bc

Lovers and Friends

book_age0+
227
FOLLOW
1.1K
READ
friends to lovers
student
drama
sweet
bxb
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Story of Love and Friendship

Nakilala ni Nathaniel si Mark sa school na pinasukan niya sa probinsiya ng Lola niya. Sa tatlong na taon na pagsasama nila ay mas lalong lumalim ang pagkakaibigan nila.

Mark is a certified womanizer. Halos lahat na yata ng magagandang babae sa school nila ay naging girlfriend na nito samantalang si Nat ay nanatiling single.

Magkaroon kaya ng lakas ng loob si Nat na sabihin kay Mark ang feelings niya na nabuo sa tatlong taon na pagkakaibigan nila?

Pero ano ang kahulugan ng halik na iginawad sa kanya ni Mark?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Minsan hindi mo pala talaga malalaman ang tunay na halaga ng isang tao sayo hangga't hindi siya tuluyang nawawala sa buhay mo. Kapag nawala na siya ay saka mo pa lang marerealize kung gaano mo siya kamahal." - Mark Oliver Redelicia Prologue Mark's POV 2019 Napahugot ako ng malalim na paghinga saka ako sumulyap sa orasan na nasa braso ko. 9:45PM Please, Nat! Huwag mo namang gawin sa akin ito. May fifteen minutes ka pa. Natraffic ka lang. Please! Bumalik ka na sa buhay ko. Kailangan kita. Kailangan ko ang bestfriend ko. Namimiss na kita. Kung alam mo lang kung gaano kita namiss. Ipagpapalit ko lahat ng mayroon ako makasama lang kita ulit. Sana panghabangbuhay na. Hindi bilang bestfriend ko kundi long time partner ko na sa pagkakataong ito. Tumayo ako mula sa bench na kinauupuan ko. Ilang beses akong nagpalakad-lakad. Puno ng kaba ang dibdib ko. Paano kung hindi siya dumating? Isusuko ko na ba talaga siya? Pero hindi ko yata kaya. Ilang taon din akong nagtiis na wala siya. Ilang taon ko siyang hinanap. Pero kung ayaw na talaga niya sa akin ay kailangan ko na siyang bitawan. Masakit man para sa akin ay kailangan. Kasalanan ko rin naman kung bakit pinili na niya na layuan ako. Dahil asshole ako. Muli ay sumulyap ako sa relo ko. Five minutes na lang 10pm na. Nasaan na ba siya? Halos pitong oras na akong naghihintay dito. Pero may apat na minuto pa ako. 12:30AM ang flight ko patungong London. Kapag hindi ako sinipot ngayon ni Nat ay wala na akong ibang pagpipilian pa kung hindi ang bumalik na lamang ng London kung saan na naninirahan ngayon ang buong pamilya ko. Sumulyap ako sa main entrance ng Global Garden. Kahit anino ni Nat ay hindi ko pa nakikita. Nanlulumo ako na muling napaupo sa isa sa mga bench na naroon. Tiningala ko ang madilim na kalangitan. Napakarami ng bituin sa langit. Kagaya rin ng una naming pagsasama ni Nat. Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng isang butil ng luha mula sa mata ko. Mabilis ko iyong pinahid saka ako suminghot. Muli kong sinulyapan ang relo ko. Exactly ten na pero wala pa rin si Nat. Darating kaya siya? Nanlulumo ako na napayuko na lang kasabay ng pagdaloy ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
417.0K
bc

The Wedding Betrayal (Tagalog-R18)

read
573.2K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.8K
bc

The Daughter of Darkness (TAGALOG-ROMANCE)

read
209.7K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook