Kabanata 17
Gusto ko na lang magtago sa ilalim ng mahabang lamesa. Bakit kailangan sabihin niya pa iyon dito sa loob ng conference room!?
Hindi ba siya nahihiya?
Inikot ko ang paningin ko sa loob ng conference room. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Naiilang ko silang nginitian lahat.
Hindi ko alam kung nahihiya ba ako o kinikilig dahil sa ginawa ni Zach. Wala naman siyang sinabi about sa status ng relationship namin. Ang sinabi niya lang naman ay nasa kanya ang breakfast ko.
Kaso nga dahil nasa makabagong generation na tayo, konting galaw mo lang, may issue ka na agad. Kaya nga ayoko muna malaman nila na may relasyon kami ni Zach, kahit ako lang nakakaalam. Dahil para sa akin, simula ng kinuha niya ang virginity ko, jowa ko na siya!
"Are you related to our Mr. Zach?" Ms. Joy asked.
Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Ano isasagot ko dito? Hindi pwedeng oo, kasi kapag sinabi ko yun, baka maging bias pa sa ibang Trainees. Kaya nga ayoko mag training sa company namin dahil baka kung ano-ano pa ang masabi nila, lalo na may grades din 'to. Gusto kong maging patas.
"Ms. Acuesta?"
Nabalik ako sa huwisyo ng tinawag ulit ako ni Ms. Joy.
"N-no, Ma'am!" I refuse. Umiling-iling pa ako.
Kailangan ko makaisip ng idadahilan. "Nagkasalubungan po kasi kami ni Sir, kanina lang po. Nag-aantay po kasi ako na bumukas iyong elevator, binitawan ko muna yung lunch bag ko po kaya ayun nakalimutan kong bitbitin nung bumukas yung elevator." Pagpapalusot ko. Pero mukhang hindi parin siya naniniwala.
"Bakit alam niya ang pangalan mo?" Tanong ng isang ka-batchmate ko.
"At bakit parang kilala ka niya?" Mataray na tanong ng isa ko pang ka-batchmate.
Nasa hot seat ata ako, imbis na dapat orientation 'to.
"N-nasa keychain ng lunch bag ko ang picture pati pangalan ko. Para in-case na mawala, malalaman agad nila kung sino ang may-ari." Totoo iyong sinabi ko. May nakalagay na keychain sa lunch bag ko. May contact number pa nga dahil lagi kong nakakalimutan iyon kung saan-saan.
"Hindi parin kami kumbinsibo! Dalhin mo nga ang lunch bag mo dito." Sabi ulit noong kaschoolmate ko.
May mga tao talagang ayaw maniwala kahit totoo naman ang sinasabi! Mga nakakainis sila!
Paano ako pupunta sa opisina ni Zach? Eh hindi nga kami bati noon!
"Mamaya na lang. Tapusin muna yung orientation." Sabi ko sa kanila.
"Is it your alibi?" Someone asked from somewhere. Luminga-linga ako para makita kung sino ang nagsalita na 'yon.
"N-no!" Sagot ko sa babaeng nakatingin sa akin.
"Stop this nonsense! Lunch bag lang iyon ni Ms. Acuesta. Nagpaliwanag na siya. Tumigil na kaya. Hindi ito magandang attitude lalo na mga trainees palang kayo!" Paninermon sa amin ni Ms. Joy.
"Ms. Acuesta, I'm giving you permission to go out of this room to get your lunch bag now," Ms. Joy told.
Syempre kailangan magbait-baitan tayo dahil baka hindi ko na matapos ng 600 hours na duty ko dito.
Tumayo na ako bitbit ang mga gamit ko bago lumabas ng conference room. Dapat lang na dalhin ko ang mga gamit ko dahil hindi naman tayo sigurado sa mga tao sa loob kahit kabatchmate ko 'yan, hindi ko naman sila mga kilala lahat. Baka mawalan pa ako ng gamit.
Pumasok ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang opisina ni Zach.
Pagkalabas ko ay hindi ko na tinanong ang secretarya niya. Hindi na rin ako kumatok sa pintuan ng opisina niya. Tuloy tuloy lang ang lakad ko hanggang sa pumasok ako sa loob ng opisina niya.
"Nasaan ang lunch bag ko?!" Pagalit na tanong ko sa kanya. Inilahad ko pa ang palad ko sa kanya.
Tinignan niya lang ako at natawa ng bahagya. "Good Morning." Bati niya.
"Bad Morning! Dahil sayo nasira araw ko! Kagabi pa ako nagtatampo sayo. Kaya yung gusto mong pansinin pa kita ibigay mo na sa akin ang lunch bag ko! Kanina pa kumukulo ang dugo ng mga ka-batchmates ko!" Galit na paliwanag ko.
"What happened?" Tila nagmamaang-maangan pang tanong nito. Really? Company owner ka niyan?
"Tigilan mo ako! Dahil sa lunch bag na 'to, nagalit sila sa akin! Nakakainis ka!" Inis na inis na sabi ko bago hinablot ang lunch bag ko.
Kaso imbis na yung hawakan yung nahawakan ko, iba iyong nahawakan ko.
"Bitaw!" Naiinis na sabi ko.
Kasi naman! Balak pa yata na agawin sa akin ang lunch bag ko, kaya ang ending nasa ilalim ang kamay at nasa ibabaw naman ang akin.
"Bitawan mo ang lunch bag ko kung ayaw mong hindi kita pansinin o lumipat na lang ako ng ibang kompanya?" Pananakot ko.
Pero hindi niya parin binitawan. Imbis ay mabilis niyang kinuha ang kamay kong nakapatong sa kanya at hinila ako palapit sa kanya para bigyan ng nagaalab na halik.
Imbis na magpumiglas ay ipinikit ko na lang ang mata ko at dinama ang bawat halik na aming pinagsasaluhan.
His kiss became deeper. He tasted every corner of my mouth while his hand found its way to my breasts. He slightly massaged it while still kissing me. Moans escape from my mouth.
Unti-unti natutunaw na ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Bakit ganon! Konting galaw niya lang na nakakapagpakilig sa akin, okay na ang lahat.
Siya ang unang bumitaw sa halik pero ako halos habulin ko pa ulit ang labi niya dahil nabitin ako.
I heard him chuckled a bit because of my sudden frustration.
"Damn! Baby... I like to kiss you more too, but I have a meeting to attend right now. Let's save it for later, okay..." He kissed me again on the lips after that before he walked to go outside his office.
I waited for a minute to process what just happened a while ago. Did we make out?
Ang swerte naman ng bungad ng unang araw ko sa OJT. Kinikilig na inabot ko ang lunch bag ko na nasa lamesa ni Zach bago nagtungo sa pintuan. Okay rin pala na 'wag na magbreakfast tutal naman nabusog na rin naman ako.
Maayos kong inilapag ang lunch bag ko sa table. Itinaas ko ang parang keychain kung saan nalagay ang pangalan ko pati picture ko. Parang I.D ang style.
"Naniniwala na kayo? Hindi ako nagsinungaling at totoo ang sinasabi ko."
Nakita kong umikot ang mata ng kabatchmate ko. Iyong isa naman ay inirapan ako. Taena! Kung ayaw niyo maniwala 'edi 'wag niyo!
Natapos na ang orientation at pinapapunta na kami sa assigned department namin. Of course, kay Zach ako napunta.
"Dapat nagreklamo tayo. Hindi pwedeng may maaassign sa company owner diba! Ang unfair!" Bulungan ng ibang kabatchmates ko babae. Bulungan pero naririnig ko?
"May sarili namang kompanya, bakit hindi na lang kasi doon? Feeling ko lalandiin lang naman niya si Sir Zach!"
"Pustahan tayo! Hindi 'yan makakagraduate dahil mabubuntis 'yan." Hindi ko na napigilan ang inis ko.
"Excuse me!! Ako ba ang pinag-uusapan niyo?! For your information, Ginusto ko bang maassign doon? Tsaka anong mabubuntis? Baka ikaw pa nga ang mauna!" Galit at nang-aasar na sabi ko rito bago ko sila nilagpasan.
Ayokong lumalala pa ang tensyon kaya ako na ang umalis agad. Katulad kanina ay pinindot ko ang floor number sa elevator kung saan ang opisina ni Zach.
Pagkarating ko doon. Saka ko lang pinansin ang babaeng nakaupo sa office chair sa labas lang ng opisina ni Zach.
"Good Afternoon, Ma'am Acuesta..." Bati ng babaeng sekretarya niya yata.
Umiling iling ako para malaman niya na hindi dapat ganun ang itawag niya sa akin.
"Isla na lang po. Trainee po kasi ako dito. Panget naman pong pakinggan kung Ma'am Acuesta pa ang itawag mo sa akin." Sabi ko. "By the way, ikaw ba ang secretary ni Zach?" Dagdag ko sa sinabi ko.
"Yes po. I'm Krissa po pala."
"Alisin mo na rin ang po, hindi magandang pakinggan lalo na Trainee lang din naman ako dito sa kompanya ni Zach." Sabi ko.
Nginitian niya ako bago tumango sa sinabi ko.
"Tapos na ba meeting ni Zach?" I asked. Syempre nakakahiya naman pumasok sa loob tapos ako lang mag-isa.
"Oo. Nasa loob na siya. Kaso nandoon din ang mga kaibigan niya." Sabi ni Krissa.
"Sino-sino?" I asked due to my curiousity. Baka mamaya dahilan lang na kaibigan tapos babae pala.
"Si Sir Luke, Sir Dominic at si Sir Maverick."
"Si Kuya?" Nabinggit ko.
"Opo." Kilala niya rin pala ang Kuya ko.
"Pwede bang pumasok sa loob?" Pagpapaalam ko. Baka kasi mamaya meron silang importanteng pinag-uusapan na bawal marinig ng ibang tao.
Pero bago pa niya ako bigyan ng permiso, bumukas na ang pintuan sa opisina ni Zach. Napatingin kami pareho doon. Unang lumabas si Kuya Dominic sumunod ay si Kuya ko at si Sir Luke, at panghuli ay si Zach. Pare-pareho silang naka-three piece suit.
"Krissa, paki-print ako ng file na pinasa ko sa'yo." Sabi ni Zach bago dumapo ang tingin niya sa akin.
Nginitian ko siya ng sobrang tamis. Wala akong pakielam kung makita nila Kuya iyon.
"Hoy! Anastacia! Kumain ka na ba ng breakfast?" Hinarangan ni Kuya ang magandang view na nakikita ko.
"Ano ba Kuya! Lumayas ka nga diyan. Sinisira mo ang magandang view ko." Tinutulak ko papalayo si Kuya Leigh para umalis sa pagkakaharang sa magandang view ko.
"It's been a while Ms. Acuesta." Bati ni Sir Luke ang kameeting namin ni Zach last three years ago.
"Hi. Hello..." bati ko rin dito. Nakipag-kamayan kaming dalawa sa isa't isa.
"Your hands are very soft," Sir Luke said.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya bago dahan-dahan alisin ang kamay kong hawak niya. I looked at Zach when he cleared his throat. May kakaibang tingin ang dumapo sa mga mata niya.
"Don't flirt with my little sister, bro." Sabi ni Kuya. Natawa naman si Sir Luke sa sinabi ni Kuya.
"Bakit? Single ako, single din naman siya. Right, Ms. Acuesta?" Tumingin si Sir Luke sa akin ng may ngiti sa labi.
"Bawal pa magboyfriend ang kapatid ko hangga't hindi pa nakakagraduate 'yan!"
I rolled my eyes on Kuya. Ayan na naman siya sa pagiging strikto niya. Minsan ang bait madalas ang strikto!
"Mauna na kami. Ikaw, Anastacia. Kumain ka na ng breakfast kung ayaw mong sumakit ang ulo mo!" Tila parang pinapagalitan pa ako nito.
"Oo na, Kuya!"
"Magpakabait ka rito. Pag nalaman kong may ginawa kang kalokohan, sa kompanya na natin tatapusin iyang OJT mo!" Pangangaral niya sa akin. "Bantayan mo 'to Zach. Mahilig nang gumawa ng gulo 'to ngayon. Ewan ko ba gagraduate na nga lang mapapaguidance ka pa." Dagdag na sabi ni Kuya.
"I'll take care of her, Mav." Sabi ni Zach kay Kuya.
"Lets go inside to eat your meal." Sabi ni Zach bago kinuha ang hawak kong lunch bag at nauna ng pumasok sa loob kaya sumunod naman ako.
Pagkapasok ko sa loob, inaayos na niya ang laman ng lunch bag ko.
"Come here. Eat your meal." He gesture me to come over him.
""What meal?" I asked. I looked at his lips, asking if it was my breakfast today.
"Food, Isla. Eat your food."
Tila napahiya ako doon kaya hindi ako makatingin sa kanya habang kumakain. Narinig ko siyang natawa ng bahagya dahil sa kilos na ginawa ko.
"Your table will be inside my office. You'll be going to help me with my paperwork. Also, if my secretary will take her absences or leave, you will be the substitute." Sabi niya habang kumakain pa ako.
"What?! No way! Ano na lang ang sasabihin ng ibang Trainees kapag nakita nila ako sa loob ng opisina mo?! Muntik na nga magkagulo kanina sa orientation dahil sa sinabi mo eh!" Reklamo ko dito.
"Don't mind them." Tila hindi apektado sa pagrereklamo ko.
"No! Sa labas na lang ako. Kahit katabi ni Krissa. Ayoko ng issue." Pagtatanggi ko sa nais niyang plano.
"Okay, If that's what you want. Pero ngayon, dito ka muna sa opisina ko buong araw..."
♡
08-26-24