Kabanata 4
Ramdam ko ang excitement habang pauwi sa bahay.
Masaya ako kasi makalipas ang ilang araw ay makikita ko na naman ulit si Zach.
Nag-ayos lang ako konti. Naglagay ng liptint sa labi at pisngi at inayos ko rin ang buhok ko.
Pagkarating namin sa tapat ng bahay, hindi na ako nag-antay na iparada ang sasakyan sa garahe. Bumaba na agad ako.
Mabilis ang lakad ko papunta sa pintuan. Tinignan ko pa ulit ang sarili ko sa salamin na dala ko.
Nang makitang ayos at mukhang presentable naman ako ay masayang pumasok ako sa loob.
Laking tuwa ko ng makita ko si Zach na nakaupo sa may sofa sa living room namin.
Sinulyapan niya ako saglit, nakataas ang kilay bago ibalik ang tingin sa laptop.
Pinasadahan ko siya ng tingin, naka suot siya ng puting long sleeve, nakatupi ang manggas hanggang sa may siko, nakabukas rin ang unang dalawang butones kaya sumisilip ang kanyang perpektong dibdib. Shet! Ang gwapo talaga.
Siya lang ang mag-isa sa living room, wala si Kuya pati na si Kuya Dominic.
Nakakunot ang noo niya habang seryosong nakatingin sa laptop.
Walang pag-aalinlangan akong umupo sa tabi niya. Hindi niya ako pinansin kaya umusod pa ako papalapit sa kanya hanggang sa magtama ang binti namin.
Lumingon siya sa akin, nakakunot ang noo, sinuklian ko naman siya ng matamis na ngiti.
"Hi!" I greeted, hindi natanggal ang pagkakakunot ng noo niya.
"I want you." sabi ko sa nakakaakit na tono. Pero mukhang hindi siya natinag.
"I missed you so much..."
I don't understand myself. It's just that I am so attracted to him after our heated night.
"I really want you so bad." I told him.
"f**k!"
"Oh! I love that."
"Are you drunk, woman?" He asked.
"If I say yes, will you make out with me?" Tanong ko.
"f**k! What is your problem?" Problemadong tanong niya.
"Well... I missed you... and I really want to see you." Sabi ko sa kanya.
"The feeling isn't mutual. I don't want to see you." Sabi niya.
"Edi ipikit mo ang mga mata mo para hindi mo ako makita." Biro ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Sungit naman.
"Hoy! Anastacia! Anong ginagawa mo diyan?" napalingon ako sa nagsalita. Si Kuya Leigh pala. Kasama niya si Kuya Dominic at parehong may bitbit na pagkain at alak.
"Umalis ka diyan." Sabi ni Kuya pero hindi ko siya sinunod. Gusto kong malaman ni Kuya na attracted ako at may gusto sa kaibigan niya.
"Ang kulit mo talagang bata ka!" sabi niya sa akin. Ibinaba niya ang dala niyang can of beers at hinatak ang braso ko para makatayo.
"Ano ba Kuya! Hindi na ako bata." Paalala ko ulit dito.
"Sa paningin namin, Oo. Bata ka pa at kami ang mga Kuya mo." Sabi ni Kuya Leigh.
"I do not consider Zach as my Kuya." Mataray na sabi ko kay Kuya.
"Anastacia!"
"What, Kuya? I'm not allowed to like someone older than me?" I asked him.
"Bro, mukhang nainlove na ang kapatid mo kay Zach." Bulong ni Kuya Dominic kay Kuya pero rinig ko naman.
"Yes! You are not allowed!" Galit na sabi ni Kuya.
"Hindi mo ako mapipigilan Kuya. Hindi palaging ikaw ang magdedesisyon kung sino ang lalaking para sa akin." Sabi ko sa kanya bago nag walk out.
"Wag kang lalabas ng kwarto mo hangga't hindi ko sinasabi!" Sigaw ni Kuya ng nasa hagdanan na ako.
"I will not follow you, Kuya! I will do whatever I want!" Sigaw ko pabalik.
Pumasok ako sa kwarto ko at padabog na inilapag ang bag na dala ko. Iniwan ko pala yung mga binili kong gamit sa kotse. Ipapakuha ko na lang siguro? Ako na lang ang kukuha para may dahilan ako para bumaba.
Nagpalit lang ako ng mas komportableng damit. Isang plain lavender shirt and a short. Humarap ako sa salamin. Parang wala akong suot na short dahil sa haba ng suot kong t-shirt.
Kahit simple lang ang suot ko, bumagay pa rin sa akin dahil mahaba ang binti ko. Ipinusod ko lang ang buhok ko bago lumabas ng kwarto ko.
Dirediretcho ang lakad ko pababa. Hindi pinansin sila Kuya Leigh. Lumabas ako ng bahay para magpunta ng garahe.
Binuksan ko ang backseat non dahil doon nakalagay yung mga pinamili ko. Mali ako ng bukas dahil nasa kabilang dulo ang mga iyon. Dahil tinatamad akong umikot sa kabilang pintuan, tumuwad ako ng konti para maabot yung pinamili ko.
Hindi ko parin maabot 'yong mga pinamili ko kaya balak ko na sanang umikot para makuha. Kaso may biglang lumitaw na kamay mula sa likuran ko at siya na ang nag-abot ng gamit ko.
Humarap ako sa taong nag-abot ng binili kong gamit. Hindi na ako nagulat ng makita kong si Zach ang kumuha non. Base pa lang sa naamoy kong pabango alam ko na siya agad iyon.
"Hi!" bati ko ulit.
Tumingin siya sa akin saglit. Doon ko lang narealize ang ayos namin. Nakaharap ako sa kanya at nakasandal ang likod ko sa may upuan, habang siya ay medyo nakayuko.
Tumayo siya ng ayos, kaya pati ako ay tumayo na rin ng ayos.
"Thanks!" sabi ko. Kukunin ko na sana ang pinamili ko kaso inilayo niya iyon sa akin.
"Mag-usap nga tayo." sabi niya.
"At ano naman ang pag-uusapan natin? 'don tayo mag-usap." aya ko sa kanya. Itinuro ko 'yong lugar kung saan ako madalas tumambay dito sa bahay. Hindi agad-agad makikita iyon dahil natatabunan ng mga dahon at bulaklak.
Mauuna na sana ako maglakad kaso hinawakan niya ang braso ko para pigilan.
"No. Mag-usap tayo ngayon."
I rolled my eyes. Bakit ayaw niya doon? Atleast kapag nandoon kami walang makakarinig kung ano ang pag-uusapan namin.
"Nag-uusap na tayo." Sabi ko. I crossed my arms, and raise my right eyebrow.
"What was that?" tanong niya.
"Ang alin?"
"What you told earlier." sabi niya.
"It's true! I like you." pag-aaminin ko dito.
"I am so attracted to you after our make love session." sabi ko sa nang-aakit na boses.
Kumunot ang kanyang noo. Iba din ang expression na ibinibigay niya. Tila hindi siya naniniwala.
I traced his chest using my index finger. Tumingin siya sa ginagawa ko.
"I want to do it, again... but this time... ako ang nasa ibabaw."
"f**k!"
Hinawakan niya ang kamay kong nasa dibdib niya at hinila ako papalapit para mahalikan niya ako. Sinabayan ko ang bawat halik na ibinibigay niya sa akin. It is a rough kiss.
Bumitaw kami sa isa't isa para lumanghap ng hangin.
"I told you... dapat doon na lang tayo nag-usap para walang makakakita at walang istorbo."
Imbis na sagutin ako ay muli niya akong hinalikan. Ginantihan ko siya ng halik. I moan softly na nagpatigil sa kanya.
Binitawan niya ako. Inabot niya sa akin ang school supplies na hawak niya bago naglakad palabas.
"Hey! Where are you going?" I asked him.
Hindi niya ako sinagot. Sumakay siya sa kotse niya at mabilis na pinaharurot iyon papalaya.
Napangiti naman ako. Hinawakan ko ang labi ko habang kinikilig.
I won't stop until you fall for me. Mahirap ka mang suyuin, alam ko bibigay ka rin.
"Nasaan ang Kuya Zach mo?" Biglang nawala ang kilig na bumabalot sa sistema ko at napalitan iyon ng inis.
"I told you, Kuya, I won't consider Zach as my Kuya!" inis na sabi ko rito.
"But you should! You should respect him because of your age gap."
"I don't f*****g care about that age gap! I like Zach! I want him to be my boyfriend and that is final!" Aalis na sana ako ng magsalita siya.
"May oras ka pa para magbago ang isip mo. Marami pang ibang lalaki diyan na alam kong hindi ka sasaktan. Hindi mo pa kilala si Zach." tila pagbabantang sabi niya.
"Lahat nasasaktan sa pag-ibig, Kuya. Alam kong alam mo 'yon dahil naranasan mo 'yon. Kaya kahit sabihin mong may lalaking hindi ako sasaktan, hindi ako naniniwala roon. Having a relationship with someone doesn't mean masaya na palagi at hindi ka masasaktan. It should be balance, Kuya."
Nadaanan ko pa si Kuya Dominic napapalabas. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang na umakyat patungo sa kwarto ko.
"Samahan mo ako sa bar." Aya ko kay Patricia.
"Okay. Sabihan ko rin sila Eleis."
"Sige. 8pm. Sa branch namin malapit dito." sabi ko bago ibinaba ang tawag.
Mabilis lang ang takbo ng oras. Naligo at nag-ayos na ako.
I am wearing a black ruched mesh bodycon dress partnered with black high heels. I put a darker shade of red lipstick.
I looked at myself on the mirror. Hinayaan ko lang na nakalugay ang straight kong buhok.
Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, feeling ko ay hindi na ako eighteen years old. It's like... the different me because of what I am wearing right now.
"You look gorgeous, my daughter." Daddy told me.
"Thank you, Dad." Sabi ko dito.
"Where you going?" Mommy asked.
"Club Paradise, Mom. Just want to have fun. Cause next week start na ng class." Sabi ko.
"Okay. Take care."
"Wow! You looked pretty with your outfit!" Sabi ni Patricia ng makarating ako sa table namin.
"Mas lalong nakita ang hubog ng katawan mo, gurl! Palit tayo!" Sabi naman ni Eleis.
"Wag kasi puro lalaki ang hanap. Subukan mo rin mag exercise baka maachieve mo rin yang ganyang katawan." Pang-aasar ni Patricia.
"By the way, where is Arzeus and Vivien?" Tanong ko.
Silang dalawa lang kasi ang naabutan ko rito ng dumating ako.
"Si Arzeus, 'di makakapunta dahil nag overtime sa company nila. Si Vien naman... may date."
"Date? Sa boyfriend niya?" Tanong ko.
"Yes. Gusto raw kasing makipag-ayos ni Russell. Pero alam ko kaya siya pumayag sa Date nila ngayon kasi makikipag-break na si Vien." Sabi ni Patricia.
"Good decision." Nasabi ko na lang.
"Satruuu! Maraming boys pa naman out there! Like si Papa Dominic. I think he like Vien eh." Sabi ni Eleis, na ikinakunot ng noo ko.
"How do you say so?" I asked.
"Nasesense ko lang. Hahaha" sabi niya.
Inilapag ng waiter ang order namin. The two ordered mocktail, while mine, is cocktail.
"Long Island Iced Tea?!" Gulat na sabi ni Patricia.
"Bakit? May problema ba sa order ko?" Tanong ko.
"Kaya mo ba kami inaya ay para magpakalasing ka? Alam mo naman siguro ang inorder mo?"
"Yeah. I just want to drink and enjoy." Sabi ko.
Long Island Iced Tea is not just a regular Iced Tea. It contains rum, vodka, tequilla and gin. Kaya talagang nagulat sila sa inorder ko.
Naubos ko na ang isang baso kaya umorder pa ulit ako.
I just want to enjoy this night!
While waiting for my order to be serve, pumunta ako sa dance floor para sumayaw.
Medyo nahilo ako ng bahagya ng tumigil ako sa pag-sayaw.
Babalik na sana ako sa table namin para sana mahimasmasan. Tinamaan na ata ako ng alak.
Kaso may humigit sa braso ko at mabilis akong iniharap sa kanya upang mahalikan.
Hindi ako nag-react noong una dahil hindi pa napoproseso sa utak ko ang mga pangyayari.
Pero ng maramdaman kong gusto pang palaliman ang halik ay tinulak ko na ang estrangherong lalaking humalik sa akin.
Hindi na pala siya isang estranghero. Kilala ko na pala siya. Alam ko na pala ang pangalan niya.
"Bakit mo ako hinalikan?" Nasa katinuan pa naman ako ng tinanong ko yon.
"Lasing ka na." Sabi niya.
"Tipsy lang ako pero hindi pa ako lasing." I told him.
Mabilis niyang ipinulupot ang kanang braso niya sa bewang ko at inilapit sa kanya.
"Ano bang ginagawa mo rito?" Naiinis na tanong ko. Sinusubukan kong kumawala sa kanya pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa bewang ko.
"You stop! Or else I'll punish you until you can't walk." Pagbabanta niya.
"I don't care with your f*****g punishment!" Sigaw ko rito para marinig niya dahil malakas na ang tugtog.
"Siguro ay dapat parusahan na kita ngayon pa lang dahil sa mga hindi magandang salitang lumalabas sa bibig mo." Ngumisi siya sa akin bago inangkin muli ang labi ko.
♡
11-07-22