“I’m sorry you had to go all through troubles and struggles alone. I wish I was with you.”
Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapos ko iyong sabihin sa kanya. Alam kong wala na iyong saysay dahil tapos na ang lahat pero hindi ko pa rin maatim na hindi sabihin.
I felt like I needed to apologize for leaving her when she needed me the most. I felt like I needed to apologize for falling out of love when Shawn was growing inside her.
If I coud turn back time…no, I can’t. And I think, by that time, I still wouldn’t pick the right choice.
But I wish I knew…at least I could have been there for her. Kahit bilang kaibigan lang siguro…o bilang ama ng anak namin.
Tumitig ako sa kanya at walang kurap siyang nanonood pa rin ng TV. Hindi ko alma kung naiintindihan ba niya ang palabas na pinapanood niya o ayaw lang niyang lumingon sa akin.
Ilang araw na akong nag-iisip. I’ve been rehearsing on how I would tell Louise that I have a son. With Margaux. Iyon ang dahilan kaya hindi ko pa siya kinakausap hanggang ngayon. Iyon ang dahilan kaya hindi pa ako lumalabas dito.
Aside from I want to spend more time with Shawn, I’m thinking of the right words to use to Louise. I love her. Ayokong masaktan siya…kahit na alam kong masasaktan ko talaga siya.
But when I’m looking at Margaux, thinking about how she went all through these alone, makes me sick. Hindi mapapantayan ng kahit anong sakit ang sakit na ipinadama ko sa kanya. We made that. We made Shawn…together but she suffered alone.
I feel like s**t.
She bit her lip. “You don’t need to be sorry. It wasn’t your fault you fell out of love.” Sagot niya sa akin na siyang nagpapasakit lalo sa puso ko.
Para bang mas lalo kong sinasabi sa sarili kong napakagago ko. Na kung sana ay nakuntento ako sa atensyong kaya niyang ibigay noon ay walang nangyaring ganito…hindi sana siya nagdusa ng mag-isa.
Tangina!
“Margaux…” I want to touch her hand. I want to tell her how sorry I am but I know nothing will make her believe me. After all, I was happy with Louise. I’m even planning on marrying her…
That was before I knew about Shawn.
Dati ay sobrang sigurado ako kay Louise. Sigurado na akong siya ang para sa akin. Pero nang makilala ko si Shawn…ang anak namin ni Margaux…parang nagulo ulit ang utak ko.
The idea of giving Shawn a perfect and complete family is messing up my mind. Alam kong hindi ko iyon maibibigay kung si Louise ang pipiliin ko.
I couldn’t stand seeing our son hurting. I want to see his smiling face. Ironically, I want to see Margaux smiling too. Iyon na lang ata ang tanging konsolasyon ko sa pag-iwan ko sa kanya noon—ang makita ang totoong ngiti niya…ulit.
Nang nilingon niya ako, halos mamatay ako nang makitang bahagya siyang ngumiti. No, I don’t want that sad smile, Margaux…I would never want that.
But motherfucker! I was the reason why she doesn’t smile like she used to. Ako ang may kasalanan sa lahat ng ito.
“Ayoko nang pag-usapan pa iyan, Quinn. It’s over. It’s all in past.” Mahinang sabi niya. “My chapter with you has ended. All I need for you to do now is to protect Shawn…never hurt him because all hell will break loose once you did. And when it happens, I’ll see to it that you will never see him ever again.” Banta niya bago siya tumayo at umakyat sa kwarto.
And here I was, sitting on the couch, left speechless!
Putang ina!
Sa gabing iyon ay hindi ako nakatulog. Images of Margaux kept flashing through my head. Iyong umiiyak siya. Iyong sinusuntok niya ako. Iyong niyayakap ko siya kahit pilit niya akong pinagtatabuyan. Damn it!
My heart hurts as I reminisce those times. Ayoko na ulit iyong balikan dahil parang pinapatay ako dahil doon.
But then I would see Louise and suddenly, I could feel all the guilt coming through me. Louise didn’t deserve any of this. Hindi ko dapat siya niloloko.
Pero niloloko ko nga ba siya? Just because I’m not yet ready to tell her doesn’t mean I’m fooling her. I’m not getting back with Margaux so I’m not cheating on my girlfriend.
Damn. I wanted to plant that inside my head but I can’t.
Lalo na nang makita ko ang pangalan ni Louise sa screen ko. She’s calling. It’s been days since I’ve heard her voice.
“Babe!” Masayang bati niya galing sa kabilang linya.
Babe… Wala akong ibang maramdaman kung hindi ang guilt. I’m so guilty that this is happening.
“Louise…” Mahinahon ang boses ko. Damn it!
“Where are you? Nagpunta ako sa bahay mo kanina pero wala ang kotse mo? Wala ka rin naman sa bahay ng parents mo. Nasaan ka?” Ngayon ay puno ng pag-aalala ang boses niya.
“I texted you. May inaasikaso lang ako.” Sagot ko.
Pumikit ako ng mariin. No, Quinn. Kailan ka pa natutong magsinungaling kay Louise?
“Oo nga. Pero namimiss na kita.” Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. “Kailan ka babalik?”
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam. Ayoko pang bumalik nang hindi handa. Kapag bumalik ako ay dapat ko nang masabi kay Louise ang lahat.
“Hindi ko pa alam. Marami pa kasi akong inaasikaso.” How vague is that answer, Quinn? “Pagbalik ko, itutuloy natin iyong bakasyon na sinasabi ko.”
“Talaga?” Medyo sumaya ang boses niya kaya napangiti ako.
“Yes. Wait for me.”
“Yes, Babe. I love you.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Images of Margaux came flashing back into my mind. What the f**k?!
Pumikit ako nang mariin. “I love you, too.” Mahina kong sabi bago ibinaba ang tawag.
Napaupo ako sa kama at napahilamos sa mukha. What the hell is wrong with me? Maybe I just need to get a lot of sleep.
Kinaumagahan ay si Shawn ang gumising sa akin.
“Daddy! Market! We’ll go to the market!”
Iyon ang sinisigaw sigaw niya sakin habang hinihila-hila ako pababa sa kama. Kinusot ko ang mata ko at ang mukha ni Shawn ang bumungad sa akin.
Agad akong bumangon at niyakap ang anak ko. “You were saying, big boy?” Tanong ko habang hinahalikan ang leeg niya.
“Mommy said we’re going to the market!” He replied in between his giggles and my tickles.
May kumatok sa pintuan ko at napatingin ako. Si Margaux. She’s wearing a sleeveless shirt and a tight pair of jeans. Akala ko ba magmamarket? Bakit nakaporma siya?
“Shawn wants to go with me to the grocery. Ang sabi ay gusto ka rin daw niyang isama.” Aniya.
Tumango ako at ibinaba si Shawn. “Alright. Magbibihis lang ako. Wait for me.” Sabi ko sabay gulo sa buhok ni Shawn.
Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Simpleng T-shirt at khaki shorts lang ang isinuot ko.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita kong nag-uusap sina Mela at Margaux.
“Hindi ako dito magdidinner mamayang gabi. May event kasi sa ospital.” Aniya.
Tumango si Mela. “Ano po kayang gusto ni Sir Quinn? Para po kasing mahirap magluto ng pagkain niya. Alam niyo na? Yayamanin, e.”
Ngumiti si Margaux. “Paborito niya iyong Kare-kare. Pero pwede mo naman siyang tanungin. Bibili na lang rin ako pang-kare-kare para sa kanya.”
Tumango si Mela. “Nahihiya po kasi akong kausapin siya.”
Tumawa nang bahagya si Margaux. “Mabait naman iyon.” Sagot niya.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Kay Margaux na mismo galing na mabait ako. Ang buong akala ko ay sisiraan niya ako. Huh? Pero hindi namin niya gagawin iyon. If she did, then sana pinasearch na ako ng magulang niya noong malamang buntis siya.
Bahagya akong umubo na siyang nagpalingon kina Mela at Margaux sa akin. Agad yumuko si Mela at mahina akong binati. Si Margaux naman ay walang emosyong nanood sa akin habang pababa ako sa hagdan.
“Nasa kotse mo na si Shawn.” Aniya.
Tumango ako at nilagpasan silang dalawa. Rinig kong may sinasabi si Mela sa kanya pero hindi ko na iyon pinansin. I felt good all of a sudden. And I don’t even know why…
Shawn was calling me from the window of the backseat. Kahit may cast ang isang kamay ay sobra pa rin siyang bibo. Parang walang sakit.
Pumasok ako sa kotse at inatras ito. Nakita ko si Margaux na may ibinibilin kay Mela na walang ibang ginawa kung hindi ang tumango lang. Lumingon sa kotse si Margaux at kumaway kay Mela bago naglakad papunta sa shotgun.
Pinanood ko siya habang inaayos ang seatbelt. Nang matapos siya ay nagtanong ako, “Ayos na?”
Tumango siya at saka ko pinaandar palabas ng bahay ang sasakyan. Malapit lang ang supermarket kaya hindi kami nagtagal sa biyahe. Hindi rin naman boring dahil andaming tanong ni Shawn at kailangan niya ng agarang sagot sa lahat.
Nang makarating kami ay kinarga ko si Shawn papasok sa grocery.
“Good morning, Ma’am.” Malaki ang ngisi ng crew kay Margaux ngunit nawala ito nang makita nila akong matalim na nakatitig sa kanila. Piss off!
“Mommy!” tawag ni Shawn kay Margaux kaya napatingin ito sa amin. Ngumiti si Margaux kay Shawn at hinintay kami.
Puro turo si Shawn habang naggogrocery at lagi naman siyang sinasabihan ni Margaux na hindi lahat ng bagay ay pwede sa kanya. Ngumunguso si Shawn pero wala pa rin siyang nagagawa dahil si Margaux ang batas. As early as his age, he already knows that rule.
“Pasta!” Sigaw ni Shawn sabay turo sa mga pasta noodles. “I want pasta, Mommy!”
Nilingon ni Margaux si Shawn at ngumiti. Nahagip rin niya ako sa tingin niya at bahagyang ngumiti bago kumuha ng ilang box ng pasta noodles at sauce.