Kabanata 8
"Did you packed everything you need?" Zach asked after I gave him my travel bag.
Tumango ako sa kanya bilang sagot. It is eleven in the evening at ngayon pa lang kami aalis.
Well... ang sabi naman niya ay gabi ng friday kami aalis dahil bukas ay may meeting na agad siya malapit sa club paradise.
Binigay niya sa akin iyong schedule niya para bukas at sa linggo.
Hindi na ako nagulat ng makita ko na punong puno ang kanyang schedule. Puro meeting at meet up. Ganito kaya ako kung sakaling ako na ang mamamahala ng club paradise?
Maraming meetings, pupunta sa ibang bansa para makipag deal sa mga investors, tapos palagi pang puno ang schedule.
Ang iniisip ko lang, may time kaya siyang mag-gym? Base kasi sa pangangatawan niya kahit marami siyang ginagawa ay hindi niya siguro makakaligtaan ang mag gym araw-araw o kahit tatlo o apat na beses sa isang linggo.
"Daan muna tayo sa malapit na drive thru. Nagugutom na talaga ako." Sabi ko sa kanya ng makasakay na kami pareho sa sasakyan niya. Iba na naman ito doon sa itim na sasakyan niya kung saan ginagamit niya kapag sinusundo si Ma'am Alisa.
"You didn't eat your dinner?" He asked.
"Hindi. Nainis kasi ako kay Kuya. Puro sermon at bilin sa akin. Kaya ayun hindi ako nakakain. Nakalimutan ko na dahil sermon na lang ni Kuya ang nasa isip ko." Paliwanag ko sa kanya.
"What did he say?" Tanong niya.
"Well... sabi niya 'wag raw akong makulit tsaka maingay at dapat magpakabait ako." Sabi ko rito.
"He's right."
"What? What do you mean? Na totoo ang sinabi ni Kuya?" Tanong ko rito.
"Your brother is right. You should behave while I'm busy with my meeting tomorrow." Sabi niya.
"So ang point mo rito ay talagang makulit at maingay akong tao?" Tanong ko sa kanya pero hindi na niya nasagot dahil nasa 24 hours open drive thru na kami at oorder na siya ng pagkain namin.
Nakakainis siya! Anong karapatan niyang sabihan akong manahimik habang busy siya sa meeting. Parang pinapamukha niya talaga sa akin na pasaway akong tao.
I'm eighteen years old! I'm a woman now. Not a girl!
"Nakakainis ka, alam mo ba 'yon?"
Nakataas ang isang kilay niya ng sinabi ko 'yon.
"Sana hindi na lang ako pumayag na maging two day secretary mo." Dagdag ko.
"What did I do?" Kuriyos na tanong niya.
What the heck? Nagpapanggap ba siyang hindi niya alam? Nakakasakit na siya ng damdamin ah!
Hindi ko siya pinansin at tinanaw na lang ang labas habang inaantay namin ang inorder niyang pagkain.
"Here." Saad niya pero hindi ko siya pinansin.
"Isla, I'm waiting." "Get this now, so I can drive." He said it, but still, I didn't manage to look at him.
Bahala ka diyan. Manigas ka!
"Stop being stubborn, Isla."
What?!
Nilingon ko siya ng nakataas ang kilay at handa na sana akong sumbatan siya kaso nagulat ako ng sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Halos magtama na ang ilong namin.
Di ko namalayan na pinipigilan ko pala ang paghinga ko.
"Isla, baby... I'm sorry, okay." He said na nagpatibok ng mabilis sa puso ko. Naririnig niya kaya yoon?
"Get this now, so I can drive."
Wala sa sariling kinuha ko ang inaabot niya. Nakita kong bahagya pa siyang ngumisi bago lumayo sa akin.
Doon lang rin nagproseso sa utak ko na nakalayo na pala siya sa akin. Umayos ako ng upo at napatingin sa side mirror. s**t! Bakit ang pula ng pisngi ko? Nasobrahan ba ako sa blush on?
"Eat that."
Napalingon ako sa kanya. Diretcho lang ang tingin niya sa daan.
"Kainin mo na 'yan habang mainit pa." Bahagya niyang itinuro iyong inabot niya sa akin. Oo nga pala!
Binuksan ko 'yon at kumuha na rin ng tinidor. Umorder siya ng pancake at saka kape. Pero dahil hindi naman ako mahilig sa kape, buti na lang may hot chocolate drink din siyang binili. Hindi ko alam na sa gantong oras ay may pancake na sila. Sabagay, 24hrs open sila.
Busy ako sa pagkain ng maalala na hindi pa nga rin ata siya nagb-breakfast. Mabilis kong inubos ang pancake na para sa akin at kinuha ko naman iyong para sa kanya.
Naghiwa ako ng saktong laki at isinawsaw sa syrup at inangat para subuan siya.
"Here, open your mouth." I told him. Lumingon siya ng bahagya sa akin bago tinanggap iyong pagkain.
"Thanks." Sabi niya. Tipid lang akong ngumiti sa kanya. Kahit ang totoo ay sobrang saya ko. Para kasi kaming mag boyfriend at girlfriend na nagsusubuan.
Ganon ang ginawa ko hanggang sa maubos niya ang pancake. Pagkaraan noon ay nakatulog na ako.
Nagising na lamang ako ng may tumapik ng bahagya sa akin.
"Nandito na ba tayo?" I asked.
Tumango siya sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. It's 3am. May oras para matulog at makapagpahinga.
"Lets go." Sabi niya.
Lumabas ako ng sasakyan niya at nag-stretch. Napalingon ako sa paligid. Hindi ito ang Club Paradise.
"Akala ko ba sa Club Paradise tayo mags-stay?" Tanong ko sa kanya.
Hindi kasi ito Club Paradise dahil ang laki ng bahay! Mansiyon ata ito.
"Were not staying in your Club Paradise because it is already fully book." Sagot niya.
"E'di kanino itong bahay na pags-stayan natin?" Tanong ko.
"Kay Dominic."
"Dominic? Sino 'yon?" Nagtatakang tanong ko.
"Iyong kasama ko noong nagcelebrate ka ng debut mo." Paliwanag ko.
Ah! Okay naalala ko na. Siya ang may-ari nitong napakalaking bahay?
"Sa parents niya ba 'to?" Curious na tanong ko habang kinukuha iyong bag ko.
"No." He simply said.
"Really? So siya talaga ang nagpatayo nito?" Tanong ko ulit habang naglalakad na kami papasok sa loob.
Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng labas ng bahay ni Dominic. Kahit madilim pa ay kitang kita ang ganda ng paligid dahil sa mga nakabukas na ilaw.
"Do you like the house?" Napabaling ako sa nagsalita. Nakakunot ang noo niyang nag-aantay sa akin. Nabuksan niya na pala ang pintuan.
Mabilis akong pumasok sa loob, pero laking gulat ko na hindi lang sa labas ang maganda pati ang loob ng bahay.
Nilibot ko ang aking sarili sa loob ng bahay. Nakakamangha. Ang galing niya! Sino kaya ang nakaisip nito? Ang konti lang ng mga gamit at ang kulay ay parang naglalaro lang sa tatlong kulay.
"Ang ganda ng bahay ni Dominic." Sabi ko sa kanya.
"Kuya... it should be Kuya Dominic." Sabi niya.
"Gusto ko na Dominic lang. Bakit ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"It is a sign of respect especially you are young and he is older than you."
"So dapat ba...Kuya na rin ang itawag ko sa'yo? Mas matanda ka rin sa akin. I think magka-age lang naman kayo ni KUYA Dominic." I emphasize the word kuya 'cause I want him to annoy.
"No."
"Why, no? Like you said earlier it is a sign of respect for those older than me. How old are you na ba? 23?24?" I asked kahit alam ko naman.
"Ah! I remember! You are 24 years old. Look! 6 years yung age gap natin so tama lang na tawagin kitang KUYA as sign of respect for those older people." Nang-aasar na sabi ko.
"If that's what you want." Pagsuko niya na ikinatawa ko ng malakas.
"Sabi ko nga sa Kuya ko at alam kong narinig mo rin naman iyon. I will not consider you as my Kuya." Paliwanag ko para di na siya magtampo. Makakalimutin ba siya? Sinabi ko na harap-harapan sa kanya yoon, noong sinabihan din ako ni Kuya na tawag silang Kuya as sign of respect dahil sa age gap. Mukhang nakalimutan niya yata.
"I will not consider you my Kuya but as a husband and father of our future children."
"Stop dreaming. Umakyat ka na sa taas para makapili ka na ng kwarto mo." Saad niya.
Hindi ko iyon pinansin at bahagya akong ngumuso ng may maisip na naman akong kalokohan.
"Alam mo ba kung bakit gustong-gusto kita? Tanungin mo ako kung bakit." Sabi ko sa kanya pero di niya ako pinansin. Akmang maglalakad na siya patungo sa hagdanan ng hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.
"Dali! Kapag nagsabi ka ng bakit, sasabihin ko yung reason tapos aakyat na ako sa taas para makatulog na." Paliwanag ko rito.
Nakuha ko naman ang buong atensiyon niya dahil humarap siya sa akin ng nakaseryoso tila wala kang mababasa sa emosyon niya.
"Why?" He asked.
Pakipot pa. Itatanong rin naman pala.
"It is because...." bahagya kong binitin ang sasabihin ko para makita ko ang reaksyon niya. Bahagyang kumunot ang noo niya.
"It is because kapag kinasal na tayo, hindi magiging kawawa ang anak natin." Saad ko rito na mas lalong ikinakunot ng noo niya. Naguguluhan ata siya. Hahahah.
"What do you mean?" May pagtatakang tanong niya.
"Hindi kawawa ang anak natin sa recitation tsaka reporting!" Birong saad ko. Pero mukhang hindi niya nakuha.
Ang talino nga. Pero may pagkaslow din pala.
"Acuesta ang surname ko. So if ever na magpakasal tayo sa future magiging Saldavia na ang surname ko pati ang mga anak natin!" Masayang sabi ko.
"So that's the reason why you like me? Just because of my surname?" He asked in disbelief.
"No! Not that. I mean—"
"Okay. I get it. Matulog ka na." Putol niya sa balak kong sabihin at nauna ng umakyat sa taas.
Hindi man lang pinatapos 'yong sasabihin ko. Nagwalk out na agad.
Umakyat na rin ako sa taas para makapaghanda ng matulog. It's 3:20am na and I need to wake up before 8am dahil may imemeet siya na client sa Club Paradise.
I set my alam at 6am. I have two hours of preparation. Okay na siguro iyon.
I woke up because of the alarm I set three hours ago. Inaantok akong bumangon at pumunta sa banyo para magawa ko na ang morning routine ko.
After I take a bath, I wear my bathrobe. At lumabas na ng banyo.
I'm thinking what should I wear? Should I wear formal or casual?
At the end, I decided to wear a formal clothes. I am currently wearing a white longsleeve polo with black blazer and a above the knee pencil skirt na ipinares ko sa dala kong black stiletto.
Magiging pansamantalang sekretarya niya ako kaya dapat kahit paano ay presentable ako, kaya naman pinaghandaan ko talaga ito.
Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking buhok at naglagay ng konting make-up. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Nang makitang ayos na ay lumabas na ako ng kwarto.
Saktong paglabas ko ay siya ring paglabas ni Zach sa kanyang kwarto. He is wearing a white dress shirt, black pants and a black loafer shoes.
Oh, f**k! Why is he so handsome?
Nakatupi hanggang siko ang suot niyang pang-itaas na damit habang ang pants niya naman ay nakatuck-in. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa nasa pagitan ng kanyang hita.
Does it really fit? f**k! Why it is so big?
Nabalik ang tingin ko sa kanya ng tinawag niya ako.
"Lets go." Sabi niya at nauna ng maglakad.
Hindi pa naman tanghali pero bakit pinagpapawisan na ako?
♡
05-23-23