Kabanata 3
"Bakit namumula ka?" Tanong ni Kuya ng makaahon ako.
Naalala ko tuloy iyong nangyari kanina. Buti na lang talaga hindi rin ako napatili, kung hindi ay makikita nila akong lahat.
"Nakalimutan kong maglagay ng sunscreen, Kuya." Pagpapalusot ko. "Maliligo muna ako." Paalam ko bago dirediretchong pumasok sa loob at tumungo sa kwarto ko.
Mabilis kong inilock ang pinto at huminga ng malalim.
Hinawakan ko ang dibdib ko. Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?
Nag-init rin ang pisngi ko ng maalala ko ang nangyari kanina. Kahit nakakahiya iyong nangyari ay dapat magpasalamat pa rin ako kasi nahawakan niya agad ako.
Hindi na ulit ako magsusuot ng mga swimsuit na walang string! Kahit favorite ko ang mga ganito, dapat ay hindi na ulit maulit ang nangyari kanina.
Paano na lang kung ibang tao ang makakita? Paano na lang kung ibang lalaki? Baka pagsamantalahan agad ako.
Kaya laking pasasalamat ko kahit papaano ay si Zach ang nakakita sa akin.
Pero hindi pa rin tama ang ginawa niya kanina. Anong karapatan niyang siya ang mag-ayos ng bra ko?
Hindi porque't nagtalik kaming dalawa ay may karapatan na siyang hawakan ako. Kaylangan muna namin ng label!
Mabilis lang ako naligo dahil tinatawag na ako ni Kuya para kumain.
Nakasuot lang ako ng satin purple pajamas. Actually, hindi ako nagsusuot ng bra sa gabi kasi pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay natutulog na ako.
Kaso dahil may mga bisita nga dito sa paraiso, kaylangan kong magsuot ng bra. Tatangalin ko na lang kapag matutulog na ako mamaya.
Lumabas na ako ng bahay at nakita silang lahat na bagong ligo na.
"Kumain na tayo." Pag-aaya ni Kuya pagkatapos ilapag ang barbeque na hindi pa naihaw kanina.
"Sila mommy, Kuya?" Tanong ko.
Ang mga kaibigan ko at kaibigan lang kasi ni Kuya ang nandito.
"Dahil may meeting si Daddy, nauna na silang kumain." Paliwanag ni Kuya na ikinatango ko naman.
Tahimik lang akong kumain, minsan ay napapasulyap ako kay Zach na busy sa kanyang cellphone.
May tinitipa siya doon. Siguro ay katext niya ang gilfriend niya.
May dumaloy na sakit sa puso ko ng isiping may girlfriend siya ngunit nakipagtalik pa siya sa akin.
Masakit sa parte ko na ibigay ang p********e ko sa taong hindi ko naman makakatuluyan sa huli.
Napabuntong-hininga ako dahil sa naisip ko. Bakit kasi ang mga ganitong klaseng lalaki ay mahirap iwasan.
Kumpara kay Dominic, may kakaibang aura si Zach na hindi ko masabi. Basta ng makita ko siya kahapon kahit lasing ako, naattract na ako sa kanya.
"Zach." Tawag ko dito.
Lumingon siya sa gawi ko, nakakunot ang noo.
Ang akala ko ay siya lang ang nakatingin, lahat pala sila. Si Patricia at Eleis ay may nakakalokang tingin habang si Kuya, Vien at Dominic ay nakakunot rin ang noo.
"Anong Zach? Tawagin mo siyang Kuya. Kuya Zach. Dahil mas matanda siya sayo ng anim na taon." mahinahong paliwanag ni Kuya.
What the f**k! Six years?!
Kung six years, ibig bang sabihin ba nito ay 24 years old na siya?
Hindi lang sa akin halata ang gulat, pati na rin kay Patricia, Vien at Eleis.
"May sugar dadeh ka na." Bulong ni Eleis sa akin. Bahagya niya pa akong itinulak kaya pinandilatan ko siya ng mata.
Fuck! So it's true! My guess is true! Para na akong bunsong kapatid niya! Kaya ba ganon na lang niya murahin ang edad ko kasi ang bata ko pa para sa kanya?!
Napatingin ako kay Zach, nakangisi na siya ngayon. Parang sinapak naman ako ng katotohanan na hindi dapat ako nakipagflirt sa taong kagaya niya.
Malamang may experience na siya bago ako. At ang mga ganitong klaseng tao ay alam kong papaasahin at sasaktan lang ako. Kaya habang maaga pa kaylangan kong mapigilan ang nararamdaman ko para sa kanya.
Attracted lang naman ako. Posible pa iyon mawala.
Mabilis lang natapos ang linggo, babalik na kaming Manila dahil mag-uumpisa na rin ang klase sa kolehiyo.
Yung mga kaibigan ni Kuya, nauna na ring umuwi noong isang araw. Ang sabi ay aasikasuhin na raw nila ang kanya-kanyang business nila.
Pag-uwi ko ng Manila ay hahanapin ko si Zach. Gusto ko kasi siyang makausap kahit wala naman kaming dapat pag-usapan.
"Salamat Tita, Tito and Baby Leigh! Naenjoy ko sobra ang birthday ni Isla!" masayang sabi ni Eleis ng makarating kami sa bahay namin.
"No problem, Eleis." sabi ni mommy.
"Ingat kayo pag-uwi." sabi naman ni daddy.
Imbis na kami ang maghatid sa kanilang bahay, ay nagpasundo na lang sila.
"Kuya, kailan pupunta dito ang mga kaibigan mo?" nakangiti kong tanong.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Bakit?"
"Anong bakit, Kuya?" patay malisayang tanong ko.
"Bakit mo tinatanong kung kaylan pupunta ang mga kaibigan ko dito sa bahay." sabi niya.
"Ano...Kuya... Ano... Gusto kasi ni Eleis makita ang mga kaibigan mo, may natipuhan ata!"
Kumunot ang noo niya, tila hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Tigilan mo yan, Anastacia! Alam kong hindi ang kaibigan mo ang gusto makita si Zach o si Dominic."
"Totoo, Kuya! Gusto nga makita ni Eleis si Zach tsaka Dominic!" Pagpupumilit ko.
"Tigilan mo ako. Alam kong ikaw ang may gusto na makita sila. At hindi ba ang sabi ko ay tawagin mo silang Kuya, dahil mas matanda sila sayo." Paliwanag ni Kuya.
Kahit anong palusot ko ay hindi talaga ako makakalusot kay Kuya.
Dahil sa inis ko, padabog akong nagpunta sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.
"Argh! Nakakainis ka talaga Kuya!!"
Ilang araw ko na bang hindi nakikita si Zach? Apat na araw palang naman ah.
Bakit gustong gusto ko na siyang makita ulit?
May pumasok na idea sa isip ko. May f*******: account kaya siya? i********:?
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa.
I opened my f*******: account and I click the search button to search for his name.
Zachariah Bryce Saldavia
Ang daming lumabas pero hindi naman siya. Meron din na siya ang profile picture kaso poser naman.
Hindi ba siya gumagamit ng f*******:?
Dahil di ko makita ang f*******: account niya, sinubukan ko sa i********:.
I tried searching his name. Hindi naman ako nabigo dahil nakita kong finafollow siya ng Kuya ko, kaya alam ko na agad na sa kanya 'yong account.
zbsldvia
Pumunta ako sa account niya kaso nakaprivate.
Nakakainis naman! Gusto ko lang namang mangistalk pinapahirapan mo pa ako!
Nagdadalawang isip ako kung ikiclick ko ba ang follow button o hindi.
Ano nalang ang iisipin niya kung ifollow ko siya? Eh sa attracted ako sa kanya eh.
Sa huli ay napagdisisyonan kong ifollow siya. Aantayin ko na lang na iaccept niya ang follow request ko.
Ang tagal naman niya akong iaccept. Hindi ba siya nagbubukas ng i********:? Pero diba magnonotif naman sa kanya iyon. Ang pa-hard to get naman niya.
"Kuya!! Aalis ako!" sigaw ko.
Sila Mommy at Daddy, umalis din. Nagpunta sila sa Main branch ng Club Paradise.
"Saan ka pupunta?"
"Pupunta akong mall, Kuya. Bibili ako ng mga gamit ko dahil may pasok na sa lunes." Pagpapaalam ko rito.
"Ikaw lang mag-isa?" he asked.
"Of course not, Kuya! Ang boring kaya kapag mag-isa lang." I told him. Totoo naman kasi na boring kapag mag-isa lang na namamasyal sa mall.
"Sinong kasama mo?"
"My friends, Kuya." Sabi ko rito. Pero mukhang hindi siya naniniwala.
"Wag mo akong tignan ng ganyan, Kuya! Totoo ang sinasabi ko na kasama ko ang mga kaibigan ko." Pagpapaliwanag ko.
"Siguraduhin mo lang. Bata ka pa, hindi ka pa pwede mag-boyfriend."
"My gosh, Kuya! I am old enough! Eighteen years old na ako. Pwede na akong magboyfriend!" I told him. Medyo naiinis na naman ako sa kanya.
Over-protective kasi siya sobra sa akin. Ayaw niya mangyari sa akin ang nangyari sa kanila ng girlfriend niya.
"Then, dapat iharap mo sa akin ang boyfriend mo." Sabi niya.
"Why would I do that, Kuya?" tanong ko.
"Of course, I need to interview your man. I'll just ask random questions." he said.
Hindi mo na kaylangan interviewhin, Kuya. Dahil kilalang kilala mo na siya kasi kaibigan mo. hahaha.
Natawa lang ako sa naisip ko. Ako lang kasi ang gumagawa ng label. Ako lang rin ang nageeffort na gumawa ng way para makapagcommunicate kaming dalawa. Pero siya, mukhang wala namang pakialam. Hindi nga inaaccept ang follow request ko.
"I don't have a boyfriend as of now, Kuya. Alis na ako." Sabi ko sa kanya at lumabas na ng bahay.
"Mag-iingat kayo. Huwag magpagabi." bilin ni Kuya.
"Yeah, Kuya." I told him, before I rolled my eyes.
Nagpahatid ako sa driver namin papunta lang sa malapit na mall. Andoon na raw sila Patricia, ako na lang ang inaantay nila.
Pagkarating ko ay hindi nila ako napansin. Si Eleis ay nakakapit sa braso ni Arzeus. Pare-pareho silang may tinatanaw o inaabangan.
"Sigurado ako na siya iyon." Sabi ni Patricia.
"May bata kasing kasama!" Sabi naman ni Vien.
Kumunot ang noo ko, may batang kasama?
"Huy! Sino 'yang tinatanaw niyo?" pangugulat ko sa kanila.
"Isla!" tawag ni Arzeus. Niyakap niya ako bilang pagbati. Palaging ganyan ang ginagawa niya sa akin kapag matagal kaming hindi nagkikita.
"Sino yung sinasabi niyo na may kasamang bata?" nagtatakang tanong ko.
"Nako, gurl! naghahanap lang yan ng lalaki." sabi ni Eleis at kumapit ulit sa braso ni Arzeus.
"Sino ba kasi iyon?" curious na tanong ko.
"Hindi pa kasi kami sigurado, Isla. Baka namamalik-mata lang kami." Sabi ni Vien.
"Hindi! Totoo talaga na siya ang nakita ko. May kasama pa siyang maliit na batang babae." Sabi ni Patricia.
"Sino nga ba kasi iyong nakita niyo?" tinaasan ko sila ng kilay.
"I saw Zach with a little girl. Pumasok sila doon." Sabi ni Patricia. Itinuro niya pa yung Toy Kingdom na nasa harap lang namin.
"Who's Zach?" Arzeus asked.
Little Girl?
"Sigurado ba kayo?" tanong ko.
"Oo! Siguro ay 5 or 6 years old na yung batang babae." Sagot ulit ni Patricia.
May dumaloy na sakit sa puso ko ng maisip ko na may anak na siya kung sakali.
"Hindi pa naman tayo sigurado, gurl! Paano kung pinabantay lang sa kanya yon?" Sabi naman ni Eleis.
"Who's Zach?" tanong ulit ni Arzeus.
"Kaibigan ng Kuya ni Isla." sagot ni Vien.
"Then... bakit niyo siya pinaguusapan?" nagtatakang tanong ni Arzeus.
"Kasi-" mabilis na tinakpan ni Patricia ang bibig ni Eleis. Pinandilatan ko naman siya ng mata. Walang alam si Arzeus sa nangyari sa Paraiso kaya hindi na dapat lumabas iyon.
"Wala naman. Trip lang namin pag-usapan para maiba ang topic." palusot ni Patricia.
Dahil kilala ko na rin si Arzeus, matalino siya, alam niyang hindi iyon ang totoong dahilan. Pero mukhang hindi na lang niya pinansin.
"Tara na." aya ko.
Gusto ko ng makabili ng gamit at umuwi na lang agad at magkulong sa kwarto ko.
Alam ko sa sarili ko na mali ang nararamdaman ko. Posible ba na mahulog ang loob sa isang lalaking nakamake out tapos iyon lang din ang simula ng pagkikita niyo.
Binili ko lahat ng dapat bilhin para sa gagamitin ko sa school. Hindi ko nga alam kung importante ba 'yong ibang gamit na binili ko o hindi. Basta kuha lang ako ng kuha para matapos na.
"Kain muna tayo." Aya ni Vien.
"Pwede bang kayo na lang muna? Gusto ko ng umuwi eh." sabi ko
"Ano ka ba gurl! Wag kang KJ! Pagkain iyon, hindi dapat tinatangihan." Sabi ni Patricia.
"Tara na, ako na sasagot." Sabi ni Arzeus, bago hawakan ang kamay ko.
"Ayun! Mas lalong masarap kumain kasi libre." sabi ni Patricia.
Hinatak niya kami papunta sa isa sa mga fastfood restaurant.
"What do you want?" Arzeus asked.
"Ako, Steak lang. Well done." sabi ni Vien.
"Same!" sagot ni Eleis.
"Fish fillet nalang akin." sagot naman ni Patricia.
"How 'bout you?"
"Uh... Spaghetti with meatballs." Sabi ko sa kanya.
"Ayun lang?"
Tumango ako bilang sagot.
Wala parin ako sa mood hanggang sa maupo kami sa upuan. Si Arzeus ay nakapila para umorder.
"Gurl! Like mo na siya?" Eleis asked.
Gusto ko na nga ba? Posible nga ba kasi ang magkagusto sa kakakilala palang tapos nakamake out pa?
"Malamang gusto na niya. Hindi naman niyan mawawalan ng mood kung hindi." sagot ni Patricia.
"Wait!" napatingin kami kay Vien ng magsalita siya.
Kaharap niya ang cellphone niya at parang may tinitignan.
"Diba si Zach at Dominic 'to?" tanong ni Vien. Ipinakita niya pa sa akin iyong cellphone niya.
Story iyon ni Kuya sa i********:. Tinitigan kong mabuti. Magkakasama silang tatlo... pero sandali! Diba sa bahay namin iyon?
Kinuha ko agad ang cellphone ko para matignan mabuti kung sa bahay nga namin iyon.
Binisita ko ang story ni Kuya. Tinitigan kong mabuti ang paligid sa picture. Nang makumpirma na sa bahay nga iyon, tinignan ko ang oras ng post. 25 minutes.
Andoon pa kaya sila? Siya?
Bakit ang tagal dumating ng order? Gusto ko ng umuwi! Excited na akong umuwi kasi nasa bahay si Zach! Makikita ko ulit siya.
Gusto ko na lang tumayo rito at iwan ang mga kaibigan ko, para umuwi. Kaso baka magalit sila sa akin.
Pagkalapag ng pagkain ay binilisan ko ng kainin iyon. Bahala na kung may dumi ako sa mukha basta ang nasa isip ko ay makauwi na para maabutan pa si Zach sa bahay.
"Eat slowly." Sabi ni Arzeus, pero hindi ko sinunod.
Mabilis akong natapos kumain. Napatingin sila sa akin ng makita nila akong tumayo.
"Una na ako!" paalam ko at mabilis na naglakad paalis.
♡
10-25-22