Kabanata 5

2171 Words
Kabanata 5 "Ano ba naman yan, Isla! First day, late ka!" reklamo ni Patricia. "Sorry na gurls! I just want to look beautiful." pagdadahilan ko. "You looked very beautiful..." "Ayieee!" Sabay na sabi ng tatlo. Napatingin ako kay Arzeus ng sinabi niya 'yon. Bolero talaga ang isang 'to. "Thank you for the compliment." sabi ko na lang. "Saan ang banda ang building niyo?" tanong ko dahil magkakaiba ang course na kinuha namin. Ako at si Arzeus ay business administration ang kinuha since pareho kaming may imamanage na business in the future. Si Vien at Eleis ay nag hospitality management while si Patricia ay nag-architecture. "Sa building E kami ni Eleis." sabi ni Vien. "Building F!" excited na sabi ni Patricia. "So, kami pala ang malayo sa inyo since Building A kami." sabi ko sa kanila. "Una na kami." dagdag ko. "Let's go. See you around!" paalam ko sa kanila bago maglakad papuntang building A. Maagang natapos ang klase ngayong araw dahil orientation lang naman. Inaantay namin ni Arzeus ang mga kaibigan namin dito sa student lounge. We're planning to go to mall to enjoy. "Ang tagal naman nila. Nagugutom na ako." reklamo ko. "Kumain muna tayo sa canteen." aya ni Arzeus. "Can you buy me foods na lang?" I asked, tumango naman siya bago umalis para pumuntang canteen. Napabuntong hininga ako habang nag-aantay sa mga kaibigan ko. Ano ba ang magandang gawin? Mag selfie kaya ako? Magpapansin ako sa kanya tapos chat ko kaya siya? Miss ko na siya. Ilang araw na naman kasi kami hindi nagkita. After ng encounter sa club, wala na ulit siyang paramdam. Hindi rin pinapapunta ni Kuya sa bahay. islaanastacia: Hi! Kaylan mo iaaccept yung follow request ko? Dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko, chinat ko na siya. Myghad! Hindi ko kayang wala kaming communication ng matagal! seen thefvck!! yon na yon? seen lang? he didn't even try to reply! Nakakainis naman siya. Hindi niya ba ako namimiss? islaanastacia: I miss you :( I tried to put emoji baka magreply na siya. Kaso.... sineen niya lang ulit ako. f**k! pa heart to get pa ang loko! Baka akala mo hindi ako apektado sa ginagawa mo? Sobrang apektado ako ang sakit kaya! "Who's that?" napatingin ako kay Arzeus ng umupo siya sa tabi ko dala ang binili niyang pagkain. "Sandwich na lang ang binili ko." sabi niya, binuksan niya yon bago inabot sa akin. "Thanks!" sabi ko bago kinagatan ang sandwich. Tumingin ulit ako sa cellphone ko. Nag-aantay kung magrereply ba siya. "Sinong kachat mo?" tanong ni Arzeus at bahagyang tumingin sa cellphone ko. Ipinakita ko naman sa kanya. Kumunot ang noo niya at biglang nagbago ang expression ng mukha niya. "Sino yan? Bakit chinat mo ng I miss you?" seryosong tanong niya. "Crush ko." Sabi ko sa kanya. "Where did you met him?" He asked. "Kaibigan ni Kuya. Kasama siya nung nagcelebrate ako ng birthday ko. Umuwi ka kasi agad eh." Sabi ko bago kinagatan ulit yung sandwich. "Dapat pala 'di na lang ako umuwi." Mahinang sabi ni Arzeus pero rinig ko. "Ang gwapo niya..." nasabi ko na lang. "Tama na nga yan!" Naiinis na sabi ni Arzeus bago hinablot ang cellphone ko. "Ano ba, Arzeus! Nag-aantay ako ng reply eh!" Reklamo ko dito. Sinusubukan kong kunin ang cellphone ko sa kanya. "Ubusin mo muna yang kinakain mo bago ko ibigay sa'yo 'to." Sabi niya. Sinusubukan ko pa rin abutin iyong cellphone ko. Tinago niya sa likod niya, kaya lumapit pa ako ng konti at inabot 'yon. Kaso habang sinusubukan kong kunin ang cellphone napatingin ako sa isang matikas at matipunong lalaking nakatitig sa akin. Naka white long sleeve siya na nakatuck-in. Nakatupi ang sleeves hanggang siko niya, kasama niya rin ang principal ng school. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin o sa amin. Doon ko lang narealize yung ayos ko. Sobrang dikit ko pala kay Arzeus. Konti na lang ay posibleng mahahalikan ko na siya. Umayos agad ako ng pagkakaupo. Kumagat ulit ako sa sandwich bago tumingin kung saan ko nakita si Zach. Wala na siya roon. 'Di ko maiwasang mapabuntong hininga. Kung wala lang yung principal na 'yon, malamang ay tinakbo ko na ang distansya naming dalawa. "Daming pogi sa section namin!" Sabi ni Patricia ng makarating kung nasaan kami. "Satruuu! Mygosh, gurl! Ang hot ng katabi ko!" Tila kinikilig na sabi ni Eleis. Umiling na lang ako at tinignan ulit iyong pwesto kanina kung saan ko nakita si Zach. Baka kasi dumaan ulit siya doon, tapos wala na yung principal, para mapuntahan ko na. "Tara na. Para maaga pa ako makauwi." Sabi ni Vien. "Sus. Ayaw lang magpagabi kasi baka masundo ni Papa Dominic." Asar ni Eleis. "Tigilan mo nga ako." Pag-sasaway ni Vien. "Tara na, Isla." Aya ni Arzeus. "Kayo na lang muna." Sabi ko sa kanila. "Anong drama yan, gurl?" Tanong ni Eleis. "Wala. Basta sa susunod na lang ako sasama. Maiiwan na muna ako dito." Sabi ko sa kanila. "Edi 'wag na natin ituloy mag mall. Saka na lang siguro?" Tanong ni Patricia. "Ituloy niyo na. Sa susunod 'di niyo na magagawa yan dahil busy na tayo lahat." Sabi ko sa kanila. "Edi dapat sumama ka rin!" Tumingin ako sa kanilang apat. Si Arzeus, tahimik lang at nakakunot ang noo. Si Patricia naman alam kong naiinis na siya sa disisyon ko. "Hindi pwede.... Pupunta kasi akong library! Tama! Pupunta akong library kasi gusto kong mag-advance reading!" Pagpapalusot ko. "Ano ba yan, Isla! First day, advance reading agad?! Nakakainis ka naman. Bahala ka nga." Sabi ni Patricia bago umalis. "Sorry. Sundan niyo na 'yon." Sabi ko, itinuro ko pa si Patricia na naglalakad palayo. "You sure? 'Di ka talaga sasama?" Naniniguradong tanong ni Arzeus. Tumango naman ako bilang sagot. "Enjoy!" sabi ko at kumaway sa kanila. Hindi naman talaga ako mag-aadvance reading... Gusto ko lang kasing antayin si Zach kaya ako nagpaiwan. Ano kayang ginagawa non dito? May susunduin kaya siya? Nag-antay ako ng ilang minuto bago ko nakita si Zach. May babaeng nakakapit sa braso niya habang si Zach naman ay busy sa kanyang cellphone. Lumapit ako kung nasaan si Zach. Doon ko lang rin napansin na ang babaeng nakakapit sa braso ni Zach ay coordinator at teacher ko sa isang subject. Wtf! Nilingon ko si Zach, nakatingin siya sa akin. Nakakunot ang noo. Tumingin ako kay Ma'am Alisa. Nakatingin rin ito sa akin at tila ba nag-aantay ng sasabihin ko. Kaylangan kong siyang batiin bilang respeto na rin. "Good Afternoon, Ma'am." bati ko at ngumiti ng bahagya sa kanya. "Good Afternoon. May kailangan ka?" tanong niya na inilingan ko. "Wala po, Ma'am. Gusto ko lang po kayong batiin." sabi ko sa kanya. "Okay... Kaylangan ko kasing umuwi. Kung may concern ka, bukas na lang siguro." sabi niya. "Noted po, Ma'am." sabi ko. "Let's go na, Babe." Babe?! Wtf! Girlfriend siya ni Zach?! Tinignan ko silang pareho na naglalakad papalayo. Si Ma'am Alisa ay masaya habang may binubulong pa kay Zach. Ang saya nila. Para silang bagong kasal. Yung sinusundo ng lalaki yung asawa niyang babae sa trabaho... Kung may girlfriend pala si Zach, bakit nagpaakit siya sa ginawa ko? Natawa na lang ako sa sarili kong naisip. Tangina! dapat talaga sinunod ko na lang sinabi ni Mommy, na ibigay sa nararapat na lalaki... yung makakasama ko habang buhay. Paano ako uuwi? Hindi nga ako marunong mamasahe tapos wala rin yung driver namin. Maglalakad na lang siguro ako. Inumpisahan ko ng maglakad dahil medyo malayo ang bahay namin mula rito ng may tumigil sa gilid ko na itim na Tesla. Tumingin ako dito ng bumukas ang bintana ng front seat at nakita ko si Ma'am Alisa. "Sumabay ka na sa amin." sabi ni Ma'am na agad ko namang tinanggihan. "Your Kuya texted me, sabi ay isabay at ihatid na kita pauwi sa inyo." seryoso sabi ni Zach. Diretcho lang ang tingin niya sa kalsada. "Hindi na po. Nakakahiya naman po sa inyo. Baka makaistorbo pa po ako sa inyong dalawa." sabi ko. Uumpisahan ko na sana ulit maglakad ng may marinig akong nagsarado ng pintuan. Napatingin ako roon, si Zach ay nasa labas... papalapit sa akin. Seryoso siya at ang parehong kamay ay nasa bulsa habang naglalakad papunta sa akin. Pwede bang ako na lang ang maging girlfriend mo? Gustong-gusto kasi talaga kita eh. "Sumakay ka na. Tinext ako ng Kuya mo na ihatid kita pauwi sa inyo." seryoso niyang sabi. Binuksan niya pa yung pintuan sa backseat. Edi sumakay. Madali lang akong kausap. Nageffort siyang bumaba tapos pinagbuksan pa ako ng pintuan. Mabilis akong sumakay sa sasakyan niya. Sinulyapan niya muna ako bago isarado ang pintuan at umikot siya papunta sa driver seat. Habang kinakabit niya ang seatbelt ay napatingin siya sa rear-view mirror, saktong nagtama ang paningin namin. Nginitian ko siya na abot hanggang tenga, kaso kinunotan niya lang ako ng noo. Hindi ba talaga siya marunong ngumiti? "Ihahatid ko muna si Alisa, bago ikaw." sabi niya nakatingin parin sa rear-view mirror, inaantay ang sagot ko. "Okay..." Edi mabuti atleast may time kaming dalawa na magkasama. "Ingat." sabi ni Ma'am Alisa kay Zach. Tinanguan niya lang ito. Kaya pala siya ang unang ihatid dahil madadaanan pala ang bahay nila bago ang sa amin. Kala ko ay gusto ni Zach na makasama ako ng kaming dalawa lang. Tumingin si Zach sa rear-view mirror. Napatingin rin ako sa kanya. "Bakit?" "'Wag mo akong gawing driver mo." sabi niya. Kinunotan ko naman siya ng noo. Hindi ko naman saya gagawing driver, boyfriend pwede pa. "Lumipat ka dito sa harap." utos niya. Doon ko lang narealize na nasa likod nga pala ako. Magmumukhang driver nga siya. Mabilis akong lumabas para lumipat sa front seat. Syempre, ayokong magmukhang driver ang future boyfriend ko. "Tara na." aya ko ng makasakay sa front seat. Inayos ko na rin ang pagkakabit ng seatbelt. "Kumain ka na?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot. Diretcho lang ang tingin niya sa daan. "Gusto mo kumain? Kain muna tayo. Nagugutom na kasi ako." sabi ko rito kahit ang totoo ay hindi pa ako nagugutom dahil kumain ako kanina ng sandwich. "Ang hirap mo namang kausap... pero okay lang 'yon, gusto pa rin naman kita." sabi ko sa kanya. Nakita kong medyo nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Ang gwapo ng side profile niya. Kitang-kita ang tangos ng ilong niya, perpektong jawline na talagang bagay sa hugis ng mukha niya. Umigting ng bahagya ang panga niya na mas lalong bumagay sa seryosong mukha niya. Gwapo na, hot pa. "Thank you. Uhm... gusto mo bang pumasok muna sa loob?" Tanong ko sa kanya. Nasa labas rin kasi siya. "I need to talk to your Kuya." sabi niya. Siya na ang naunang pumasok sa loob. Pareho kaming pumasok sa loob ng bahay, siya pinuntahan na niya si Kuya, ako naman ay mabilis na umakyat papunta sa kwarto para makapagpalit agad. Gusto ko kasing makausap si Zach. Namiss ko kasi siya. "Nasaan si Zach, Kuya?" Tanong ko dahil pagbaba ko ay hindi ko siya nakita. Iginala ko pa ang tingin ko sa buong bahay. Baka mamaya galing kusina lang o kaya naki-cr. "Pinauwi ko na." sagot niya bago ako lagpasan. "Why did you do that, Kuya?" inis na tanong ko. "Hoy! Anastacia, tigilan mo ako. Hindi mo boyfriend 'yon para antayin ka pang matapos magbihis. Pasalamat ka nga sa kanya kita binilin na isabay ka na pauwi." "Eh di thank you!" inis na sabi ko. Inunahan ko na siyang maglakad paakyat. Sa kwarto na lang ako. Maaga ulit natapos ang klase dahil wala pa naman formal discussion, next week pa. Biyernes ngayon, hindi ko pa ulit nakikita si Zach na pumunta rito para sunduin si Ma'am Alisa. Sinubukan kong mag-antay ulit. Sa mga nakalipas na araw ay ganon ang ginagawa ko pero palaging uuwi akong bigo. Sana this time, makita ko na siya. Ang hirap naman kasi magkagusto sa lalaking hindi gaanong nagsasalita, puro kunot at taas lang ng kilay, tapos minsan lang din magpakita. "Una na kayo." sabi ko ulit sa kanila. "Ano ba yang pinagkakabusyhan mo? Nakakainis ka na talaga." Sabi ni Patricia. "Saka ko na ikukwento." sagot ko. Inirapan lang niya ako. Pagkatapos ng maikling kwentuhan ay nagsi-alis na rin sila. Buti naman. Nag-antay ako ng ilang minuto hanggang sa umabot ng mahigit tatlong oras. Mag-a-ala singko na. Kaylangan ko ng umuwi. Hindi siguro pupunta iyon dito. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko ng makita ko si Zach na naglalakad. Pero naagaw ang pansin ko doon sa kasama niya. May kasama siyang maliit na batang babae... Biglang sumagi sa isip ko iyong sinabi sa akin nila Patricia na nakita nila si Zach na may kasamang batang babae na nasa edad lima o anim na taong gulang. Itong batang babae kaya ang tinutukoy niya? Base sa itsura, may hawig siya kay Zach... pareho sila ng mata at hugis ng bibig. May katamtamang haba ng buhok yung bata na puro may makukulay na nakatali rito. Naalala ko rin iyong naisip ko na posibleng anak ni Zach iyon. Posible na anak nila ni Ma'am Alisa... ♡ 11-22-22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD