Kabanata 1

2566 Words
“Althalia Bria Gonzaga,” rinig kong tawag sa akin ng isang professor na kadarating lang sa aming room. Mabilis kong itinaas ang aking kamay upang ipaalam sa kaniya na ako iyong tinawag niya. Unang araw ko ngayon sa kolehiyo at 3rd year college na ako ngayon. Tinignan ako noong ng aking professor at tinanggal niya pa ang kaniyang salamin upang makita ako. “Pinapatawag ka sa scholarship office,” she said shortly and left. Mabilis akong tumayo at lumabas sa aking room upang magpunta sa office. Alam ko na naman na ipapatawag talaga ako ngayon dahil hindi maganda ang naging mga marka ko noong nakaraang semester at halos bumagsak pa ako sa ilang subjects mabuti na lang at naagapan ko pa. Kabado ako ngayon dahil hindi ko alam kung ipapatanggal na ba ako sa scholarship dahil sa tagilid kong marka o kakausapin lang. May maintaining grades akong dapat na maabot ngunit last semester ay may isang subject ako na hindi umabot sa maintaining grade ko. Iyak ako ng iyak noong mga panahong iyon dahil minor subjects lang naman iyon ngunit halos bumagsak na ako at mas mahirap pa kaysa major subject ko. Noong nakarating na ako sa pintuan ng office ay isang malalim na hininga ang pinakawalan ko dahil sa kaba na aking nararamdaman. Mariin ko rin na ipinikit ang aking mga mata at pinakalma ang sarili. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari ngayon ngunit kailangan kong mag-isip ng positibo upang mawala ang pangamba ko. “Good morning po,” bati ko kaagad kay Ma’am Diane, ang head ng scholarship office. Inangat niya ang tingin niya sa akin at nginitian ako. “Good morning, Miss Gonzaga,” pagbati niya rin. Papalapit pa lang ako sa table niya ngayon. Ang scholarship office ay hindi kasing laki ng mga normal na office kaya mabilis lang ako na nakarating sa harapan niya. Napansin kong mag-isa lang siya ngayon dahil siguro maaga pa kaya hindi pa nagsidatingan ang mga kasamahan niya. “Ms. Gonzaga, please take a seat so that we may begin.” She said to me. Magalang akong ngumiti sa kaniya habang umuupo. I may appear calm on the outside but my heart is about to burst inside. May binabasa si Ma’am Diane na isang dokumento bago humarap sa akin at ibinaba iyon. “I can see that you are having a problem with a certain subject,” diretsong sabi ni Ma’am Diane sa akin. Mahina akong tumango sa kaniya, tila ba nahihiya akong aminin iyon. She pleasantly smiled at me and my nervousness is slowly vanishing because of her smiles. “I’m just going to give you a warning, Ms. Gonzaga. Alam ko na kasipag ka at kung gaano ka kapursigido bilang isang mag-aaral kaya noong nakita ko ang marka mo ay ipinatawag kita agad dahil nag-aalala ako. May problema ka ba?” nag-aalala niyang tanong. “Thank you for your concern, Ma’am Diane, ngunit ayos lang po ako. Nahihirapan lang talaga ako sa subject na iyon dahil hindi ko forte iyon,” nahihiyang amin ko. I lied. May problema talaga ako at naapektuhan ang marka ko ngunit hindi ko sasabihin iyon dahil problema ko naman iyon. “I’m really glad to hear that pero kung may problema ka h’wag kang mahihiyang magsabi lalo na kapag naapektuhan na ang marka mo,” she said. Napangiti ako sa kaniyang sinabi at mahinang tumango. She sounded like a mother just right now and it makes my heart ache a little. “Yes po, Ma’am. Pasensiya na po at pinag-alala ko kayo,” paghingi ko ng tawad sa kaniya. “No worries, Ari. Thank you for coming here,” mabilis niyang sagot sa akin. “Thank you rin po. Bye,” magalang kong sambit at mabilis na tumayo at lumabas sa office. Noong nakatapak na ako sa labas ng office ay isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang hinahawakan ang puso kong hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kalabog. “Bria,” rinig kong tawag sa akin galing sa aking likod. Madiin kong nahawakan ang puso ko dahil sa gulat ko. Galing iyon sa aking likuran kaya mabilis akong lumingon sa kaniya. Alam ko na naman agad kung sino iyong tumawag sa akin dahil simula last semester ay Bria na ang tawag niya sa akin. “Nakakainis ka. Ang sabi ko h’wag mo ako tawaging Bria,” inis kong sabi habang naglalakad papunta sa kaniya. Tinaasan ako ng kilay ni Calum habang tinitignan akong lumalapit sa kaniya. Nakatayo siya malapit sa hagdanan kaya gumilid siya kaunti upang makadaan ang mga estudyanteng papunta sa taas. “Okay, Bria,” madiin niyang sabi at ngumisi sa akin. Inismiran ko siya at naunang umakyat sa hagdanan. Hindi naman kami close ni Calum ngunit magkaibigan kami dahil simula first year ay magkaklase na kami ngunit noong last sem lang talaga kami nagsimulang magpansinan. “Tapos ka na ba sa assignment mo sa arts?” tanong niya sa akin. Marahan akong tumango sa kaniya. May assignment kami kaagad kahit unang araw pa lang ito ng klase dahil last week ay sinend na ng professor namin ang lesson namin sa week na ito at may pinasagutan kahit na bakasyon pa naman. “Oo, bakit?” tanong ko ngunit hindi ako nakatingin sa kaniya. Mabilis siyang umakyat sa hagdanan at tumabi sa akin habang naglalakad kami kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Magpapakopya ka ba?” seryosong tanong niya. Huminto ako sa paglalakad at tinignan siya. Ayos lang naman sa akin na kumopya siya sa assignment ko pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit ang feeling close niya na sa akin ngayon. “Oo pero may bayad,” seryosong sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman kong nakasunod na siya sa akin ngayon. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa nakarating na kami sa classroom. Umupo ako sa upuan ko at kinuha ang papel ko kung nasaan ang assignment na ipapakopya ko ngunit nagulat ako ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko habang hawak ang cellphone niya. “Bank transfer ba o gcash?” nagtatakang tanong niya. Seryoso ko siyang tinitigan na tila ba nagtataka sa sinabi niya. Nag-jo-joke lang naman ako roon sa ipagbabayad ko siya pero bakit sineseryoso niya naman masyado? “Joke lang ‘yun,” mabilis kong sabi at ibinigay sa kaniya ang assignment ko. Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan ang hawak kong papel. “Sure ka? Hingin ko na lang gcash number at account number mo,” pangungulit niya. Umiling ako sa kaniya. Napansin ko ang pagpasok ni Avi sa aming classroom kaya mabilis kong kinuha ang kamay ni Calum upang ibigay ang assignment ko at tinulak siya paalis sa harapan ko. “Naks, ang bright naman ng future natin diyan, mars,” panunukso niya habang papalapit sa akin. Inismiran ko siya at hindi pinansin ang sinabi niya. The reason why I don’t want to get close to Calum is because of our social status. Ang yaman-yaman niya kaya ayokong mapalapit sa kaniya dahil baka sabihin na kaya lang ako nakikipagkaibigan sa kaniya dahil sa pera. Noong first year pa lang kami ay hindi ko talaga siya pinapansin kahit na kinakausap niya ako. Calum is a quite type but he’s friendly. Lahat siguro ng kaklase ko kaibigan niya at ako lang ang hindi kaya kinakausap niya ako last sem. “Magiging Mrs. Rodriguez ka na ba?” panunukso ulit ni Avi sa akin habang umuupo sa tabi ko. Inirapan ko siya at itinuko ang siko ko sa aking arm chair dahil inaantok pa ako. “Pakopya naman ng assignment, Mrs. Rodriguez,” Avi teased me once again. Nilingon ko siya at nakitang nakangiti siya sa akin. “Kunin mo kay Calum,” tamad kong sagot sa kaniya. Gulat niya akong tinignan at nilingon pa si Calum sa kaniyang upuan. “Bakit nasa kaniya?” nagtatakang tanong niya sa akin. “Nangongopya,” tipid kong sagot. Malakas na tumawa si Avi at mahinang hinampas ang braso ko. “Ilusyunada ka. Baka ikaw ang nangongopya sa kaniya,” pagbibintang ni Avi sa akin. Alam ko naman na iyan ang magiging reaksiyon niya kaya hindi na ako nagulat pa. Calum is very smart kaya nga nagulat din ako kanina noong sabi niyang mangongopya raw siya. “Bahala ka kung ayaw mong maniwala,” I confidently said and looked at Calum who’s busy writing. Naramdaman kong tumayo si Avi at nakita ko na lang siyang naglalakad patungo sa upuan ni Calum. Inangat ni Calum ang kaniyang tingin noong nakarating si Avi sa kaniyang harapan. Nag-usap silang dalawa at biglang lumingon si Calum sa direksiyon ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nakitang ibinigay niya kay Ari ang papel ko tapos biglang tumawa si Avi nang may sinabi ni Calum sa kaniya. Medyo malayo ang upuan namin ni Calum kaya hindi ko marinig ang kanilang usapan ngunit sa tingin ko ay nakakatawa iyon dahil halos mamatay na si Avi sa katatawa. Makalipas ang ilang minute ay bumalik na rin si Avi na may malaking ngisi sa kaniyang labi. “Pinapasabi ni Calum na mali raw ang sagot mo sa number two kaya tinama niya,” Avi said with smile on her face. Mabilis kong kinuha sa kaniya ang aking papel at tinignan ang mali ko. Kunot-noo kong pinagmasdan ang sulat kamay niya, ang kaniyang sulat kamay ay napakalinis at capital letters lahat. Nakita kong may pinalitan nga siyang terminologies doon ngunit hindi ko na iyon pinalitan dahil alam ko naman na matalino siya. “Ari, alam mo ba na hindi kinopya ni Calum ang sagot mo?” tanong niya sa akin habang umuupo. Naintriga ako sa kaniyang sinabi kaya lumingon ako sa kaniya. “Kung hindi siya nangopya sa akin ‘di ano ang kailanagn niya sa papel ko?” pabalik kong tanong kay Avi. Nakatitig lang ako sa kaniya ngayon habang siya ay pinipigilan ang kaniyang tawa. “Girl, kinukumpara niya ang sagot mo sa sagot niya dahil baka raw bumagsak ka na talaga ngayon,” natatawang sabi niya. Umawang ang labi ko sa kaniyang sinabi at mabilis na tinignan si Calum sa kaniyang upuan ngunit wala siya roon. “At bakit niya naman gagawin iyon?” I said while looking at Avi now. “Hindi ko alam, baka gusto niyang maging friends na kayo. Ang choosy mo kasi,” sagot niya sa akin habang may kinukuha sa bag niya. “Oo nga, Ari. Mabait naman si Calum,” dinig kong sabi ni Davi mula sa likuran ko. Lumingon ako at nakita siyang kadarating lang at umupo sa tabi ko. Nasa gitna nila akong dalawa ngayon at pinatutulungan ako tungkol sa bagay na iyon. “Ayoko nga siyang maging kaibigan,” naiinis kong sagot. Simula noong first year kami ay alam na nila na ayaw ko talaga makipagkaibigan sa mga mayayaman lalo na kung lalaki. Oo, mayaman naman ang mga kaibigan ko ngunit iba si Calum. Nasa ibang planeta ang pagkamayaman niya kaya ayokong maging kaibigan siya. “Ah, gusto mo pala mahigit pa sa pagkakaibigan,” narinig kong sabi ni Blaze mula sa likuran ko. Masama ko siyang tinignan habang malakas naman silang tumatawa ni Avi at Davi. “Hindi ka kasali rito,” pang-aabog ko sa kaniya. Huminto siya sa pagtawa at mabilis na lumingon sa may pintuan. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita si Calum na papasok at may hawak na chuckie sa kamay. “Calum, gusto raw ni Ari more than frien-“ hindi na natapos ni Blaze ang kaniyang sasabihin dahil sinipa ko ang paa niya kaya napa-aray siya. Nagtataka akong tinignan ni Calum ngunit tinitignan ko lang siya gamit ang blanko kong mukha bago ko ibinalik ang atensiyon kay Blaze na tumatakbo na papalayo sa akin. Halos silang lahat ay alam kung gaano ko kaayaw maging kaibigan si Blaze at palagi nilang sinasabi sa akin na paranoid lang daw ako masyado. Mayayaman ang mga kaklase ko ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang maging kaibigan si Calum. Maybe I don’t really like him or maybe I have other reasons but I’m just denying it. Hindi pa nagsisimula ang klase ngunit gusto ko na umuwi dahil masama ang pakiramdam ko. Kulang ako sa tulog ngunit iba talaga ang nararamdaman ko ngayon at tila ba kinakabahan ako kahit wala naman akong dapat ipangamba dahil ayos na naman ang scholarship ko. Balisa ako ngayon at hindi alam kung itutuko ko baa ng kamay ko sa armchair ko o tatayo. Hindi ko alam kung bakit ngunit iba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang ingay ng mga kaklase ko ngayon dahil unang araw at nag-uusap sila ngunit kahit gaano sila kaingay ay narinig ko pa rin ang pagtunog ng cellphone ko kaya mabilis ko iyong kinuha sa aking bag at binuksan ng hindi tinitignan. From: Tita Jelly Nasa hospital kami ngayon. Inatake ang lolo mo ngunit maayos na naman ang lagay niya. H’wag ka pumunta rito dahil nandito ang Tita Marites mo at kung baka ano pa ang gawin sa iyo dahil galit siya. Bigla akong nanlamig sa aking nabasa at hindi alam kung ano ang gagawin. Gustong-gusto kong tumakbo papunta sa hospital ngayon ngunit gaya ng sabi ni Tita Jelly ay hindi ako pwedeng pumunta muna roon dahil nandoon si Tita Marites, ang legal na asawa ng papa ko. “Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala,” nag-aalalang tanong sa akin ni Davi noong natapos na ang klase namin ngayong araw na ito. Half day lang kami ngayon dahil orientation lang at pinasa ang assignment naming. Hindi ako halos makatingin sa kanila dahil naiiyak ako. Ayokong makita nila akong umiiyak dahil ako ang matatag sa aming tatlo kaya dapat hindi nila makita na nasasaktan ako. “Ayos lang ako. Inaantok lang medyo,” pagsisinungaling ko habang inaayos ang bag ko. “Uuwi ka na ba?” tanong naman ni Avi sa akin. Tumango ako. “Oo, may gagawin pa ako sa bahay,” I lied again. “Sayang, pupunta pa naman sana tayo sa bahay nila Blaze,” Avi said. Tumango ako sa sinabi niya ngunit hindi talaga ako makakasama dahil nasa ospital ang lolo ngayon kaya kailangan kong pumunta roon. Ilang oras na naman ang nakalipas noong na-receive ko ang text kaya baka umuwi na si Tita Marites. “Next time na lang, Avi,” sambit ko at mabilis na tumayo at hinalikan ang kaniyang pisngi. Nagmamadali ako ngayon kaya halos makalimutan kong magpaalam kay Davi na umalis pala kaya noong nagkasalubong kami sa hallway ay saka lang ako nagpaalam. Mabilis akong naglalakad ngayon at halos takbuhin ko na ang daan patungo sa gate upang mabilis akong makarating doon. Alam ko na naman kung saan ako pupunta dahil isang hospital lang ang pinupuntahan nila kapag inaatake si lolo. Habang naglalakad ako ay hinahalungkat ko ang aking bag upang hanapin ang wallet ko dahil sasakay na ako ng jeep ngunit hindi ko makita iyon. Inis akong huminto sa gilid ng yellow box upang hanapin ang wallet ko ngunit habang ginagawa ko iyon ay may pumaradang itim na BMW sa harapan ko. “Bria,” a gentle voice called me. Mabilis kong inangat ang aking tingin at nakita si Calum. Lumaki ang aking mga mata at lumingon sa aking paligid dahil baka may ibang nakakita sa amin at baka pagchismisan kai. “Where are you going? Hatid na kita,” nakangiting sabi niya at binuksan ang pintuan ng kaniyang sasakyan galing sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD