Margaux

1709 Words
“Hindi ka sumabay?” Tanong ni Theo sa akin nang makaalis sina Quinn at Shawn. “Ayoko.” Maikling sagot ko. Tinitigan ako ni Theo. “You were so cold to him. Kita ko namang seryoso siya sa pagiging ama para kay Shawn.” Aniya. Ngumiti ako. “He has a girlfriend. She will hinder him from being a good father.” Tumaas ang kilay ni Theo. “Hindi ang girlfriend niya ang problema mo, Margaux.” Humalukipkip siya. Tumitig ako sa kanya. “You still have feelings for him.” Nanliit ang mga mata ko. “Wala na. Matagal na iyon.” Hearing that made me want to punch Theo’s face. Wala na akong nararamdaman para kay Quinn. Kung mayroon man ay puros galit na lang iyon. Hindi ako pwedeng makaramdam ng kung ano sa kanya. Si Shawn na ang buhay ko ngayon. Siya lang ang mahal ko. “Kung ganoon ay bakit ka nagsinungaling na nandito ang sasakyan mo? Dapat ay sumakay ka na lang doon para nakapagbonding pa kayo!” Humalakhak siya. Naningkit ang mga mata ko sa kanya. “You are not helping! Ayoko lang sumabay dahil galit ako!” Mas lalong lumakas ang tawa ni Theo sa sinabi. Kinurot ko ang tagiliran niya pero hindi pa rin siya tumitigil. Ano ba ang gusto niyang palabasin? Nag-usap ba sila ni Deonna tungkol dito? Pareho sila ng ipinipilit na punto! Hay naku! “Ihatid mo ako sa amin.” Utos ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya. “O tapos ngayon, magpapahatid ka sa akin? E, sana sumama ka na lang, nakatulong pa tayo sa pagbabawas sa air pollution!” Reklamo niya pero inirapan ko lang siya. “Tara na kasi! Andami mo pang arte, e!” Hinila ko na siya papuntang parking lot. Wala ring nagawa si Theo kaya hinatid pa rin niya ako sa bahay. Kahit na puro siya reklamo habang nagmamaneho, wala pa rin siyang magawa dahil nasa EDSA na kami. Nagpasalamat na lang ako sa paghatid niya sa akin at nangakong ililibre ko siya sa susunod na magkita kami. Patuloy pa rin siya sa pagrereklamo pero tinalikuran ko na lang siya. Theo and Deonna has been my closest friends in the hospital. Si Deonna dahil simula college ay magkakilala na kami, at si Theo dahil malapit ang departments naming dalawa. Maraming nanunukso sa akin at kay Theo pero hindi nila alam na ang gusto talaga ni Theo ay si Deonna. If Luke didn’t show up, there’s a chance that Theo would’ve gotten her. But well, that attorney is hot. Hindi ko alam kung mayroon bang bagong pinopormahan si Theo ngayon pero narinig ko siya minsang may tinatawag na honey sa phone niya, kaya malamang ay mayroon. And besides, Theo is handsome, and he’s a doctor. It actually says something about him. Laking pasasalamat ko nang makarating ako sa bahay bago sina Quinn. Siguro ay naglunch pa sila ni Shawn sa labas. Ayos na rin naman para hindi magutom ang anak ko. Pumasok ako sa bahay at tumambad sa akin si Mela na nanonood ng aerobics sa TV. Tumingin ako sa orasan. Tanghali na. Bakit ngayon lang siya nag-eexercise? “Ma’am!” Agad siyang umayos at pinatay ang TV nang makita ako. Parang nahiya pa. “Sige lang, Mela. Ituloy mo lang iyan.” Ngiti ko. There’s nothing wrong with exercising anyway. Mabuti pa nga siya at nakakapag-exercise. Samantalang ni jogging nga ay hindi ko magawa. “Ayos lang po, Ma’am.” Aniya at niligpit ang Yoga mat. “Asan po si Shawn?” tanong niya at luminga linga. “Kasama siya ng Daddy niya.” Sagot ko. Nanlaki ang mga mata niya. “Hinayaan niyo, Ma’am?” Halatang gulat siya. Si Mela, sa lahat ng tao, ang nakakaalam na ayaw kong malaman ni Quinn ang tungkol kay Shawn. Tumango ako. “Gusto rin naman ni Shawn.” Sagot ko. Kumurap-kurap si Mela sa akin. “E…bakit hindi po kayo sumama sa kanila?” Tanong niya. I understand her innocence kaya ngumiti na lang ako. “Kaya na nila iyon. Isa pa, si Shawn lang naman ang dapat kabonding ng daddy niya. Hindi ako kasama.” Sagot ko. Ngumuso si Mela bago tumango. “Siya nga pala, Ma’am, kumain na po ba kayo? Naghanda po ako ng lunch.” Ngumiti ako. “Sige. Sabay na tayo. Tawagin mo na rin si Kuya Peter. Magbibihis lang ako.” Sabi ko bago umakyat sa hagdan at nagbihis. Simpleng puting t-shirt at shorts lang ang isinuot ko at bumaba na sa kitchen para kumain ng tanghalian. Wala pa rin sina Quinn. Saan kaya niya dinala ang anak ko? Umupo ako sa hapag at pinasadahan ang mga hinandang pagkain ni Mela. Lahat ng paborito ni Shawn ay nakahain. Dapat pala ay sinabi kong dito na lang siya kumain para hindi nasayang ang luto ni Mela. Naroon na rin si Kuya Peter at tumutulong sa paghahanda ng pagkain. “Umupo na kayo. Sabay na tayo.” Sabi ko. Ngumuso si Mela at nahihiyang umupo sa harap ko. Ganoon rin si Kuya Peter. Hindi ko rin malaman kung bakit nahihiya pa sila gayong lagi ko naman silang inaayang sumabay sa pagkain. Kapag lang sina Mela at Shawn lang ang natitira sa bahay na hindi sila sumasabay dahil syempre, mahirap hayaang mag-isang kumain ang batang iyon. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang marinig ko ang busina sa labas. “Andyan na sila.” Sabi ko sabay tayo para buksan ang gate. “Naku, Ma’am! Ako na pong magbubukas.” Tumakbo si Mela sa gate para unahan ako sa pagbukas. Naiwan ako sa harap ng pintuan na nakanood lang sa pagpasok ng Range Rover ni Quinn sa garahe. Bumaba si Quinn sa kotse at madaling umikot para pagbuksan si Shawn. Nang makababa sila ay agad na tumulong si Kuya Peter sa pag-unload ng gamit. Tumatalon talon si Shawn na tumakbo kay Mela at niyakap ito gamit ang isang kamay bago tumakbo palapit sa akin. “Mommy!” Aniya at hinalikan ang pisngi ko. Awtomatiko ang ngiti ko habang niyayakap ang anak ko. “Did you eat?” Tanong ko. Tumango siya. “We ate at Sbarro. The pizzas were good!” masayang sagot niya. Ngumiti ako at nilingon si Quinn na tahimik na pinapanood kami ni Shawn. May ibinulong ito kay Kuya Peter bago lumapit sa akin. “Kanina ka pa nandito?” Tanong niya sa akin. Umiling ako. “Kakarating ko lang din. Kumakain kami nina Mela.” Sagot ko. Tumango siya at tumitig kay Shawn. “Matakaw pala talaga siya sa pizza.” Ngumiti siya. Tumango ako. “Paborito niya iyon. Minsan pati pasta.” Sagot ko. Naglakad na ako papasok habang karga karga si Shawn. Ibinaba ko siya sa sofa at binuksan ang TV para makanood ng cartoons. “Umupo ka muna riyan. Itatanong ko kay Mela kung ayos na ang kwarto mo.” Sabi ko kay Quinn. Hindi ko man aminin ay ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan namin. Sure, I may be acting really casual but it’s hard to pretend that everything’s fine. Hindi ayos para sa akin ang lahat. Hindi ayos para sa akin na dito siya tumira pero since nakakapagpasaya iyon sa anak ko, ayos na rin para sa akin. After all, what makes Shawn happy, makes me even happier. Ngayon ko lang nakitang ganito kabibo ang anak ko. Maybe the idea of having a complete family excites him. Maybe finally having a father makes him complete. Pero paano niya maiintindihan na hindi kami ang priority ng ama niya? Quinn has Louise. When given the circumstances, he’d choose her over my son. Kapag nangyari iyon, sobrang masasaktan ang anak ko. At dahil doon ay pati ako, masasaktan rin. Deonna and Theo told me not to think about the things that are not yet happening but what if it happens? Paano kapag hindi nagustuhan ni Louise ang lahat ng ito at dumating sa puntong papiliin niya sa Quinn? Kaya kong magtiis sa sakit at hirap pero hindi ko kayang makita ang anak kong nasasaktan. I can handle all kinds of hell all for myself just to spare my son from sadness and pain. Quinn sat beside Shawn and watched him as my son watched TV. Na kay Shawn lamang ang lahat ng atensyon niya. Somehow, looking at them from afar, it makes me hope that he would not hurt my son. Siguro naman ay natuto na siya sa nangyari kay Shawn ngayon. Siguro naman ay medyo pumapantay na si Shawn sa pagmamahal niya para kay Louise. Nang makapasok si Mela ay itinuloy namin ang pagkain bago ko siya tinanong kung ayos na baa ng kwarto ni Quinn. Apparently, may spare room kami sa tapat ng kwarto ko. Iyon ang pinalinis ko para maging kwarto ni Quinn. Nang sabihin ni Mela na ayos na ang room ay agad kong pinaakyat ang gamit ni Quinn sa kwarto niya. Konti lamang ang mga gamit niya. Siguro ay hindi rin naman siya dito lalagi. May bahay siya at alam kong triple iyon sa bahay na ito. Nang maghapon na ay nakatulog si Shawn. Si Quinn naman ay busy sa pag-a-unpack ng gamit sa mga maleta niya. Dumaan ako roon nang nagtungo ako sa kwarto kaya kita ko siyang nag-aayos. Lumingon siya sa akin at tipid na ngumiti. Tumango lamang ako bago pumasok sa kwarto ko. Ilang araw ang lumipas at hindi umuwi si Quinn sa bahay niya. Hindi rin siya umalis ng bahay. Busy siya sa pakikipaglaro kay Shawn. Kapag umaalis ako papuntang ospital ay naglalaro sila sa sala. Pagbalik ko naman galing trabaho ay kumakain sila o di kaya’y tulog na si Shawn. “It’s been days. Hindi mo ba namimiss si Louise?” Tanong ko nang magpang-abot kami ni Quinn sa kusina. Kumukuha ako ng tubig habang siya ay nagtitimpla ng kape. Lumingon siya sa akin at umigting ang panga niya. “I want to spend time with Shawn.” Iyon ang sabi niya. Nagkibit ako at tumango na lang. Hindi na ako nagtanong pa. Tumalikod ako pagkatapos kong uminom ng tubig para makapunta sa sala. Umupo ako sa sofa at nanood ng kung anong palabas sa TV. Naramdaman kong umupo si Quinn sa tabi ko. May isang metro rin siguro ang layo namin dahil sa magkabilang dulo kami nakaupo. Walang nagsasalita. Pareho kaming nakatingin sa TV. “I’m sorry.” Mahinang sabi ni Quinn sa akin. Hindi ako umimik. Kung dahil ito sa nangyari kay Shawn, ayoko nang marinig ang sorry niya. “I didn’t know you were pregnant. I was an asshole.” Pagpapatuloy niya. This time, parang tumigil ang mundo ko. Wala naman akong isinusumbat sa kanya. Kinaya ko naman ang lahat pero… “I’m sorry you had to go all through troubles and struggles alone. I wish I was with you.”   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD