon ay balak na kayo? Kailan ba iyan?” tanong ni Mrs. Lopez kay Quinn.
Ngumiti lamang si Quinn. “Malapit na po.” Sagot niya habang inilalagay ang kamay niya sa baywang ko. Para akong mahihimatay nang maramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko.
Why is he doing this?
I wanted to roll my eyes but I can’t put Mrs. Lopez’s hopes down. Ano ba naman kasi ang napag-iisipang sabihin nitong Quinn na ito? Pwede namang siya na lang ang daddy ni Shawn? Bakit kailangan pa iyang kasal-kasal na iyan?!
“Ma,” singit ni Kean. “Tara na po.” Aniya.
Nilingon ko siya at nginitian. Ngumiti rin ito pabalik. “Ingat kayo, Kean, Mrs. Lopez.” Sabi ko.
Tumango sila at saka naglakad na patungong counter. Nang makitang medyo malayo na sila ay agad akong lumayo kay Quinn.
Matalim ko siyang tinitigan. “What do you think were you doing?” Mahina pero mariin kong tanong sa kanya.
I don’t want Shawn to see that Quinn and I are fighting. That’s going to be traumatic for him.
Kumunot ang noo ni Quinn. “I was brushing that guy off!” Bulong niya pabalik.
Umigting ang bagang ko. “And why would you do that? Wala naman siyang ginagawang masama!” I’m frustrated. Hindi ko alam kung bakit ako sobrang affected gayong hindi ko naman laging makikita ang mag-inang iyon.
“He’s looking at you like you’re single and like he can be with you!” Medyo malakas ang pagkakasabi niya noon.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko na maintindihan! Hindi ko siya maintindihan!
“So? I’m single! He can be with me!” Sagot ko.
Bigla siyang natigilan doon. Bumuka ang bibig niya na tila ba may sasabihin siya pero itinikom rin niya iyon at hindi na muling nagsalita.
Umirap na lang ako at nagpatuloy na sa pagpili ng detergent. Asan na ba dito iyong binibili ni Mela? Hindi ko na maalala sa sobrang inis ko sa lalaking ito.
“Take Shawn and wait for me outside.” Sabi ko sa kanya pero hindi niya ginawa.
Nanliit muli ang mga mata ko sa kanya. He just stared at me with equally angry eyes. Tulak-tulak pa rin niya ang cart habang si Shawn ay nakahanap na ng pwedeng paglaruan sa loob ng cart.
Humugot ako ng malalim na hininga at pinabayaan na lang siya. Fine! Kung gusto niyang samahan akong pumila, e, ‘di gawin niya!
Nang makarating kami sa harap ay tinulungan ako nina Shawn at Quinn na ilagay ang items sa counter. Kita ko naman ang pagpigil ng ngiti ng cashier habang pasimpleng sumusulyap kay Quinn.
I rolled my eyes. Kahit sa trabaho, hindi maitago ang kalandian? Grabe!
Nang maipunch lahat ng cashier ay inilabas ko ang wallet ko. Akmang ibibigay ko na sana iyon nang iabot ni Quinn ang gold card niya sa kahera.
“I can pay for that.” Sabi ko kay Quinn.
Tumaas lang ang kilay niya. “I’m sure you can. But I can pay for it, too.” Sagot niya.
Tumikhim ako at hinawakan ang kamay ni Shawn habang may pinipirmahan si Quinn. Nang matapos ay itinulak ni Quinn ang cart palapit sa kotse niya.
Hinayaan ko si Shawn na maunang pumasok sa backseat habang tinutulungan ko si Quinn sa paglagay ng mga grocery sa loob.
“Kaya ko na.” Aniya.
Umirap lang ako at tumulong na rin. Tingin ko ay nahihilo na ako sa kakairap. Nakakairita kasi!
Isinara niya ang compartment at tumingin sa akin. Tumalikod na ako dahil wala naman akong balak makipag-usap sa kanya.
Akmang maglalakad na ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko.
“Margaux, wait.” Aniya.
Napatingin ako sa kamay niya sa braso ko at nagtaas ng kilay pero hindi pa rin niya iyon tinanggal.
Tumikhim siya.
“Look, I’m sorry for what I acted back there with your friend.” Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang isang kamay niya. “Ayoko lang talaga nang ganoon. Kasama mo kami ng anak natin pero may ibang lalaking ganoon kung tumingin sa’yo.”
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko naiintindihan ang punto niya.
“Ayos lang kay Shawn iyon kung iyon ang ikinbabahala mo. He’s seen me with guys. It’s fine with him. He understands. Kahit ngayon, naiintindihan niyang wala tayong relasyon. I’ve told him about your girlfriend and he’s cool with it.” I shrugged.
Tumalim ang tingin niya sa akin.
“Simula pa lang naman ay alam na ni Shawn na hindi na tayo magkakatuluyan. We’ve already come to an end. You’re just here because he needs you…for now. Pero aalis ka rin naman, hindi ba? Kapag hindi siya tinanggap ni Louise, you’ll choose her over Shawn and by that time, siguro kahit mahirap, pilit kong ipapaintindi sa anak ko na kahit wala ka sa amin ay daddy ka pa rin niya.”
Humigpit ang hawak niya sa braso ko.
“Bakit mo ba ako pinapangunhan?” Galit na tanong niya sa akin. “Bakit ba lagi mong pinapamukha sa akin na si Louise ang pipiliin ko? Bakit kailangang ako iyong pumili?”
Napalunok ako sa tanong niya.
“Dahil nasa’yo ang desisyon, Quinn. If you want Louise, it’s fine. Shawn and I can manage. Sure it’ll be painful—”
Natigil ako nang bigla niya akong yakapin—sobrang higpit ng yakap niya sa akin.
“Don’t, Margaux.” He whispered to my ear. “Tama na please. Tama na ang pagsasampal sa akin ng lahat ng naging desisyon ko noon.”
Ramdam ko ang pag-angat at pagbaba ng dibdib niya. Para bang nahihirapanag huminga.
Parang nalulusaw ako sa yakap niya. This shouldn’t be. Matagal na akong walang nararamdaman para sa kanya. Hindi pwedeng isang yakap lang ang bumalik ang lahat ng iyon.
I have to keep in mind that he’s with Louise. Kahit anong mangyari ay sila ni Louise. Kahit anong ipakita niya sa akin ay sila pa rin ni Louise.
Walang kami.
The only connection we have is Shawn.
“I love Shawn…so much. I won’t trade him for the world.” Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.
“But Louise is your world.” Hirap na hirap akong sabihin iyon dahil may kung anong bumabara sa lalamunan ko. Oo nga’t mahal niya si Shawn pero…mapapantayan ba noon ang pagmamahal niya para kay Louise?
He left me before for her. He loved her so dearly.
Naramdaman ko ang labi niya sa gilid ng ulo ko.
“Stop this, Margaux. Stop it, huh? Ayoko nang makipag-away sa’yo. Pagod na akong makipag-away sa’yo. Pagod na pagod na ako.”
May mga luhang namumuo sa gilid ng mata ko.
“I’m not fighting with you. Sinasabi ko lang ang totoo.” Sagot ko.
“Sshh…” aniya at lalong humigpit ang yakap niya sa akin. “Then stop it. Whatever you’re doing…whatever you’re thinking…stop it all. I won’t leave Shawn.”
Ramdam kong bumagsak na ang mga luha ko. Damn it! Why am I crying over this? Bakit kahit anong pilit niyang sabihin ay hindi ko magawang maniwala sa kanya?
Bakit hindi ko kayang paniwalaang ang anak ko ang pipiliin niya sa pagitan nila ni Louise? Bakit parang kay hirap tanggapin na iyon ang gagawin niya?
Siguro nga ay tama ang sinabi nila. Kapag nasira ang tiwala ay hindi na madaling maibabalik iyon. Kahit siguro gawin pa ng taong iyon ang lahat ay hindi na magiging tulad ng dati.
“Stop doubting about my love for our son, Margaux. Alam kong hindi ko pa siya ganoon katagal nakakasama pero maniwala ka namang mahal na mahal ko siya. Hindi ko siya iiwan. Hindi ko kayo iiwan.”