Chapter 25 Napanaginipan ni Zara kagabi ang bunsong kapatid niya na si Zabina. She was just calling her. Gustuhin man niyang sumagot ay hindi siya makasagot sa panaginip niya. She just kept watching her sister as she calls her name. Buong maghapon tuloy na malungkot si Zara. She misses her Mom and sister. And she's praying for the both of them. Palagi niyang ipinagdarasal na sana ay nakamove on na ang mga ito. Na sana ay masaya at malusog ang dalawang mahal niya sa buhay. She was also praying that Rupert is not doing anything bad to them now that she is not around. Naglalakad siya habang dala ang mga pinamili nila ni Manang galing sa palengke. Wala siya sa sarili dahil sa lalim ng iniisip. Hindi niya napansin na nasa harap na pala niya ang amo niya at nauntog na siya sa matigas na dibd

