WHEN I was a kid, I met a boy who was at my brother's age. He's an angel that god gave me. I called him my superman.
"Sampaguita kayo r'yan!" Sigaw ko sa tapat ng simbahang katoliko sa balibago. Linggo kasi ngayon kaya rumaraket ako.
"Pawis kana bata." Saad ni Lorenzo, kaibigan ko mula elementarya hanggang ngayon.
"Pake mo ba, duon ka na nga. Aagawan mo pa ako ng bibili sa'kin ee." Saad ko kay Lorenzo na naiinis at lumayo ng dalawang hakbang.
"Aba ayos ka ah, ubos na ang tinda ko." Saad nito sa'kin kaya napa tingin naman ako sa kamay niya. Wala nga siyang hawak.
"Ubos lahat? Paano?" Tanong ko kay Lorenzo at ngumisi siya. Hindi niya sasabihin.
Maya-maya ay dumating na sila Enzo at tatlo niyang minions na mahina rin ang utak.
"Pwesto namin 'to, summer." Mayabang na saad ni Enzo sa'kin kaya natawa naman ako kaya siya nainis.
"Hindi ko talaga alam kung binibiro mo si lord, alam mo kung bakit? Napaka sama ng ugali mo tapos nag titinda ka ng sampaguita? Good joke." Pang-iinis ko kay Enzo kaya naman ang dalawa niyang kasama ay nainis din. Nakakatawa naman.
"Sana kung pwesto niyo 'to nilagyan niyo ng pangalan niyo para malaman kong sainyo nga talaga' to. Kaso wala, edi no choice dito ako pwepwesto." Dagdag ko pa kaya lalo silang nainis. Susuntukin na sana ako ni Enzo kaso may matangkad na lalake ang humarang at hinawakan ang kamao ni Enzo. Napatingin ako sa lalake, gwapo kamukha niya si Mingyu na may pagka Baek Yun Woo ng Queen of Tears, mabango amoy mayaman, at superman sa bait.
"You're gay if you punch this girl, kid. I can make you go to DSWD if you still insist to punch this girl, do you want that?" Ingles na saad ng lalake kay Enzo at takot namang tumakbo ang tatlo papalayo sa'min. Nang okay na at sapat na ang pagkakalayo ng tatlo ay lumuhod ito dahil hindi niya ako abot, eleven years old palang ako tapos parang kaedad niya lang ang panget kong kuya.
"How much your sampaguita, little bird?" Saad ng gwapong lalake sa'kin at ngumiti ako sakaniya.
"20 po isa. Kung lahat po... 160 po." Saad ko kay kuya gwapo at ngumiti ito. May kinuha siyang wallet sa bulsa niya at kumuha ng 500 sabay binigay sa'kin kaya binigay ko rin ang sampaguita sakaniya.
"Thank you po... Kunin ko lang po panukli ko." Saad ko sakaniya at pupunta na sana ako sa ale na pinagpatabi ko ng mga pinagbebentahan ko kaso pinigilan ako ng lalake.
"Sayo na ang sukli, you need to go home they might come back." Saad nito sa'kin at humawak sa ulo ko.
"I'll go, be careful little bird." Dagdag nito sabay tayo at agad na nagtungo sa sasakyan niya. Sinundan ko ang tingin ng kotse hanggang sa hindi ko na ito makita pa. Ngumiti akong tumingin kay Lorenzo at nakabusangot naman ito.
"Ang gwapo na nga, ang bait pa." Sabay naming saad kaya natawa kaming dalawa.
"Mas gwapo pa ako sa mga nakikita mong dumadaan sa harap ng simbahan." Dagdag niya.
"Atshaka hindi na kayo magkikita non gaya nung mga nakaraang araw, linggo, buwan at taon na sinabihan mo rin niyan." Saad ni Lorenzo sa'kin kaya nag-kunwari akong nasusuka.
"Ano kaya pangalan niya? Should I call him my superhero?" Tanong ko kay Lorenzo at umiling naman ito.
"Tara na baka bumalik nga sila Enzo, malalagot ka talaga sakanila." Takot na saad ni Lorenzo kaya hinayaan ko nalang siyang hilahin ako pauwi dahil ganun din ang nasa isip ko.
Masaya akong umuwi sa bahay. Maliit lang ang bahay namin, maliit, masikip, at maraming chismosa.
Nakita ko sila mama at papa na nag-uusap sa kusina na para bang ayaw nila ituloy kung ano mang pinag-uusapan nila.
"Ma, Pa, nandito na ako." Ngiti kong saad sa kanilang dalawa at yumakap sakanila.
"Oh anak ngiting ngiti ka r'yan, nabenta mo ba lahat?" Saad ni mama sa'kin at tumango ako sa tanong niya.
"Ang bait nga nung lalakeng pumakyaw sa sampaguita ko ee, napaka swerte talaga ng buwan na 'to." Saad ko kay mama kaya tuwang-tuwa sila ni papa.
"Nakamagkano ka ngayon anak?" Tanong ni papa. Agad ko namang kinuha ang pera sa maliit kong bag at ipinabilang kay papa.
"1,300? Nabayaran mona ba ang ale?" Tanong ni papa sa'kin kaya tumango ako bilang sagot.
"Pagpalain sana siya ng may kapal anak." Saad ni mama ng makita ang pagtango ko kaya ngumiti ako ng napaka lalim. Sa napaka bait niya panigurado pinalaki siya ng magulang niya ng mabuti gaya ko.
"Tara na po at kumain na tayo. May pasok pa po ako." Saad ko kay mama at papa kaya tinulungan na nila akong maghanda at humalik sa'kin si mama na panigurado ay nag-papasalamat siya.
Matapos naming matapos ang pagkain ay agad naman akong naghanda ng uniporme pamasok sa eskwelahan. Papasok na sana ako ng banyo pero nakita ko si mama sa pinto na nagdadalawang-isip pumasok sa kwarto ko.
Taas kilay kong tinanong si mama, "Ma? Bakit? May problema ba?" Agad kong tanong matapos siyang lapitan.
"Halika rito anak." Saad ni mama sa'kin at naupo kami sa kama.
"Bakit po mama?" Tanong ko.
"Ito... Regalo namin ng papa mo sa'yo." Saad ni mama sa'kin at ibinigay ang ecobag ng rain or shine premium paint—kung saan si papa nagtratrabaho, merchandiser—. Nagtataka ko namang kinuha ang ibinigay ni mama. Binuksan ko ang ecobag ng may pagtataka sa mukha at nang makita ang laman ay laking ngiti ang pumorma sa aking labi. Cellphone? Saan nila nakuha pambili neto? Inutang nila? Pero... Ang ganda naman ng cellphone na 'to. Xiaomi.
"Tapos na po kaarawan ko mama, para saan po ito?" Tanong ko.
"Para' yan sa paghihirap mo bilang anak namin, pambawi namin ng papa mo. Pangako namin ni papa sa'yo na aahon tayo para hindi na ikaw ang parang tumataguyod para sa'tin." Saad ni mama habang hawak-hawak ang ulo ko at minamasahe ito ng dahan-dahan. Ngumiti ako kay mama at itinuon ang pansin sa cellphone. Binuksan ko na at natuwa ako dahil may cellphone na ako. Ang tagal kong gustong makabili ng ganito kahit mumurahin lang kaso hindi makaipon dahil sa mga nangyayare sa bahay.
"Pero ma... Paano kayo nakabili neto? Ang mahal ng ganitong cellphone." Tanong ko kay mama pero ngiti siyang umiling.
"Huwag mo na isipin 'yon anak basta makapag-aral ka lang ng maayos, okay na' yon para sa'min ng papa mo." Saad ni mama sa'kin kaya tumango nalang ako at tumayo na.
"Maliligo na ako ma. Baka malate ako sa school." Saad ko kay mama kaya tumayo na rin siya at humalik sa'kin.
"Ihahatid ka ng papa mo sa school."Paalala ni mama kaya tumango ako at lumabas na siya ng kwarto.
Itinabi ko ang cellphone ko at nagtungo na sa banyo. Matapos kong asikasuhin ang sarili ko ay dali-dali akong bumaba para tawagin si papa para magpahatid.
"Pa, papasok na ako." Saad ko kay papa kaya dali-dali siyang tumayo sa inuupuan niya at pinatay TV.
"Ma, alis lang kami ng anak mo. Mag-uuwi ako ng paborito mo mamaya." Saad ni papa kay mama habang nasa pinto kami at tumango si mama sabay kumaway.
Inihatid ako ni papa sa eskwelahan at nag bigay ng 50 pesos. Sinalubong ako ng mga elementary classmates ko hanggang ngayon, Julie—babaeng may gusto kay Lester—, Clarett—babaeng mainitin ang ulo pero soft-hearted—, Lester—lalakeng gusto si Julie pero takot sa tatay—, at si Lorenzo—pinaka close ko sa lahat, walang puso— niyakap nila ako dahil tuwang-tuwa sila dahil may cellphone na ako.
"Aba-aba may cellphone na si Summer." Saad ni Julie sa'kin at mahinhin akong tumawa.
"Regalo sa'kin nila mama at papa. Matuwa kayo kasi hindi na ako makikichat sainyo." Saad ko sakanila kaya nagkatawanan na naman sila.
"Mag h-hotspot nalang?" Pilosopong tanong ni Lester sa'kin kaya umiling ako't tumawa.
"Nag load ako kanina r'yan sa labas. Ginamit ko baon ko." Saad ko sakanila at tumango lang sila.
"Then lets go na. We're running out of time." Saad naman ni Clarett na nagmamadali at ayaw malate kaya nag madali nalang din kami. Napaka aga pa sis.
Klase namin ng dalawang oras at sa loob ng dalawang oras ay tatlong subject na. Matapos ang pangatlong klase ay nagyaya si Clarett na mag canteen pero nung umaayaw ako ay hinila ako nila Lester at Lorenzo papuntang canteen. Wala akong magagawa kundi sumunod sa kanila dahil isa lang ako tapos apat sila.
"Don't worry we will treat you. Right?" Saad ni Clarett saming lahat at tumango naman ang mga kasama.
"Lagi nalang kasi akong nagpapalibre tapos hindi ko kayo malibre parang hindi ako kaibigan." Saad ko sakanila at tinakpan naman ni Julie ang bibig ko.
"Wala kayong narinig 'di ba? Kaya tara na' t kumain." Saad ni Julie kaya naman bumili na sila ng makakain at pumili ng kakainin ko. Lahat sila ay may binili para sa'kin kaya tinitignan ako ng ibang mga estudyante. Sa canteen na kami kumain dahil may table naman duon. Matapos kumain at mag-ingay sa canteen ay paakyat na sana kami sa third floor ngunit nadawit kami sa maliit na gulo.
"Ay sorry po." Pagpapasensya ni Julie ng may hindi siya sinasadyang mabungo na babae.
"Sinadya mo 'yon ee." Saad ng babae kaya agad naman kaming nagtinginan.
"Nagkakatuwaan kasi kami pasensya na." Saad ni Lester habang nakagitna sa dalawa pero hindi tumigil ang babae.
"No sinadya niya' yon, she's julie." Agad namang dinepensahan ni Clarett ang kanyang pinsan.
"Girl stop being immature here, you're making small thing into a big deal. She already said sorry why not accept it and leave? Just move on" Saad ni Clarett sa babae kaya hinawakan ko ang kamay nito para tumigil na dahil iba siya mag maldita kesa samin ni Julie. Low tempered person kasi si Clarett.
" May galit nga sa'kin si Julie since elementary and now you're telling me to move on? Baka siya ang hindi pa nakakapag move on." Saad ng babae sa'min kaya lalo kaming nainis pero pinipigilan lang namin dahil palapit kami sa faculty and guidance.
"You're right. She can't move on and she's with your crush oh. Mang-aagaw nga naman." Saad naman ng kasama ng babae at itinulak si Julie, kaya naman nahilahan siya ng buhok ni Clarett. Sabi na ee.
"Don't push my cousin! She didn't steal any of yours because it's hers. Stop daydreaming girl." Inis na saad ni Clarett at gaganti na sana ang dalawa pero may dumating na nakakataas na guro. Eto na nga ba ang sinasabi ko.
Taka itong tumingin sa'min at nagtanong, "Anong nangyayari dito?"
"Misunderstanding lang po Sir.Macao between this two girls." Saad ni Lester sa nakakataas na guro at tinuro si Julie at ang babae.
"Siguraduhin niyo 'yan tatandaan ko kayo. Kapag nalaman kong kayo ulit ang maingay at may ganitong pagtitipon pakitawag nalang ang mga magulang niyo. Pumasok na kayo." Saad nito kaya agad naman kaming tumango sabay sorry at tumakbo na papasok ng classroom.
Muntikan na kami ron.
Kinakabahan kami nila Clarett dahil baka mag-abang ang dalawa sa labas at mag-tawag ng kasama. Mga bugok pa naman mga lalake naming kasama.
"Should I call my driver this time? I dont want to walk muna." Saad ni Clarett sa tabi ko at hindi ako makapag salita dahil nakatingin sa'kin ang teacher. Mukhang ako na naman ang tatawagin ah. Nang luminga ito ay bumulong ako.
"Dapat nga." Bulong ko.
Ilang oras ang nakalipas ay uwian na namin at hanggang gate lang kami ng building namin dahil nasa pinaka labas ang dalawa. Nagtago kami pero huli na.
"Wow ah, takot na takot?" Tanong ng babae sa'min kaya tumayo kami na confident pa rin kahit takot... mapatawag ang magulang. Lalo na ako.
"Nag sorry na nga kasi siya ah. Why not tigilan niyo na kami?" Saad ko sa dalawa at pilit na umaalis sa pagkakaharang nilang dalawa.
"You're weak." Saad ng isang babae at itinulak ako dahilan para masugatan ang tuhod ko.
"You're too much huh!" Panlalaban ni Clarett pero sinabunutan lang siya ng babae na sinabunutan niya rin kanina.
"Ouch!" Pag-daing ni Clarett sa sabunot ng babae. Binitawan nga ng babae si Clarett pero tinulak niya rin ito.
11 years old ba talaga 'to?! Sanay sa away? Hindi siguro minamahal 'tong mga 'to.
"Tama na!" Patakbo ni Lester papunta sa'min at itinayo si Clarett at si Lorenzo naman ang nagtayo sa'kin.
"Stupid, bakit ngayon lang kasi kayo!" Inis na saad ni Clarett sa dalawa habang pinapagpag ang sarili mula sa pagkakadapa.
"Summer may dugo tuhod mo." Gulat na saad ni Lorenzo na agad niyang ipinamutas ang panyo niya at itinali sa tuhod ko.
"Ayos lang malayo sa bituka." Saad kong may pananakit sa boses kaya hindi siya naniwala.
Pagsasabihan na sana ni Lorenzo ang dalawa pero dumating ang kanina ring sumaway sa'min kaya agad kaming nagtago sa likod nila Lorenzo at Lester.
Lagot na.
"Huwag mo sasabihing misunderstanding na naman ito, Clavez." Saad ni Sir. Macao kay Lester at hindi umimik si Lester sa sinabi nito. SSLG kasi si Lester ng Balibago Integrated High School — Extension tapos ganito madadawit sakaniya.
"Bukas na bukas kasama niyo ang mga magulang niyo o ang kahit na sinong myembro sa pamilya niyo na mag paliwanag. Babagsak sa ESP ang hindi magdala sa faculty bukas." Saad nito na kinabagsak ng katawan namin at mukhang walang pake ang dalawang babae dahil mukhang mapera sila.
Nakita ko 'yung CCTV sa itaas ng second floor kaya may naisip akong plano. Kaso ang magdala ng magulang ay hindi pwede. Ayoko malaman 'to nila mama at papa.
"Sir... Nauna po sila. Nadapa nga ako dahil—" Pagpapaliwanag ko na naputol dahil tinalikuran lang ako nito pabalik sa building.
Anong klaseng mataas na guro ang tulaf niyang hindi nakikinig sa ganitong usapan?!
Paano ako nito? Lagot na ako sa mga magulang ko. Hindi ko sila binibigyan ng problema lalo na patungkol sa school o pag-aaral dahil gusto ko proud lang sila sa'kin. Lagot na lagot na ako nito!
Kasama kong umuwi sila Julie, Lorenzo, at Lester dahil pa Cabuyao si Clarett. Si Lester ay sa Cabuyao rin siya nakatira pero nag-aalala ito sa ginugusto niya kaya hinatid niya muna.
"Hindi ka okay?" Tanong ni Julie.
Tumango ako, "Piling ko hihimatayin ako or iiyak maya-maya." Saad ko kay Julie sa walang gana kong tono.
"Sorry huh. Nadamay pa kayo. Ganun talaga si Millah since elementary malaki ang galit niya sa'kin, kung sino ang kakampi ko ay idadamay niya sa kabaliwan niya. Hindi pa rin siya nagbabago." Saad ni Julie sa'kin pero ngiti akong umiling.
"Alam mo kung sino ang dapat mag sorry? Si Millah. Hindi ko alam kung minamahal pa ba siya ng magulang niya o itinaboy na siya?" Saad ko kay Julie kaya kaming apat nagtawanan.
"Anong balak mo ngayon?" Tanong ni Lorenzo.
"Hind ko alam. Alam niyo naman na ayaw ko na sila mama 'yung haharap at makakarinig ng walang kwentang bagay bukas. Basta alam niyo na ang gagawin huh?" Saad ko sakanila at tumango naman sila.
"Bakit hindi ka nalang maghanap ng fake relatives?" Tanong ni Lorenzo kaya nabatukan ko naman siya.
"Loko ka talaga, paano naman huh?" Tanong ko pabalik kay Lorenzo.
"Hindi ko rin alam ee. Uwi na ako." Saad ni Lorenzo at tumakbo na palayo sa'min. Bwiset talaga ang lalakeng 'yon.
"Julie tara na. 5:02 pm na mapapagalitan ako ni tito niyan." Saad ni Lester kay Julie kaya agad namang tumayo si Julie at kumaway sa'kin.
"Sorry ulit at sana makahanap ka ng magpapanggap na kapamilya mo." Saad ni Julie sa'kin at tawa akong tumango.
"Kumapal sana mukha ko sa kahit na sinong dadaan dito." Saad ko sakaniya kaya tumawa siya. Maya-maya ay wala na silang dalawa sa paningin ko kaya nalulungkot ako.
Habang naglalakad ako at sinisipa ang bato ay iniisip ko kung paano ko sasabihin 'yon kay mama at papa 'yung nangyare kanina sa school siguro maniniwala naman sila 'di ba? Anak nila ako ee.
Lord sana may anghel kayong bababa para tulungan ako.
Isang malakas na horn ang narinig ko mula kanan at maliwanag na ilaw ang nakita ko. Muntikan na ako kunin ni lord. Napansin kong sa sobrang pag-iisip ko ay sa gitna na ako ng daan naglalakad.
"So... Sorry po." Saad kong nautal at natumba pa ako dahil sa sobrang pagkakagulat.
"Are you okay?" Isang lalake ang nagtanong sa'kin at chineck ang buong katawan ko kung may galos ba at nakita niya ang panyo sa tuhod ko.
"What happened?" Tanong nito.
Natulala ako dahil sa sobrang gwapo.
"Kuya pogi?" Tanong ko na naninigurado.
Kinuha na ba ako ni lord kaya nakikita ko siya ngayon? Ang mabait na anghel sa lupa?
Natigilan siya saglit at nagtanong ulit ito, "I asked you."
"Sorry po... Ang lalim kasi ng nasa-isip ko. Hindi ko na namalayan na kukunin na pala ako ni lord pagkahiling ko ng tulong." Saad ko sakaniya at mahinhin siyang tumawa sabay iling.
"You're such a joker little bird. So whats in your mind then?" Saad nito't tanong sa'kin. Nagdadalawang isip akong sabihin sakaniya dahil mukhang nagmamadali siya sa pupuntahan niya.
"Mukhang in hurry kayo pero sige ik-kwento ko sainyo."
"Tell me."
Kinuwento ko sakaniya lahat at puro tango lang ang ginawa niya hanggang sa maisio ko yung sinabi ni Lorenzo kanina.
"Ay teka!" Pahabol ko matapos mag kwento.
"What?" Gulat na tanong nito kaya natawa ako dahil ang cute niya ring magulat.
"Pwedeng ikaw na lang ang fake relative ko na pupunta bukas? Mukhang naaawa ka naman sa'kin kaya please!" Saad ko sakaniya habang naka please-hand-sign at nagpapacute.
"Little bird what if hindi ako makapunta? What if hindi ako pumayag?" Tanong nito.
"Bakit hindi? Pwede ka namang maging kuya ko? Ilang taon kana ba? Papayag ka naman 'di ba?" Sunod-sunod na tanong ko sakaniya at muli mahinhin itong tumawa.
"Busy ako bukas. Weren't that look a like to be a brother-sister. I am 18 years old. I don't know little bird." Pag-sagot niya sa mga tanong ko kaya ngumuso ako at pinilit siya.
"Kuya pogi pumayag kana. D'yan lang naman ang school ko oh. Please!" Saad ko sakaniya pero tumango lang ito at ibinulsa ang cellphone niya. Aalis siya ng wala man lang ka sagot-sagot?
"Uh-huh... It's time to say good bye little bird. My mom called me and I need to go." Saad niya sa'kin kaya tumango naman ako.
"Good bye kuya pogi." Malungkot kong saad habang kumakaway.
"See you little kid. Be good girl." Saad nito matapos hawakan ang ulo ko at tumakbo na pasakay ng sasakyan niya.
Teka... Hindi ko pa natatanong pangalan niya. Pupunta kaya siya bukas? Ang hirap naman umasa sa wala at hindi alam ang sagot.
Another wish lord, sana pumayag ang anghel na pinababa mo sa langit.
Nang makauwi ako sa bahay ay nakita kong nag-aabang sila mama sa pinto at nakakagaan ng loob ang ngiti nilang dalawa.
"May magandang balita ang papa mo anak"
"May kaibigan kasi ako na kakauwi lang mula sa Canada at agad niya akong inofferan ng magandang trabaho sa kumpanya niya sa Manila." Saad ni papa sa'kin kaya laking ngiti na naman ang pumorma sa labi ko at niyakap si papa.
"Talaga papa? Congrats! Asikasuhin mo na agad ang resume mo para ayos na kapag kinailangan mo na." Saad ko kay papa at tumawa naman si mama.
"Nako anak sa sobrang tuwa ng papa mo kanina niya pa naayos ang resume niya." Saad ni mama sa'kin at nagtawanan kaming tatlo.
"Eto na ang simula ng pag ahon natin dito huling pangako na ito aking reyna lalo na sa prinsesa nating napaka sipag at napaka bait. " Saad ni papa sa'min ni mama at simple lang akong ngumiti. Napansin ata 'yon ni mama.
"Anak may problema ba?" Tanong ni mama.
Umiling ako at pineke ang tawa, "Wala na akong pang load." Saad ko sa kanilang dalawa kaya tumawa ulit sila.
"Ang anak talaga natin." Saad ni papa matapos tumawa.
"Tara na kumain na tayo. Adobong may pinya ang ulam natin ngayon." Saad ni mam sa'min kaya napatingin agad ako sa lamesa. Paborito ko ang niluto ni mama.
"Anong okasyon ma?" Tanong ko.
"Malaki kasi ang benta sa tindahan natin sa bayan at may sumobra kaya ayan ang una kong naisip bilhing ulam." Saad ni mama sa'kin kaya humalik ako sa pisnge.
"Mahal ko kayong dalawa. The best of the best!" Saad ko sa kanilang dalawa at ngumiti sila. Lagi kaming ganito tuwing uuwi ako kaya sanay na sanay ako sa pagmamahal nila. I feel loved by my parents.
"Pa, kapag na tanggap ka sa Manila babalik ka ng Laguna huh? Mamimiss kita panigurado." Saad ko kay mama at sumubo ng isang kutsarang kanin na may ulam.
"Mahal ko kayo. Hindi ko kayo matitiis na hindi makita. Lalo kanang maliit ka." Saad ni papa sa'kin habang kinikiliti ako kaya tumatawa na naman kami sa hapag kainan.
"Duon ba sa pagtratrabahuhan mo asawa ay malaki talaga ang sinasahod? Mas malaki pa sa pagiging merchandiser mo sa Wilcon?" Tanong ni mama kay papa kaya hindi muna ako sumingit at tahimik lang kumain.
"Sabi sa'kin ni Harold ay base iyon sa ipinapakitang skills ng trabahador. Pero sa office kasi nila ako ilalagay o baka nga raw maging head director daw ako dahil kilala niya ako pagdating sa business." Saad ni papa kay mama kaya tumango naman si mama sa sinabi ni papa.
"Kung ganun asawa malaki ang chance mo na maging head director ng kumpanya ni Harold." Saad ni mama kay papa habang nakangiti at ganun din si papa sabay tumango.
"Nasa diyos ang awa, nasa atin ang gawa. Pagbubutihin ko sa trabaho para mabigyan kayo ng magandang buhay. Etong bahay? Papalakihin natin. Anong dream room mo anak?" Saad ni papa at tanong nito sa'kin.
Nag-isip naman ako ng maiigi dahil ayoko ng galing lang sa utak na hindi pinag-isipan na basta lang naisip.
"Gusto ko po favorite color ko ang color tapos po malaking kama na dahil magiging big girl na ako soon. Tapos may blue tulips wallpaper dahil ayun ang gusto kong design sa kwarto papa." Saad ko kay papa kaya tumango naman siya at humawak sa ulo ko.
"Ibig sabihin ba niyan ang gusto mong kwarto ay gusto mo hanggang sa lumaki ka na?" Saad ni papa sa'kin at dahan-dahan akong tumango.
"Opo." Saad ko.
"Sige anak. Tatandaan 'yan ni papa dahil napaka bait mong anak sa'min ng mama mo." Saad ni papa at humalik sa noo ko.
"Anak natin siya asawa. Sa'tin siya nag manang kabaitan pero nahigitan mo lang ako sa genes niya." Saad ni mama kay papa kaya nagtawanan kami.
"Ah basta napaka bait ng anak natin. Ayun na 'yon." Saad ni papa kay mama kaya tumango at ngumiti nalang kami.
Pero kung alam lang nila na may unang problema ako sa school siguro babawiin nila 'yan.
Bahala na bukas. Sana pumunta siya.
Bago ako matulog ay tumutok muna ako sa cellphone para enjoyin ito. Chinat ko sila Julie tungkol sa pagpunta ng guardian sa guidance bukas.
Eyecinco
Julie : May tiwala sa'kin si mommy.
Clarett : My uncle too.
Lorenzo : Si tito Joseph nalang isasama ko bukas.
Lester : Dad will come.
Clarett : Of course you don't have a mother.
Julie : Ohh offensive attack.
Lester : Ayan ba ang priority ng magulang?
Clarett : What??
Lorenzo : Oy gago ka lester baka umiyak 'yan.
Summer : Gabing-gabi nag babardagulan na naman kayong dalawa.
Julie : Ganyan naman lagi sila. By the way ayos na ba' yung sa'yo?
Summer : Bahala na si batman. Matutulog na ako at sana talaga bukas pumunta siya.
Clarett : Who?
Summer : Secret.
Pinatay ko ang ilaw at ang cellphone ko para makatulog na dahil maaga pa ako bukas.
Dear lord, ganun pa rin ang hiling ko. Sana pumayag na siya. Amen.