Kabanata 6

2004 Words
Kabanata 6 Hindi na ako nag-abala na puntahan pa si Zach. Kung may anak na siya okay lang tatanggapin ko. At saka sa aming dalawa ako lang ang may gusto sa kanya. Hindi niya ako pinapansin o kinakausap man lang. Palagi ako ang nag-iinitiate.. palaging ako ang nagsisimula ng pag-uusapan. Nagtext ako kay Kuya para sabihin na sunduin niya ako rito sa school. Luckily, masusundo niya ako. Buti naman. Dahil ayokong makita ako ni Zach at ni Ma'am Alisa na naglalakad. Nag-aabang ako sa labas ng gate ng school ng makita ko ang itim na Tesla na papalabas. Nakababa ang bintana sa may pwesto ni Zach. Napalingon siya sa akin at kinunotan niya ako ng noo. Tuwing nakikita mo ako, palaging nakakunot o di kaya ay tataas ang kilay mo. Nakakainis ka alam mo ba 'yon! Ang lamig ng trato mo sa akin. Sakto rin na dumating si Kuya. Agad na akong sumakay. Nakasunod lang kami sa sasakyan ni Zach. May kinalikot si Kuya sa kanyang cellphone na nasa dashboard. "Bakit?" Napatingin ako sa cellphone ni Kuya. Tinawagan niya pala si Zach. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko. Ito na ang pagkakataon ko. Nakaflash kasi sa screen ng phone ni Kuya iyong pangalan at numero ni Zach. "Sasakyan mo ba 'tong kasunod namin?" tanong ni Kuya habang ako ay pasimpleng inangat ang cellphone at tinipa ang numero ni Zach. Ayaw mo akong i-accept sa i********: ah, itetext na lang kita. Bago pa ma-end call ni Kuya ang tawag ay nasave ko na ang numero niya sa phone call ko. Itetext kita mamaya. hahaha. Pagkauwi, umakyat na ako sa kwarto ko. Mabilis akong nagpalit ng damit. Excited akong i-text si Zach. I miss you:( Kinilig ako sa sariling text ko. Pero mas kinilig ako ng makitang nagreply siya. Who's this? "Hahahaah! Future wife mo." Hulaan mo;) I waited for a minute kaso hindi siya nagrereply. Umabot na hanggang sa magkalahating oras pero wala pa rin akong natataggap na reply mula sa kanya. How come you forgot my name after our heated night. I texted. Nakakainis talaga siya. What do you want? He texted. Ikaw ang gusto ko. Gustong-gusto ko. "What?" sagot niya sa tawag ko. Myghad! My progress na kami. Pwede na kaming magpakasal nito. "Hi!" bati ko. "What do you want?" he asked in baritone voice. "Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kanino ko nakuha ang numero mo?" kinikilig na tanong ko. "Sa ugali mong ganyan, hindi na kailangan, I know you got my number from your brother earlier when he called me." sagot na mas lalo kong ikinakilig. "What do you need?" seryosong tanong niya base sa pananalita niya. "I need you..." pang-aasar ko sa kanya. Naiimagine ko yung seryosong mukha niya habang nakakunot o nakataas ang kilay. "Hahahahha! Joke lang. Babye." sabi ko at in-end na ang tawag. Sa gabing iyon ay nakatulog ako ng mahimbing at gumising rin kinabukasan na magaan ang pakiramdam. "Kuyaaa!" sigaw ko habang pababa ako. Wala akong narinig na tugon mula sa kanya. "Kuy-" nanlaki ang mata ko ng makita si Zach sa salas namin. Anong ginagawa niya rito ng ganito kaaga? Hindi naman sa nagrereklamo ako na nandito na s'ya, ang aga pa kasi para umakyat ng ligaw! "Hi po!" Napadako ang tingin ko doon sa batang babae na nasa tabi niya na kuma-kaway pa sa akin. Nakasuot ito ng kulay pink na dress at naka ponytail ang kanyang buhok. Hawak niya ang kaliwang kamay ni Zach. Tumingin ako kay Zach at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Sino 'yan? Kaninong anak 'yan? "Dito muna 'yong kapatid ni Zach. Walang magbabantay sa kanya, bawal din siya sa opisina ni Zach." Lumingon ako kay Kuya nung sinabi niya 'yon. Kapatid? May kapatid pala siyang babae. Ang kyut naman. "Hello." masayang bati ko sa kapatid ni Zach. "What's your name?" I asked. Lumapit ako rito. Napansin kong napalingon si Zach sa akin. "I'm Phoebe Beatrice Saldavia, I'm five years old." itinaas niya pa ang maliliit na daliri niya. "Ang kyut mo naman." sabi ko dito at pinisil ko ng bahagya 'yong pisngi niya. "Ako na ang magpepresinta na mag-bantay kay Phoebe." nakangiti kong sabi. "I don't like your smile. It's like... I need to repay for something." Hahahah! Well... tama ka. "Of course! I'm doing your favor. I'll tell it to you later." sabi ko sa kanya at kinindatan ko pa siya. "Phoebe, tara akyat tayo sa taas. Sa kwarto ko muna ikaw." "Don't mind her, bro." napairap ako ng narinig ko yung sinabi ni Kuya. "Anong gusto mong gawin baby girl?" tanong ko kay Phoebe ng makapasok kami sa loob ng kwarto ko. Mabilis siyang umakyat sa kama ko at tumalon-talon doon. Hinayaan ko na lang siya muna. Ilang sandali lang ay may narinig akong katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Lumapit ako rito para pagbuksan kung sino ang kumakatok. "Where's Phoebe?" bungad na tanong ni Zach. Nilakihan ko ang bukas ng pintuan sa kwarto ko para makita niya si Phoebe na nagtatalon parin sa kama ko. Nagulat ako ng mabilis na dumaan at pumasok sa loob ng kwarto ko si Zach. Binuhat niya si Phoebe pababa ng kama ko. "Don't do that, Phoebe. This is not your house." saway niya sa bata. "I like it here, Kuya!" masayang sabi ni Phoebe. Aakyat na sana ulit siya sa kama ko kaso pinigilan lang ulit siya ni Zach. "Remove your shoes first." utos niya. Sinunod naman agad ni Phoebe ang utos ng kanyang Kuya. Hinubad ni Phoebe ang kanyang sapatos pagkatapos ay tumalon talon ulit sa higaan ko. Napatingin ako kay Zach ng tumayo siya galing sa pagkakaupo sa kama ko at lumapit sa akin. "Bantayan mo mabuti ang kapatid ko. 'Wag mong turuan ng mga kalokohan." seryosong saad niya. "Of course, babe. Babantayan ko mabuti ang kapatid mo. Praktis na rin ito para sa magiging future kids natin." pilyong sabi ko na ikinataas niya lang nang kilay. "Susunduin ko siya ng 8pm." sabi niya bago ulit lumapit kay Phoebe para magpaalam at hinalikan pa ito sa pisngi. "Ako, walang kiss?" nang-aasar na tanong ko sa kanya ng lalagpasan niya na sana ako. Huminto siya at hinarap niya ako. Seryoso siyang tumingin sa akin. Ang gwapo naman ng nilalang na nasa harap ko. "Do your job properly." saad niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. "Gagawin ko basta may kiss ako mamaya!" sigaw ko rito habang pababa siya ng hagdanan pero hindi niya ako pinansin. Nangingiti ako habang sinasarado ang pintuan ng kwarto ko. Lumapit ako Phoebe na ngayon ay nakahiga sa kama ko. Napagod na siguro kakatalon. "You want to watch a movie?" tanong ko rito. Mabilis siyang bumangon at tumango sa akin. "Okay. Sandali lang. Kukuha lang ako ng foods natin sa baba. You want to come with me?" tanong ko. "Yes, ate!" Inilahad ko ang kamay ko para maalalayan siyang makababa sa kama ko. Pagkababa niya ay hindi na niya binitawan ang kamay ko kaya hinayaan ko na lang. Bumaba kami para pumunta sa kusina. Naabutan ko pa si Kuya na paakyat sana. "Aalis ako, ikaw na muna ang bahala rito." sabi sa akin ni Kuya. Sabay na rin kaming bumaba. "Okay." sabi ko bago nagtuloy tuloy sa kusina. "Kuha ka lang ng gusto mo diyan." sabi ko kay Phoebe habang kumuka ng tray para paglagyan ng baso at pitsel. "Alis na ako." paalam ni Kuya. Nasa ibang bansa si mommy at daddy dahil inaasikaso iyong bagong branch na itatayo roon. Kaya kami lang ni Kuya ang nandito sa bahay kasama ang ibang kasambahay. Umakyat na kami pareho sa taas ni Phoebe. Inilapag ko sa bedside table ang tray na may lamang baso at tubig na nasa pitsel. Habang nasa kama ko naman ang mga chichirya na kinuha niya pati rin yung kinuha ko. We spend the time watching a disney movie. Nang matapos ang isa, ay yung sunod na isa naman. "Phoebe..." nagising ako dahil may tumatawag kay Phoebe. Pagdilat ko ng mga mata ko ang mukha ni Zach na sobrang lapit ang bumungad sa akin. "Sorry." agad na sabi niya bago lumayo. "Pumasok na ako sa loob dahil ang sabi ng kasambahay niyo ay nasa kwarto kayo. I don't want to disturb both of you but, Phoebe needs to go home." paliwanag nito. Kinusot ko ang mata ko at pasimpleng inayos ang buhok. Wala naman sigurong dumi sa mukha ko. "Phoebe..." tawag ko sa mahinang boses, kaso hindi parin siya nagigising. Ang himbig ng tulog niya. "Phoebe, wake up. We need to go home." sabi ni Zach. Bahagyang gumalaw si Phoebe pero nakapikit parin. Walang nagawa si Zach kundi ang buhatin si Phoebe. Nakita kong nagising si Phoebe. Yumakap siya sa Kuya niya at isinandal ang ulo sa may leeg. Kinuha ko ang sapatos at bag ni Phoebe bago nagpasyang bumaba. Nakita kong nakaparada sa labas ang sasakyan niya. Lumabas kami at pinuksan niya ang front seat para doon ilagay si Phoebe. Pagkatapos ikabit ang seatbelt ay humarap siya sa akin. Ibinigay ko sa kanya ang bag at iyong sapatos ni Phoebe. "Inantok kakapanood ng disney movie." sabi ko rito. "Thank you." "Pwede mo siyang dalhin dito every saturday and sunday. Free naman ako non." suhestiyon ko. "Hindi ko siya tinuruan ng kung ano-ano ah. Nanood at naglaro lang kami." paliwanag ko. Baka kasi mamaya isipin niya na tinuturuan ko ng masama ang kapatid niya. "Alam ko naman 'yon." sagot niya. "Baka lang kas-" hindi ko natuloy ang balak kong sabihin ng mabilis niyang dinampian ang labi ko. "Thank you for doing your job properly. That's your reward." saad niya bago umikot papunta sa driver seat at iniwan niya na akong nakatulala roon. Hinawakan ko ang labi ko. Nararamdaman ko bilis ng t***k ng puso ko. Hinalikan niya ako. Hinalikan niya ako kasi ginawa ko ng mabuti iyong trabaho ko. Kapag ba palagi kong gagawin ng maayos 'yong trabaho ko na pagbabantay palagi kaya akong may reward sa kanya? Bumalik lang ako sa katinuan ng may naghagis ng isang lukot na papel. Tumama iyon sa may pisngi ko. "Pumasok ka nga rito sa loob! Mukha kang tangang nakatulala diyan!" sabi ni Kuya. Pinulot ko iyong papel at hinagis sa kanya pabalik. "Nakakainis ka, Kuya! Alam mo ba iyon?" sabi ko at pumasok na sa loob. Pumasok ako sa kwarto ko para hagilapin ang cellphone ko. Gusto kong sabihin na nabitin ako sa halik na iyon. Ingat sa pag-uwi :* Humiga ako sa kama at hinawakan ko ang labi ko. Alam ko naman na hindi ito ang unang beses na nahalikan niya ako. Pero palaging bumibilis ang t***k ng puso ko kapag dumadampi ang labi niya sa akin. After 25 minutes, kinuha ko ang cellphone ko dahil naramdaman kong nagvibrate iyon. Already at home. Ohmyghaaaad! Inupdate niya ako. Kahit wala naman akong sinabi na itext niya ako kapag nakauwi na sila ay tinext niya parin ako. "Kaylan mo ulit siya dadalhin dito?" bungad na tanong ko pagkatapos niyang sagutin ang tawag ko. Hindi kasi ako mahilig na magtext ng magtext. Boring kasi para sa akin at tamad akong magtype. Kaya mas gusto ko ang tawag o kaya voicemail. "No plans yet... bye." "Sandali! 'Wag mo muna ibababa. May gusto lang naman akong tanungin." nangingiting sabi ko sa kausap. Hindi ko siya narinig na nagsalita kaya pinagpatuloy ko na lang yung balak kong sabihin sa kanya. "Kapag ba..." hindi ko muna tinuloy ang sasabihin ko. Gusto ko marinig kasi ang boses niya kaso hindi siya sumasagot kaya napatingin ako sa cellphone ko. Hindi naman naka-patay ang tawag, talagang hindi lang siya sumasagot. "Kapag ba...." "Just continue, Lady!" he command. Natawa ako ng bahagya dahil sa pasensiya niya. Siguro ay maikli lang ang pasensiya niya, pinipigilan niya lang kanina. "Ito na... Kapag ba, dinala mo ulit dito si Phoebe at ako ang nagbantay, may reward ulit akong kiss galing sayo?" I didn't hear any responses from him. 'Bat ayaw mo sagutin? Hahahah "Jowk lang. Kahit walang reward, babantayan ko parin si Phoebe. Bye." sabi ko at ako na ang nag-end call. ♡ 11-28-22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD