Kabanata 7

1896 Words
Kabanata 7 "So ang sinasabi mo ay hinalikan ka niya dahil binantayan mo ang kapatid niya?" tanong ni Patricia. "Ganun na nga." Kinikilig na sabi ko. Nandito kami nila Vien at Patricia sa student lounge. Naikwento ko sa kanila iyong nangyari nung sabado. Sinabi ko rin sa kanila na si Phoebe ay kapatid ni Zach at hindi anak. "Mygosh! Gurl! Magkakajowa ka na ata!" mahinang tili ni Patricia. "Ano ba! 'Wag mo akong paasahin. Kinikilig ako!" pabalik na sagot ko. "Kawawa naman 'yong isang lalaki... bakit kasi ayaw pang umamin. Mauunahan na tuloy ng iba." narinig sabi ni Vien. "Sinong lalaki?" takang tanong ko. Humarap si Vien sa amin pagkatapos niyang magtipa sa cellphone niya. "'Yong kaklase ko. Nanghihingi ng advice. May gusto kasi siyang babae kaso may gusto namang iba yung babae." paliwanag niya. Ipinakita niya pa yung conversation nila ng kaklase niya. Hindi ko nakita kasi ang bilis lang rin iharap pabalik sa kanya. "Isla!" Sakto naman na dumating si Eleis at Arzeus dala iyong binili nilang pagkain. "Nako! Sabihin mo diyan sa kaklase mo na umamin na agad. Siya rin ang magsisisi sa huli kapag hindi umamin." sabi ni Patricia. Nakakunot ang noo ni Arzeus habang umuupo sa tabi ko. Ibinigay niya sa akin ang chichiryang hawak niya. "Anong pinag-uusapan niya, gurls?" tanong ni Eleis na umupo naman sa tabi ni Patricia at Vien. "Iyong kaklase ni Vien na lalaki, nanghihingi ng advice sa kanya. May gusto raw na babae kaso 'yong babae naman may gustong iba." paliwanag ni Patricia. "Pogi ba 'yan? Sabihin mo sa akin na lang siya." "Oo." sagot ni Vien. "Ay! Gorabels na yan! Angkinin ko na siya kung ayaw nung gurl! Gusto ko na magka-jowa!" sabi ni Eleis na ikinatawa ko ng bahagya. "Gusto mo?" alok ko kay Arzeus na nakakunot ang noo. Tinignan niya ako kaya ang ginawa ko ay kumuha ng isang piraso chips at isinubo sa kanya. "Para kayong magjowa!" sabi ni Patricia. "Ang sweet! Nakakainggit kayo. Lumayas nga kayo sa harap ko." pagtataboy ni Eleis sa aming dalawa ni Arzeus. Nahihiyang napatingin ako kay Zeus na ngayon ay maaliwalas na ang mukha. Wala na ang kunot sa kanyang noo at napalitan na ito ng mumunting ngisi. "Huwag nga kaya. Magkaibigan lang kami ni Zeus." sabi ko sa tatlo. "Friendzone agad. Hahaha" natatawang sabi ni Vien. "Hindi pa nga nanliligaw, na-friendzone na." dugtong ni Patricia. "Ako, Zeus, hindi kita ife-friendzone." saad naman ni Eleis. Natawa ako sa kanilang tatlo. Ginagawan kasi nila ng issue kami ni Zeus kahit wala naman dapat. Friend lang talaga ang turing ko sa kanya. Tsaka... may gusto na akong iba, kahit cold at ang sungit non sa akin ay gusto ko pa rin siya. Again, I remembered the night where both of us shared heat, moans and kisses. That night was really a memorable gift. Even though it is pure lust... but I hope the next time we do that, hindi lang lust ang mararamdaman ko. "Tara na." pag-aaya ko sa kanila. "Bakit namumula ka? Sobrang pula ng pisngi mo!" sabi ni Vien. Napahawak ako agad sa pisngi ko at naramdaman nga na parang ang init ng pisngi ko. "Kinikilig ka ba gurl?" "Hindi ah!" Mabilis na tanggi ko. "Bakit namumula yang pisngi mo?" tanong ni Patricia. "Ma-m-mainit! Tama! Mainit kaya mabilis mamula ang pisngi ko." saad ko at sibukan takpan gamit ang pilit na tawa pero hindi nakatakas ang kakaibang tingin sa akin ni Vien. "Tara na nga! Umuwi na tayo." pag-aaya ko sa kanila para makaiwas. Ako n ang naunang tumayo. Pinaypayan ko ang sarili ko habang naglalakad. Bakit kasi naisip ko 'yon sa harap ng mga kaibigan ko. Baka isipin nila na may gusto ako kay Zeus kahit alam naman nila na si Zach talaga ang gusto ko. "Isla! Wait!" "Mag-antay ka naman, Isla! Parang walang kaibigan kung makaalis ah." reklamo ni Eleis. "Nakakainis kasi kayo! Kung ano-ano iniisip niyo. Gagawan niyo pa kami ng issue ni Zeus eh. Nananahimik kaya yung tao." sabi ko sabay tingin kay Zeus na nasa tabi ko at kasabay sa paglakad. "Ate Islaaaa!" napalingon ako, hindi lang pala ako, pati ang mga kaibigan ko doon sa maliit na boses na tumawag sa akin. Tumatakbo siya patungo sa akin at agad akong niyakap. "I miss you, Ate!" sabi niya habang nakayakap parin sa bewang ko. "I miss you too, Phoebe." sabi ko sa kanya at bumaba hanggang sa magkapantay kami. "Miss ka rin po ni Kuya!" masayang bati niya na ikinagulat ko. "Siya ba si Phoebe?" tanong ni Vien. "Phoebe... pakilala ko sayo mga friends ko. Si Ate Vien" turo ko kay Vien na nakangiti, kinawayan naman siya ni Phoebe. "Si Ate Patricia, Ate Eleis and Kuya Arzeus." "Hello po sa inyo. I'm Phoebe Beatrice Saldavia." "Ang kyut mo namang bata." sabi ni Eleis. "Where's your Kuya?" tanong ko kay Phoebe. Itinuro niya ang daan papuntang faculty. Siguro ay sinundo si Ma'am Alisa. "Guys... mauna na kayo umuwi. Samahan ko lang si Phoebe sa Kuya niya." pagpapaalam ko. "Antayin na lang kita. Walang maghahatid sayo pauwi." sabi ni Arzeus na agad kong tinanggihan. "Okay lang Zeus. Magcocommute na lang siguro ako. Kailangan ko rin syempre masanay." pagsisinungaling ko. Wala akong balak magcommunte dahil sasabay ako kay Zach. Pero kung ayaw niya, edi 'wag. Maglalakad na lang ako. "Sigurado ka?" tanong niya na ikinatango ko. "Let's go na baby Zeus. Malaki na 'yang si Isla. Kaya na niya sarili niya." sabi ni Eleis at hinatak si Zeus papaalis. "Ingat kayo!" saad ko. "Text me kapag nakauwi ka na." sabi ni Zeus. Inantay ko silang mawala sa paningin ko, Bago binalingan si Phoebe. "Tara sa Kuya mo." masayang sabi ko sa kanya at naglakad na kami patungo sa faculty room. "Totoo bang miss na ako ng Kuya mo?" tanong ko kay Phoebe habang naglalakad kami. "Opo, Ate. Narinig ko po 'yon na sinabi niya." Totoo kaya iyon? Baka mamaya nagsisinungaling lang si Phoebe? Pero diba, ang mga bata ay hindi marunong magsinungaling. Mabilis ang t***k ng puso ko habang papunta kami sa faculty room. Saktong malapit na kami ay lumabas na si Zach at Ma'am Alisa. Nakasabit ang kamay ni Ma'am Alisa sa braso ni Zach habang masaya silang dalawa sa pinag-uusapan. Dapat ako 'yan eh! "Oh! It's you, again. What do you need?" tanong ni Ma'am Alisa sa akin. Tumingin ako kay Zach na seryoso na ngayon at wala na ang ngiti sa labi. Yes, Ma'am. Ako po ulit 'to. Ang kailangan ko pa ay 'yang lalaki na nasa tabi mo po. Pagmamay-ari ko po kasi siya. Gustong-gusto kong sabihin 'yon at irapan si Ma'am kaso hindi pwede dahil baka ibagsak niya pa ako. "Sinamahan ko lang po si Phoebe. Nakita ko po kasi siyang tumatakbo papunta kung nasaan ako kanina." paliwanag ko. "Ganun ba? Sige, mauna na kami sa'yo. Phoebe, let's go." pag-aaya ni Ma'am. "Mauna na rin po ako." sabi ko. "Bye, Phoebe." paalam ko. Nauna na akong maglakad sa kanila. Mukhang maglalakad talaga ako nito. Dapat pala ay nag-paantay na lang ako kay Zeus ng sa ganun ay hindi na ako maglalakad! Akala ko ba miss ako ni Zach? Bakit hindi niya man lang ako magawang alukin na sumabay na lang sa kanya? "Isla..." napatigil ako at bahagyang bumilis ang t***k ng puso ko. Ito ba yung first time na tinawag ako ni Zach sa pangalan ko? Hindi ko na matandaan. Pero bakit kapag siya parang may kakaiba... para bang nang-aakit iying pagtawag niya sa akin. "Bakit?" "Sumabay ka na... Dadaan ako sa inyo dahil kakausapin ko ang Kuya mo." pag-aaya niya. Syempre, hindi ko tatanggihan. Grasya na yan, hindi na dapat tinatanggihan. Sila na ang naunang naglakad at nakasunot lang ako sa kanila. Hinatid na namin si Ma'am Alisa sa kanila at ngayon ay papunta na kami sa amin. Tahimik lang ang buong biyahe. Si Phoebe ay nakatulog na. Siguro ay napagod sa eskwelahan. "Thank you." sabi ko at bumaba na. Pumasok na ako sa loob para umakyat sa taas para makapagpalit na ng damit. Hindi na ako umasa na nandito pa si Zach pagkababa ko. Pero naabutan ko siyang kausap si Kuya sa salas. Napatingin sila sa akin pareho. "Akala ko umuwi ka na?" tanong ko kay Zach. Naka krus ang kanyang braso sa may dibdib at seryoso akong tinignan nito. "Nagpaalam ako sa Kuya mo kung pwede ba kitang isama sa sabado at linggo." sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "Saan naman?" tanong ko rito. "Sa Club Paradise. Biyernes ng gabi ang alis." sabi nito. Isasama ako ni Zach sa Club Paradise? Oh my gosh? Is this a date? "Don't think of anything, Anastacia. Gusto ka niyang isama dahil para magkaroon ka na rin ng idea sa business industry. Ikaw ang magiging pansamantalang secretary niya. Dahil ang secretary niya ay may sakit." paliwanag ni Kuya. "Okay! Ngayon na ba tayo aalis?" excited na tanong ko. "Anastacia!" "Bakit, Kuya? Nagtatanong lang ako." sabi ko. "Sinabi na diba.. Hindi kasi nakikinig eh! 'Wag na lang kaya kita payagan?" saad ni Kuya. "Ito naman si Kuya, di mabiro." nakangiti at hinawakan ko pa ang braso niya. Kailangan kong magpakabait para hindi na niya bawiin 'yong pag-payag niya. Hindi ko maiwasan ang maexcite sa mga nagdaang araw. Hinihiling ko na lang ay sana biyernes na ng gabi para makita ko ni si Zach. "Ano? Mall tayo sa Saturday?" tanong ni Patricia. "Hindi ako pwede..." sabi ko sa kanila. Siguro ay napapansin na nila ang madalas kong pagtanggi. Katulad na lang nung unang araw ng pasok tapos hindi pa ako sumasabay sa kanila pauwi. "At bakit naman?" "Wala ako sa Manila... Pupunta kaming Club Paradise." sabi ko sa kanila. "Oh? Edi isama mo kami ng makapasyal ulit kami sa Club Paradise." sabi ni Pat. "Kaso..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila. "Kaso?" saad ni Vien. Sabihin ko na nga, since kaming tatlo lang naman ang nandito. "Pupunta ako sa Club Paradise kasama si Zach." sabi ko na ikinalaki ng mata nila pareho. "Sandali! Sandali! 'Wag kayo mag-isip ng kung ano-ano! Inaya niya akong sumama dahil ako ang pansamantalang maging secretary niya dahil may sakit 'yong secretary niya." paliwanag ko. "Totoo ba 'yan?" tanong ni Vien. "Oo nga!" "Weh?" Bakit ba ayaw nilang maniwala? Hindi naman ako 'yong tao na gagapangin si Zach kapag tulog. Tska malamang magkaiba kami ng cottage. "Edi ngayon na tayo mag mall! Kailangan mo magbaon ng lingerie! Eighteen ka na. Sanayin mo na ang sarili mo na magsuot ng mga ganon." "Patricia!" saway ko dito. "Makasaway naman 'to kala mo birhen pa. Gumagamit naman kayo ng proteksyon diba?" "Ano ba, Patricia! Tigilan mo nga 'yan baka mamaya may makarinig. Nasa school pa tayo!" saway ko ulit. "Bumili na rin tayo ng condom. Just in case na wala siyang dala. Ano bang size niya? Extra Large?" Gusto ko na lang umalis dito at magkulong dahil sa mga pinagsasabi ni Patricia. Iniisip ko na lang, paano ko ba siya naging kaibigan. "Tama naman si Patricia. Mabuti na iyong ready. Mabuti na gumamit ng protection. Safe s*x. Kahit nasa tamang edad na tayo. Mahirap parin ang mabuntis ng maaga sa ganitong edad. Masyado pa tayong bata para para magkaroon ng anak." saad ni Vien. Wala pa naman sa plano ko ang magkaanak. Magtatapos muna ako ng pag-aaral bago ako magkaroon ng anak kay Zach. Tsaka, alam ko naman ang limitations ko. ♡ 11-30-22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD