Chapter 24 "Manang, have you seen Ara? I brought her back last night. Pero wala siya sa kwarto niya," tanong ni Axel sa matanda na nasa kusina. "Ah, nasa likod si Ara, Hijo. Nagsisiga ng mga basura," tugon naman ni Manang Sabel na kasalukuyang naghihiwa ng mga gulay na lulutuin. Kaagad namang tumalikod si Axel para puntahan si Ara na nasa likod bahay raw. Naabutan niya nga itong kasalukuyang nagtatambak ng mga tuyong dahon sa gilid ng puno ng mangga. Sinigaan nito ang mga tuyong dahon na winalis nito. Nagkanda-ubo-ubo pa nga ito sa usok dahil napupunta sa direksyon ng mukha nito ang usok kahit na iniiwasan naman na ni Zara 'yon. "Ano? Magpapaalam ka na ba sa pinapasukan mo na carinderia? Kuhanin na rin natin 'yong gamit mo ro'n sa tinutuluyan mo," aya pa ni Axel. Napalingon naman si Z

